You are on page 1of 1

Abril 10, 2023

Mayor Dahlia A. Loyola


Carmona Municipal Hall, M. Loyola St., Brgy. 4, Poblacion
City of Carmona, 4116 Cavite

Sa tagapamahala,

Ako po ay magulang ni Renz Conrad G. De Mesa na kasalukuyang mag-aaral sa Cavite


State University – Main Campus. Mahalaga po sa akin na magkaroon ng magandang
kinabukasan ang aking anak, at kabilang dito ay ang pagkakaroon niya ng dekalidad na
edukasyon. Ngunit sa kasalukuyan, hindi po namin kayang mapondohan ang kanyang pag-aaral
dahil sa kahirapan ng aming pamilya.

Kaya po sa ganitong kadahilanan, humihingi po ako ng tulong sa inyo upang maibigay


ang suporta sa edukasyon ng aking anak. Umaasa po ako na mabigyan ng tulong-pinansyal para
sa kanyang mga pangangailangan sa eskwela, gaya ng ilang mga kagamitan, at iba pang mga
pangangailangan sa pag-aaral.

Naniniwala po ako na sa inyong tulong, magkakaroon ng mas magandang kinabukasan


ang aking anak at magiging produktibong mamamayan ng Carmona.

Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong pagtugon sa aking kahilingan.

Taos-puso,
Hecter T. Panganiban

You might also like