You are on page 1of 1

Ang aking sariling karanasan sa “Teknolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Panahon ng Pandemya”,

Lubos kong napagtanto ang malaking papel na ginagampanan ng teknolohiya sa pagbabago ng ating
edukasyon lalong lalo na sa mga mag aaral na katulad ko na nakasubok ng online na pagtuturo sa
panahom ng pandemya. Ang pagdating ng pandemya ay nagdulot ng malaking pagbabago sa paraan ng
pagtuturo at pagkatuto, at ang teknolohiya ay naging pangunahing dahilan para sa patuloy na pag-aaral.

Noong simula ng pandemya, ako ay nahirapang mag-adjust sa online na paraan ng pag-aaral. Ang
paglipat mula sa tradisyunal na classroom setting patungo sa virtual classrooms at online platforms ay
nagdulot ng mga hamon saakin. Sa simula, ako ay nagkaroon ng mga problema sa online na pagtuturo
tulad ng mabagal na internet at hindi pamilyar sa mga online tools. Ngunit sa paglipas ng panahon, ako
ay naging mas komportable at nagsimulang maunawaan ang mga benepisyo ng teknolohiya sa pag-aaral.

Ang teknolohiya ay nagbigay sa akin ng pagkakataon na magpatuloy sa aking pag-aaral kahit na nasa loob
lamang ng aming tahanan. Sa pamamagitan ng video conferencing at online collaboration tools, ako ay
nakapag-attend ng mga klase, makipag-ugnayan sa aking mga guro at kapwa mag-aaral, at magbahagi ng
mga ideya at ng aking karanasan. Ang mga online resources at learning platforms ay nagbigay sa akin ng
malawak na access sa mga materyales at impormasyon na makatutulong sa aking pag-aaral.

Ngunit, Ang pagkakaroon ng maraming online assignments at mga deadlines ay nagdulot ng stress at
pressure. Ang kakulangan sa pisikal na interaksyon at personal na pagtuturo ng mga guro ay nagdulot ng
pagkabahala sa aking kakayahan na maunawaan at ma-absorb ang mga konsepto pagdating sa online na
pagtuturo. Ang pagkakaroon ng mga problema tulad ng hindi magandang koneksyon sa internet at ang
pagsabay ng mga gawaing bahay na nagdulot ng hadlang sa aking pag-aaral.

Sa kabila ng mga hamon na ito saakin, nakita ko rin ang mga positibong epekto ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto. Ang paggamit ng multimedia resources tulad ng educational videos at
interactive presentations ay nagpapalawak ng aking kaalaman at nagbibigay ng ingganyo na karanasan sa
pag-aaral. Ang pagkakaroon ng mga online na talakayan at collaborative platforms ay nagbibigay sa akin
ng pagkakataon na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa aking mga kapwa mag-aaral.

Ang teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto sa panahon ng pandemya ay nagdulot ng mga pagbabago at


hamon. Ngunit sa kabila ng mga ito, ito rin ay nagbukas ng mga oportunidad at nagbigay ng mga bagong
karanasan sa aking pag-aaral. Ang pag-aaral sa pamamagitan ng teknolohiya ay nagdulot sa akin ng
pagiging mas maalam at mas handa sa mga pagbabago. Ito ay isang patunay na ang teknolohiya ay isang
mahalagang kasangkapan sa pagtuturo at pagkatuto, lalo na sa mga panahon ng krisis tulad ng
pandemya.

You might also like