You are on page 1of 1

Mga tanong:

1. Alin ang mas epektibong pagkatuto, online class o face to face?


-Face to face.
2. Bilang isang estudyante, paano mo matutugunan ang mga rekwayrments
para maipasa ito sa itatakdang araw o petsa?
-Para matugunan ko ang aking mga responsibilidad sa pamamagitan ng:
• Panatilihing updated sa mga iaanunsiyo kung may nag upload na ba na
mga modyul, panayam o takdang aralin sa pamamagitan na palaging
online sa mga oras ng klase lamang.
• Iaalarma ko ang selpon ko, kinse minuto bago magsimula ang online class
para makapaghanda ako at isisiyasat ko ang mga panayam o leksyon
nuong nakaraang araw.
• Maglilista ako kung ano ang gagawin ko sa araw na iyon o maggawa ng
planner para parati ko itong makikita at maalala ko ang aking mga
gagawin.
• Pagkakaroon ng "home learning plan". Ito ay isang eskidyul plan na kung
saan gagawin mo ang iyong takdang aralin o modyul sa oras lamang ng
iyong klase para may oras ka rin sa iyong sarili at hindi ka na maabala o
matataranta pa kung ano na ang gagawin mo kasi malapit na ang takda sa
pagpasa ng mga rekwayrments.
3. Sa panahon ng pandemya, paano ka makakasurvive sa online class sa kabila
nang mahinang koneksyon ng internet, kulang sa badyet at kakulangan sa
gadyets?
-Isa ako sa mga swerte ngayong pasokan dahil may naibigay ang aking
magulang na allowance para may badyet ako pangload sa aking selpon. Kahit
na malakas ang koneksyon ng internet sa probinsya namin, ginusto ko pa rin
na bumalik sa aking pamantasan para maisiguro ko sa sarili ko na kaya kong
magampanan ang aking pagiging istudyante at hindi umaasa sa ibang tao. At
masaya rin ako dahil bumubuti na ang signal o koneksyon ng internet dito sa
aming boarding house.

You might also like