Sa aking palagay, Mas maganda ang face to face kaysa sa
online class dahil mas natututukan ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral sa pagtuturo. Sinasabi ring mas maganda itong mode of learning ngayong pandemya dahil mas natuturuan ng maayos ang mga estudyante. Bukod dito, lahat ng estudyante ay sabay sabay makakapag-aral, makakasama sa pag-aaral ang lahat ng mga mag-aaral dahil di kailangan ng gadgets (cellphone, laptop, computer, etc.), at Wi-Fi o mobile data sa pag- aaral. 2nd paragraph Masasabi ko ring mas maganda ang face to face kaysa sa online class, dahil karamihan sa mga mag-aaral ay mas komportable mag-aral sa paaralan kaysa sa kanilang bahay. Mas magiging epektibo din ang pag-aaral sa face to face kaysa sa online class dahil sa ganitong paraan ng pag-aaral, walang mangyayaring anumang pagkahina sa signal, o pagputol-putol sa sinasabi ng guro.