You are on page 1of 1

D.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Asynchronous Learning – Uri ng klase na kung saan walang aktwal na pag-uusap ang
estudyante at guro. Sa ganitong uri ng klase, nagbibigay lamang ng gawain ang guro na
kailangan gawin ng klase bago matapos ang oras nila.
Synchronous Learning – Uri ng klase na kung saan nagkakaroon ng aktwal na pag-uusap at
presentasyon ang guro at mga estudyante. Dito ay nagkakaroon ng talakayan tungkol sa paksa na
dapat matutunan ng mga estudyante.
Multimedia – Ito ang presentasyon ng mga impormasyon na gamit ang audio recording, video
recording, mga litrato at Powerpoint Presentation.
Online Learning – Ito ay isang uri ng edukasyon na kung saan birtwal lamang na nagkakausap
at nagkikita ang guro at mga estudyante. Gadgets ang ginagamit upang makihalubilo sa klase.
Social Media – Ito ay isang plataporma na kung saan maaari magbigay at tumanggap ng
impormasyon gamit ang teknolohiya. Facebook, Instagram, Twitter, Tumblr at iba pa ay mga
halimbawa ng Social Media.
Video Conferencing – Isang uri ng pagkikipag-interaksiyon ng klase sa kanilang guro gamit ang
video call. Nakikita nila ang isa’t-isa at nagkakaroon ng ng ugnayan ang guro at estudyante kahit
na magkaiba ang lokasyon.
Virtual Classroom – Ito ay isang uri ng silid na nagaganap gamit ng internet kumpara sa pisikal
na klase. Ito ay maaari ring tawagin na Digital Classroom.
Webinar – Ito ay isang seminar na kung saan makikinig ang mga estudyante tungkol sa paksa na
tinatalakay ng mga guro, presidente ng paaralan, at ibang personalidad na kabilang sa
namamahala ng eskwelahan. Dito ay gumagamit ng presenteasyon at maaaring magtanong sa
mga estudyante.
Assesment – Ito ang mga pagsusulit na ibinibigay sa mga estudyante bago o pagkatapos ng
talakayan upang masukat ang kanilang kaalaman.
Internet Connection – ito ang ginagamit ng mga estudyante at guro upang makipag-usap sa
isa’t -isa. Ito ay mas mabilis kumpara sa Mobile Data.
Disconnection – Ito ay pagkawala ng Internet habang nagkakaroon ng birtwal na talakayan ang
klase.
Mobile Data – Ito ay isang klase ng internet na nanggagaling sa mga smartphones na magagamit
upang makasali sa klase.

You might also like