You are on page 1of 2

Mr. Joselito G.

Denosta
9604 Salamat Compound,
Christ Bible Baptist Church Bldg.,
Brgy. Paliparan 3, Dasmarinas City,
Cavite

Ika-25 ng Agosto 2020

Mr. Emerson B. Anastacio


President and Chief Executive Officer
NATIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Amafel. Bldg., Aguinaldo Highway,
Dasmarinas, Cavite
4114

PAKSA: INCIDENT LETTER UKOL SA HILING NA DOWNPAYMENT REFUND.

Magandang Araw !
Ako po ay pormal na sumulat sa inyo upang ipagbigay alam ang insidenteng naganap sa inyong
paaralan sa National College of Science and Technology (NCST) noong ika-25 ng Agosto 2020.

Kami po ay una nang lumapit kay Mrs. Myrna De Lima ang Head ng Office of the Student
Affairs ng NCST at kay Mr.Reagan Bening -pastor para ipaliwanag ang aming panig at
kahilingan kung kaya kami po ay pinayuhang sumulat ng isang incident letter sainyo patungkol
po sa aming concern,

Ako po ay humihiling nang agarang pagsasauli ng aking ibinayad na downpayment para sa


enrollment ng aking anak noong ika-17 ng Hulyo 2020. Ito po ay sa kadahilanang ang aking
anak ay scholar ng Department of Science and Technology (DOST) at kinakailangang makapag-
enrol sa isang CHED accredited school. Una po kaming pumunta sa paaralan ng NCST noong
ika-13 ng Hulyo para itanong at kumpirmahin yung nakasaad sa inyong official website na ang
NCST ay tumatanggap ng scholarship katulad ng DOST, at nakausap po namin ang isa sa inyong
NCST staff sa enrollment kung saan matapos niyang marinig ang aming mga katanungan
patungkol sa CHED accreditation at DOST scholarship agad siya po ay may tinawagan at umalis
din po sandali at sa kanya pong pagbalik ay kinumpirma nya sa amin na ang inyong paaralan
NCST ay isang accredited school at tumatanggap ng DOST scholar. Kami po ay nasabihan na
maari munang mag enroll, then later po pag-usapan yung DOST scholarship at may internal
arrangement daw para dito. Ngunit, nang aming pong ipagbigay alam ito sa DOST para i-process
yung scholarship agreement ng aking anak, sinabi po ng DOST na ang NCST ay hindi pa po pala
isang CHED accredited school kung kaya,naman kami po ay agarang lumapit sa inyong
Registrar Office at sa Office of Student Affairs upang ipag-bigay alam ito at hilingin na mai-
refund ang aming ibinayad sa enrollment na 2,800.00 sapagkat naniniwala po ako na wala po sa
amin ang pagkakamali, Ngunit ikinalulungkot po naming malaman na hindi raw po agad
maisasauli ang aming inaasahang halaga ng refund sa kabila ng insidenteng ito. Ito po ay aming
lubos na kinakailangan sapagkat ito po ay gagamitin din ng aking anak upang makapag-enroll
muli kaagad sa isang CHED accredited school sapagkat ito po ay kinakailangan para sa process
ng scholarship agreement ng aking anak sa DOST.

Inaasahan ko po ang inyong maagap na pagtugon sa bagay na ito upang maiwasan ang anumang
reklamo na pwede ko pong iakyat sa kinauukulan, muli nakikiusap po ako na maibalik agad sa
akin ang nasabing halaga sapagkat lubhang kailangan po ito ng aking anak at hindi po kami
mayaman o maraming pera para maghintay ng matagal kung kailan po ninyo ito bibigyan ng
aksyon, marapat lamang po na magbigay ako ng palugit hanggang sa susunod na miyerkules ika-
2 ng Setyembre kung paanong mabilis din po namin itong ibinigay nung humingi kayo ng
downpayment para sa enrollment.

Kalakip ng sulat na ito ay ang mga patunay na scholarship at ang opisyal na enrollment ng aking
anak at printed na larawan ng aming nakuhang impormasyon sa mula opisyal na website ng
NCST. Matatagpuan rin sa ibaba ng sulat na ito ang aming contact details para po sa inyong
pagtugon.

Lubos ko pong ikagagalak ang inyong pang-unawa at konsiderasyon. Ako po ay humihingi rin
ng paumanhin sa abalang naidulot nito.Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang ,

Joselito G. Denosta
Magulang
09675711565
Jddenosta016@gmail.com

Jeanelle M. Denosta
Mag-aaral
09157525984
Jhendenosta15@gmail.com

You might also like