Isang mapagpala at masiglang umaga! Ako po si Arjay D. Valdemor, 20 taong gulang na
kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Sampaloc Santo Cristo Sariaya, Quezon. Ako po ay kasalukuyang nag-aaral sa Southern Luzon State University Main Campus bilang isang Civil Engineering student. Bilang isang anak, batid ko sa aking sarili na ang aking mga magulang ay nahihirapan upang tustusan ang aking mga pangangailangan bilang isang college student lalo na sa mga panahong ito na humaharap tayong lahat sa isang pandemya. Nakakalungkot man itong isipin ngunit hindi ito hadlang upang makamit ko ang aking mga pangarap sa hinaharap na maiahon ang aking pamilya sa kahirapan at magsilbing ispirasyon sa mga kagaya kong nanggaling sa mahirap na pamilya. Ang mahirang na isa sa mga qualified applicant sa inyong butihin na programang nagnanais na tulungan ang mga kagayang kong college student na isang pribilehiyo sapagakat napakalaki ng maitutulong nito hindi lamang sa akin, kundi sa aking mga magulang. Kung ako man po ay papalarin na mapili sa inyong butihing programa na ito, ipinapangako ko na susuklian ko ng higit pa ang kabutihang aking natanggap mula sa inyo sa pamamagitan ng pagsisilbi sa aking mga kapwa Quezonian at sa ating bansa. Sa katotohanan ay ito na po ang aking ikalawang pagkakataon na magbabaka-sakali, hindi man ako pinalad noong una ngunit naniniwala ako na may awa ang ating panginoon at diringgin niya ang aking mag dalangin sa tamang panahon. Mula po sa aking puso, ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako sa inyo, at sa buo ninyong pamilya na walang pagod na pinaglilingkuran ang ating probinsya.
Maraming Salamat Po! Pagpalain kayo ng ating Panginoon!