You are on page 1of 2

MGA PATAKARAN AT TAGUBILIN

Ang mga patakaran sa klase ay sadyang iniayon sa panahon ng pandemya kung saan
pinananatili ang pag- aaral sa loob ng tahanan. Kaya iniisa- isa ang sumusunod na
patakaran:

1. Pamamalagi sa klase
a. Pamaraan. Distance Learning ang pamamaraang gagamitin sa kasalukuyan.
Kinakailangan ang palagiang pagpasok sa klase, bagamat may pagluluwag
sa mga pagkakataong ang koneksiyon sa internet ay mahina. Sa mga
pagkakataong mahina ang koneksiyon, ang mga mag- aaral ay hinihikayat
na magmensahe sa guro sa pamamagitan ng numerong naipaskil, sa
Introduksiyon ng kurso sa LMS at GC ng klase.
b. Pagtatakda ng limitasyon sa pakikipagsangguni. Sa layuning maayos at
naaayon sa patakaran sa pakikipagsangguni, hinihikayat ang mga mag-
aaral na isagawa ito na ayon sa pagkakasunod- sunod:

Guro: sa GC ng Puno ng
Dekana
klase Departamento

Hininiling na mga nauugnay na isyu lamang ang isangguni sa kinauukulan


at gawin ito sa maayos na paraan.
2. Oras ng pagpasa ng takda. Ang lahat ng kahingian ng kurso ay hinihikayat na
maipasa sa itinakdang araw. Sa mga pagkakataon na hindi umaayon ang
koneksiyon o kung ang mga mag- aaral ay may emergencies na kinakailangang
pagtuoan, ipagpaalam ang dahilan sa guro upang mabigyan ng pagkakataong
maipasa ito sa araw na mapagkakasunduan.
3. Pagsasagawa ng tungkulin
a. Pagsasapribado. Ang lahat ng iniatas sa mga mag- aaral ay dapat sundin
maliban lamang kung may napagkasunduang usapan na naaayon sa
alituntunin ng unibersidad at batay sa code of conduct, data privacy act at
manwal ng mga mag- aaral.
b. Sa pag- uulat. Ang mga kagamitan sa pag- uulat ay tungkulin ng gagamit
na gumawa ng hakbang. Hanggat maaari tumugon nang maayos at gawin
nang may pagsasaalang- alang sa pangangailangan, kakayahan at
kagamitang mayroon ang mga mag- aaral. Ang pagkakataong may hindi
inaasahang dahilan na hindi maisagawa ang tungkulin ay ipagpaalam sa GC
o pangkat at sa guro sa gayon ay hindi makaapekto sa daloy ng klase.
c. Sa oras ng pagsusulit. Katapatan ang kahilingan ng guro sa pagkuha ng
pagsusulit.
4. Pagsasagawa ng karapatan. Malayang makapagtanong ang mga mag- aaral
tungkol sa kanilang karapatan. Kinakailangan lamang ang wastong pamitagan
sa guro at sa iba pang kasapi ng mga mag- aaral. Kapag may mga usapin o
suliranin na nakaaapekto sa pag- aaral ay maaaring isangguni sa guro upang
mapag- usapan ng mga kasangkot bago gumawa ng mas mataas na hakbang.
Ang mga tanong na o usapin na maaaring hindi maaayos sa pakikipagsangguni
ay sumunod lamang sa tuntunin 1b.
5. Pagdalo sa virtual classroom. Inaasahan na ang mga mag- aaral ay maaayos
sa kani- kanilang sariling lokasyon upang mapabilis ang pakikibahagi sa
talakayan ng klase. Maaaring pumasok sa klasrum ang mga mag- aaral na
nahuli. Mahigpit na ipagbabawal ang lokasyong may mga larawang hindi
kaaya- aya, pagkain sa oras ng talakayan, at anumang maaaring maging sagabal.
6. Koneksiyon sa pag- aaral. Sa kalahatan, ang LMS ay gagamitin ng lahat ng
mag- aaral. Ang mga module, pagsusulit, mga babasahin at mga kagamitag
multimodal ay maaaring makuha diro. Bagamat maaaring maging alternatibo sa
pagpasa, pagtatanong, at pagkuha ng impormasyon ang email, text messaging, at
GC.
7. Oras ng pakikipagsangguni. Ang guro ay bukas sa pakikipagsangguni sa oras
na itatakda o kung may kasunduang naaayon sa mag- aaral at guro sa layuning
mapabilis ang pagsangguni. Iayon lamang sa tamang oras ng
pakikipagsangguni.

Facebook / Messenger LanArt Saga


Email lanie.sagabaen26@gmail.com

You might also like