You are on page 1of 2

1.

Normal po ba na sa aming mga magulang na magsimula ang aralin na hindi pa naituturo ng


guro?

Ang aming paaralan ay tumupad sa DepEd Order No. 34 S.2022 o School Calendar and Activities for
School Year 2022-2023. Alinsunod sa DepEd order na ito, nakasaad sa pahina 6, partikular sa ika-16
na bilang, binibigyan ng Dep Ed ang mga paaralan ng sapat na panahon upang unti-unting makabalik
sa 5 days- in person class. Kaya minarapat din ng paaralan na Blended Learning ( 3 days ftof at 2 days
Modular Distance Learning MDL) ang modal ng pagkatuto upang unti-unting maihanda ang mga
mag-aaral sa full-blast na face-to-face classes.

Partikular sa katanungang nabanggit, hindi po normal na ang magulang ang magsisimula ng aralin.
Bilang guro na mayroong sinusunod na Daily Lesson Log (DLL) (FtoF) at Home Learning Plan para sa
MDL, ito ang silbing gabay sa araw-araw na gawain para sa pagkatututo ng mga bata kaagapay pa
nito ang constant communication ng mga guro sa mga magulang sa bawat GROUP CHAT na kanilang
binuo at ganundin ang paala-ala gamit ang SMS at tawag. Kalakip sa tugong ito ang DLL at Home
Learning Plan katunayan na nasusunod nila ang bawat bahaging kanilang natatalakay at mga
gawaing ibinibigay sa mga bata tuwing Huwebes at Biyernes (MDL).

2. Section 1 lamang po ang natutukan ng husto, ang mga lowest section na po eh ay parang wala
lang makapasa at hindi ay magmmove forward parin naman.

Hindi ipinatutupad ng aming paaralan ang Homogeneous sectioning. Lahat ng Klase ay kabilang sa
Heterogeneous class. Ang Baitang Dalwa ay may pangkat at seksiyong tawag. Ito ay ang mga
sumusunod: (Baitang 2-Narra, 2-Yakal,2-Acacia, 2-Tangile, 2-Molave, 2- Gmelina, 2 Kamagong

3. Kaya yung ibang teacher ay petiks na lamang at hindi na masyadong nagagampanan ang
tungkulin dahil malapit na ang retirement.

Mayroong dalawang guro mula sa baitang 2 ang seasoned teacher na. Subalit hindi matatawaran
ang kanilang dedikasyon upang higit na mapatuto ang mga bata sa kabila ng nagging epekto ng
pandemya. Katunayan ang mga larawan ng mga gawain ng mga bata. Natatanging likha man o hindi
na nakapaskil sa Pupil’s BEST WORK ganundin ang mga portfolio ng mga mag-aaral ng mga gawaing
iniatas ng guro na gawin sa loob o labas man ng silid-aralan. Ganundin din ang masidhing pagnanais
na mapabasa ang mga bata ay kanilang ginagampanan sa abot ng kanilang makakaya maging sa mga
araw na MDL sapagkat labis ang kanilang pagnanais na mapatuto ang mga bata.
4. Pakikalampag po ang mga guro sa elementary na ang dinadahilan eh makabasa at hindi ay ok
laang dahil may next year pa naman bahala na daw ang susunod na teacher next year kesa
babalik pa sa kanya at siya ang mahihirapan.

Nagsagawa ang mga guro ng meeting sa mga magulang

5. Bilang kaagapay ng mga guro ang mga magulang ng isang komunidad sa pagkatuto ng mga mag-
aaral, meron pong suggestion box na inilagay ang paaralan upang marinig ang hinain, komento
at suhestiyon sa mga nais

You might also like