You are on page 1of 2

Ano nga ba ang Work Immersion

Progam ng mga Senior High


School students?
PHILJOBNET.GOV.PH·MONDAY, AUGUST 1, 2016

Ang Work Immersion ay bahagi ng


Senior High School Curriculum na
kung saan ay nangangailangan
magsagawa ng aktwal na trabaho or
“hands-on” experience ang mga
estudyante. Maari din itong malapit
na paggaya sa aktwal na trabaho or
“simulated” lamang.
Paalala po sa mga magulang na may mga anak sa Grade 11 - 12 at employers na
tatanggap ng mga SHS students para sa kanilang Work Immersion programs sa Senior
High School.

Ano nga ba ang Work Immersion Program?


Ang Work Immersion ay bahagi ng Senior High School (Grade 11 at 12) Curriculum na
nangangailangan ng 80 oras na pagsasagawa ng aktwal na trabaho or “hands-on”
experience upang maranasan ito ng mga estudyante. Maari din itong paggaya lamang sa
aktwal na trabaho or ‘simulated’. Hindi maaring lumampas ng 8 oras bawat araw ang
pagsasagawa ng trabaho. Kailangan din gabayan ng eskwelehan at employers ang mga
estudyante.

Hindi ito isang aktwal na kasunduan para makapagtrabaho. Ito ay isang proseso para
maipakita sa mga estudyante ang proseso ng pagtrabaho at mapagbutihin pa ang
kaalaman na ibinabahagi ng mga eskwelahan.

Pangunahing Gabay sa mga ‘Working Conditions’ sa Work Immersion Program:

1. Maari lamang ganapin ang work immersion program mula 8:00am - 5:00pm.

2. Para sa mga estudyante na mas mababa sa 15 ang edad, hindi maaring humigit sa 4
oras sa isang araw ang kanilang work immersion.

3. Ang estudyante ng SHS ay hindi maaring magsagawa ng work immersion sa mga


industriya na "hazardous" (delikado) na nailathala sa DOLE Dept Order No. 149, Series
of 2016 (Guidelines in Assessing and Determining Hazardous Work in the Employment
of Persons Below 18 years of Age).

4. Hindi maaring maging kapalit sa mga empleyado ang mga estudyante na nagsasagawa
ng Work Immersion at maging sanhi ng pagbabawas ng mga benepisyo sa mga
empleyado.

Para sa opisyal na pahayag ng DOLE, maari po ninyong puntahan ang website link na ito
- Protection for Senior High School Students on K to 12 Immersion Program.

You might also like