You are on page 1of 1

KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN

Bawat bata ay may karapatan


Sila ay gabayan,
Bigyan ng kanilang pangangailangan
Upang sila ay lumaki na may halaga sa ating lipunan.

Bigyan ng masustansya at wastong pagkain


Kanilang kaisipan ay hubugin sa tamang aralin
Mga magulang na nagmamahal ng tunay
Laging hangad ang aming tagumpay

Salamat mahal naming mga magulang


Mga guro at ng ating Pamahalaan
Na nagkakaisa upang matugunan
Ang aming mga kailangan

Kaya mga kabataan


Sundin ang payo ng mga nakakatanda
Sapagkat hangad nila ang ating kinabukasan
Dahil tayong mga Kabataan ang pag-asa ng Bayan.

Verenah Carpentero from Almendras Daycare Center

You might also like