You are on page 1of 1

Magandang araw po sa ating lahat lalo na po sa mga kabataan at

mga magulang na nandito po. Ako nga po pala si Mia Montallana,


22 years old, anak nina Cristita Sevilla at Elmer Sevilla at nakatira
sa Emmaus. Kasalukuyan po akong nag-aaral sa University of Rizal
System sa kursong BS Office Administration, nagnanais na maging
SK Kagawad kasama ni SK Chairperson CJ Quizon na naninindigan
para sa Team Zaldy sa pangunguna ng susunod na Kapitan, Kap
Zaldy San Jose. Nasabi na po ng aking team na marami po kaming
layunin sa Barangay Burgos kasama ang responsibilidad sa mga
kabataang Burgosian. Isa po sa aking isusulong ang edukasyon.
Kung ako ay papalarin, isa po sa aking pagtuunan ng pansin ang
pag-aaral ng mga kabataan. Tatawagin po natin itong “PARA SA
KABATAAN" na naglalayong ipagpapatuloy ang pagbibigay ng
allowance at libreng gamit sa mga estudyante ng barangay
Burgos sa Daycare. Kasama rin po dito ang "TARA NA'T
MAGTULUNGAN", na tutugon sa ating mga out-of-school youth.
Ipapaunawa natin sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon,
tutulungan natin sila na makabalik sa pag-aaral. Kung hindi man,
magbibigay tayo skills training sa tulong ng TESDA at magbibigay
tayo ng allowances. Magpoprovide tayo ng kagamitan na
magagamit ng ating mga mag-aaral upang makasabay sa
makabagong paraan ng pag-aaral. Dahil sa mga programang ito,
aking titiyakin na wala nang puwang ang kamang-mangan sa
Barangay Burgos dahil ito ang yaman na hindi mananakaw
ninuman. Muli, ako po si Mia Montallana tumatakbo bilang isang
SK Kagawad kasama ni SK Chairperson CJ Cuizon sa ilalim ng
Team Zaldy San Jose. Sana po ay pagkatiwalaan nyo kami at
makuha ang inyong sagradong boto sa Oktubre 30, maraming
salamat po.

You might also like