You are on page 1of 3

“INSPERASYONG NG KWENTONG TES”

RODEL D. DESALES ( BEED2)

Ako nga pala si Rodel D. Desales 20, taong gulang at


kasalukuyang naninirahan sa BRGY. Carataya, Maayon,
Capiz. Ako po ay nag aaral sa CAPIZ STATE UNIVERSITY ,
PONTEVEDRA, CAMPUS. Second year college At kumuha
ng kursong Bachelor Of Elementary Education ( BEED )

Ang larawang ito ay nagpapakita ng panibagong pag asa


ng bawat estudyante na nangangarap na makapagtapos
ng pag aaral, ito ay nagsisimbolo na patuloy lang
lumaban kahit mahirap ang buhay dahil sa panahon ng
crisis lahat tayo ay bumabangon at patuloy na lumalaban
para sa kaayosan ng ating mundong ginagalawan at nais
kong ibahagi ang aking kwento na tiyak na magbibigay sa inyo ng insperasyon. Bago ako naging
bahagi ng TES GRANTEE ng CHED Ako ay nagmula sa isang simpling pamumuhay lamang
,mahirap man ang aking napagdaanan patuloy paring bumabangon ang aking magulang upang
ako ay makapag aaral sa kolehiyo sa aking murang edad marami na akong napagdaanan at
sakripisyo sa buhay bilang isang anak , kapatid at bilang isang estudyante hindi nagging madali
ang buhay ko dahil sa kadahilanang walang sapat na perang pangtostos para sa aking
pangkolehiyo dahil mahirap lang din kami at may syam pa po akong kapatid na kasalokoyan
nag aaral ngayon kaya Malaki ang naging suliranin ng aking magulang dahil sa sabay sabay na
gastusin naming magkakapataid sa skwelahan hindi rin kasi gaano kalaki ang kita ng aking ama
sa kanyang pagsasaka upang punan lahat ng aming pangangailangan sa swela .Sa araw araw na
pamumuhay kailangan mo, natin talaga magsumikap upang may perang mapangtostos sa araw
araw na buhay. Ang Init at ulan ay aking sinuyod upang kumeta ng sapat na perang pangtostos
ko sa aking pag aaral kayat naitanong ko tuloy sa aking sarili, bakit ganito ang buhay ko? bakit
ba kailangan naming maransan ang pag hihirap na ito. Ako ay namulat sa katutuhanan na di pa
huli ang lahat kaya kong ipagpatuloy ang aking pag aaral kahit na maraming bumabalakid na
problema hindi magiging hadlang ang problema kong gusto mo makapagtapos ng pag aaral,
kaya sisikapin kong tumayo sa aking sariling mga paa upang makapunta sa aking mismong
paroroonan na siyang diko pagsisihan ang disisyong aking nabitawan na kahit mahirap ang
buhay namin patuloy parin akong mag-aaral dahil ito lamang ang maging pamana ng aking mga
magulang ang makapagtapos nang aking kursong napiling pag-aralan. Ang TES or Tertiary
Education Subsidy , ay isa sa programang napapanahon ngayon sa ating bansa ito ang
programang maraming natulungang skwelahan at isa na dito ang Universidad na aking
pinagaaralan ang BAILAN, PONTEVEDRA, CAMPUS napakapalad ko dahil ako ay nakapag aral
dito kundi dahil sa ganitong kadahilanan hindi ako magkakaroon ng malaking opportunidad na
ipagpatuloy kopa ang aking pagaaral dahil sa TES program na ipinatupad ng ating pangulong
duterte nabuhayan ang aking loob na ipagpatuloy ang aking pagaaral isa ito sa dahilan kong
bakit ako nagsusumikap upang makamit ang inaasamasam na tagumpay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon aking natuklasan na ako ay napabilang sa listahang ng


bagong TES GRANTEE na siyang nagging dahilan upang ipagpatuloy ko ang aking nasimulan at
yon ay ang aking pag aaral. Ito ay napakalaking opportunidad para sa mga studyanting
nahihirapan kagaya ko. Na,noon ako ay nangangarap lamang na sana bukas ,o sa pangalawa
magkakroon ako ng gamit pangswela. Napakaswerte ko dahil sa dinami rami ng studyanteng
nagaaral sa bailan university isa ako sa napili upang matulungan financially ang aking
pangangailangan sa skwela maging sa aking buhay na puno ang hirap ang iniinda, maraming
salamat CHED dahil ako ay isa sa inyong napili upang mabigyan ng tulong para ipagpatuloy ang
aking pagaaral.

Salamat sa TES dahil napadali ang takbo ng aking buhay mayroon ng sapat na perang
pangtostos ng aking pang kolehiyo at maging sa aking mga kapatid at Malaki rin ang
pinagbago ng aming sitwasyon dahil hindi na nahihirapan ang aking ama at ina para sa pag aaral
ng walo kong pang kapatid. Ang perang natanggap ko ay siyang ginamit ko upang pambili ng
gamit pang online class at ito ay laptop ako ay nagaglak dahil nagkaroon ako ng ganitong gamit
na magagamit ko para sa aking pag aaral. Salamat CHED, salamat sa TES program dahil ako ay
nabibiyayaan ng ganitong tulong na hindi ko inaasahan. Sisikapin kopo na makapagtapos ng
pagaaral ,hindi kopo ito sasayangin dahil ito ay malaking tulong para sa akin kayo po ang aking
insperasyon para sa pagkamit ng tagumpay. salamat sa tulong financial CHED.

MABUHAY ANG TES GRANTEE NG PILIPINAS

You might also like