You are on page 1of 1

LAKI SA LAYAW

"Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay


salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog
na anak.” Ang saknong na ito na hango sa Florante at Laura ay naging
panuntunan ng ating mga ninuno tungkol sa wastong pagpapalaki sa mga
kanilang mga anak.

Hangarin ng bawat magulang na mapalaki ang kanilang mga anak


sa tamang pamamaraan. Di nga ba at ang unang paaralan ay ang ating
tahanan at ang unang mga guro ay ang kanilang mga magulang, Dahil dito
ang ating pag-uugali ay unang nahuhubog sa ating tahanan.

Dahil sa labis na pagmamahal ng ating mga magulang ay sinisikap


nila na maibigay sa atin ang lahat ng ating pangangailangan. Ngunit may
pagkakataon na dahil sa sobrang “pagmamahal” ay hindi na rin matuwid
ang pagpapalaki sa mga anak. Ang pagsunod sa kanilang layaw o luho at
masanay sila na makuha ang lahat ng kanilang hilingin o hingin ay
nagbubunga ng hindi mabuting pag-uugali na kanilang dadalhin sa
kanilang paglaki. Sa kalaunan ang mga batang lumaki sa layaw ay nagiging
pasananin ng mga magulang dahil hindi nila kayang tumayo sa sariling
mga paa at lumaban sa hamon ng buhay.

Mahalaga na mapalaki ang mga anak sa matuwid na paraan at


lumaki na may mabuting pag-uugali. Tandaan natin na ang batang lumaki
sa layaw ay sakit ng ulo ng magulang, at ang mabuting mamamayan ay
kapaki-pakinabang sa lipunan.

You might also like