You are on page 1of 1

Tirik na tirik ang araw sa gitna ng tahimik at madalang na tao at sasakyan sa kapaligiran ng roxas city,

capiz, taong 2021 napasailalim pa din ng pandemya ang lugar dahil sa lumaganap na virus noong 2019.
Face to face classes ay natigil, ilang mga tao ang nawalan ng trabaho at mga establishimentong nagsara.
Ngunit hindi ito naging isang hadlang sa isang estudyanteng may mataas na pangarap at may nais na ma
abot sa buhay. At ito ay walang iba kundi si Christian Jimenez.

Si Christian ay nagmula sa sirang pamilya, tanging ang ama at dalawang babaeng nakababatang kapatid
na lamang ang kasama nya sa buhay. At bilang isang panganay si Christian ay tumayong ina sa kanyang
dalawang nakababatang kapatid, maaga kung gumising para mag luto ng agahan, sya rin ang gumagawa
sa lahat ng gawaing bahay at kung ano man ang ipag utos ng kanyang ama, isa din syang dating mag
aaral sa Inzo Arnaldo Village Integrated school, noong kanyang senior year. Bilang isang anak, istudyante
at kapatid ay hindi naging dahilan kay Christian upang maging hadlang sa kanyang pag aaral, katunayan
nga ay si Christian ay isang mabuting mag aaral, maraming patimpalak na ang kanyang naipanalo bitbit
ang pangalan ng paaralang IAVIS sa larangan ng pang akademya.

Araw ng setyembre 5, 2021, pinag diriwang ang pag kilala sa sampong kabataan na mapalad na nag wagi
sa Top Outstanding Studens of Capiz o mas kilala sa tinatawag na TOSOC. Bitbit ang lahat ng
napagdaanan ni Christian, mga pinaghirapang aktibidad, naipanalong mga patimpalak at paniniwala at
suporta ng mga taong nasa paligid niya, isa sa sampong nag wagi si Christian. Isa din sa parangal na
natanggap ni Christian ay ang Rotary youth leadership awards from the rotary kabog of roxas the YLEA
the youth leadership award junior chamber international roxas, most outstanding students Roxas city
division during the gawad siklab. Lahat ng pagod, hirap at pagsisikap ni Christian ay natumbasan ngunit
para kay Christian hindi pa dito nagtatapos ang lahat, dito man sumarado ang pinto ng kanyang senior
highschool, ngunit sya ring mag bubukas ng pintuan para sa pagpasok nya ng kolehiyo, ito lamang ay
isang simula para sa kanyang buhay ika nga nya “Padayon lang, kahit na maraming pagsubok at
paghihirap, you should not stop learning, kung ang mundo man ay puno ng negatibo ikaw mismo ang
gagawa ng dahilan para ito ay maging positibo, para sa pangarap mo”.

You might also like