You are on page 1of 10

Sir Jom (VOICE OVER): Hirap ka bang kumuha ng

learning modules? O baka walang access sa internet?


Sa Deped Rizal, lamang ang may alam!
Halina’t sama-sama nating tuklasin ang mga
programa ng Blue Rizal – Bayanihan sa Paaralan
nagpapatuloy para sa Kabataan!
(vid ng batang kumukunek sa internet)
(Field reporter enters gate, quick shots ng school buildings/façade)

Sir Rafon: Mga kaibigan, narito po tayo ngayon sa


Mataas na Paaralang Nasyunal ng Baras-Pinugay Phase
2 kung saan kakapanayamin natin ang punong guro
tungkol sa mga paghahandang nagaganap para sa
nalalapit na pasukan… (background: I love BPP2NHS)
Magandang araw po Mam Pedroso. Kaugnay po ng
Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela 2021, maaari
nyo po bang ibahagi ang isinasagawang preparasyon sa
ating paaralan?

Me: Magandang araw din sayo sir, sa mga magulang,


stakeholders at sa ating mga mag-aaral! Ang atin
pong paghahanda ay nakatuon sa pagpapalawig ng
school-family- community-partnership bilang
suporta sa pagpapatupad ng School Learning
Continuity Plan. Tayo po ay mapusong nakikipag
ugnayan sa ating mga school partners and ,
stakeholders, LGU, NGO o private institutions at sa
buong komunidad upang tumugon at makibahagi sa
programa ng paaralan para sa tuloy-tuloy na
paghahatid ng edukasyon.

Reporter: Anu po ang halimbawa ng programa at


partnership opportunities na ito?
Isa rito ay ang Connect-a-Learner or CAL na
kinabibilangan ng mga LR Movers, LR
Kiosk/Pasabay, at mga CAL Hosts.
Ang mga LR movers ay binubuo ng mga indibidwal
na may sasakyan, tulad ng motor, tricycle, 4-wheels
na boluntaryong maghahatid ng mga learning
materials sa mga nakatalgang LR kiosks. Ang LR
Kiosks naman ang nagsisilbing pick-up at drop-off
points ng ating mga learning materials kung saan ang
ating pong mga volunteers ang nagpapadaloy ng
distribution at retrieval ng mga learning kits.
Ang CAL Hosts din ay tumutukoy sa mga bukas
palad nating household volunteers na nagla-laan ng
malawak na espasyo maaaring sa garahe ng kanilang
bahay, looban at kumportableng lugar na
magsisilbing learning space/hub ng ating mga bata
na walang maayos na study space sa kanilang mga
tahanan.

Sa pahintulot at kabutihang loob ng ating mga


CAL hosts, ay maari ring kumonek o gumamit ng
wifi/internet for free ang mga piling mag-aaral upang
makapag-online para sa kanilang mga
activities/homework sa mga itinakdang oras o araw
kung kinakailangan. Ngunit, tandan na nakadepende
sa ipinatutupad na quarantine restrictions ng ating
pamahalaan ang paglabas ng mga mag-aaral.
Sir Rafon: Wow! Napakaganda po pala ng layunin
ng Connect-a-Learner.. Sa pamamagitan ng CAL,
literal na maico-conect natin ang ating mga bata sa
ating mga paaralan. Ano-ano pa po ang dapat isa-
alang-alang sa programang ito?
Me: Tama ka dyan sir. Sa tulong ng mga CAL
volunteers at iba pa nating education partners mas
mapapalawak natin ang learning opportunity at
access .
Marapat lang na lagi nating isagawa ang minimum
health protocols, tulad ng pagsusuot ng facemask,
faceshield, at social distancing. At syempre limitado
lang din ang maaring i-cater ng ating mga CAL hosts
upang maiwasan ang maramihang paghaharap dahil
ang kalusugan at kaligtasan par rin nating lahat ang
mahalaga.
Sir Rafon: Maraming salamat po Maam Pedroso sa
pagbabahagi ng impormasyon.
Ito po ang inyong kasangga sa RONDA ESKWELA
NEWS ng Baras Sub-Office, Christian Angelo O.
Rafon, buong puso para sa Bata at Bayan!

Sir Jom (VOICE OVER):


Excited na ba kayo sa pasukan?
Kaya’t tara na! Makibahagi sa Bayanihan Fever para
sa Batang Barasenyo, Batang Rizaleno! Handang
Isip, Handa Bukas!

You might also like