You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

PROVINCE OF RIZAL
Municipality of Rodriguez
Office of the Punong Barangay
Omega 1 Subdivision, Brgy. Rosario, Rodriguez, Rizal

GENDER AND DEVELOPMENT


“PAGPUPUGAY SA MGA DAKILANG INA”
Tema: "Ina Mo, Ina Ko, Tunay na Katangi-tangi Ka.”

RASYONAL:
Ang Araw ng mga Ina ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Mayo sa maraming bansa sa
mundo, kabilang ang Pilipinas. Ang natatanging araw na ito ay pagbibigay-pugay sa milyun-
milyong kababaihan sa mundo na nagdala ng buhay sa kani-kanilang sinapupunan; ang unang
bumabangon sa umaga para ayusin ang pangangailangan ng pamilya, pero huling nagpapahinga
sa gabi matapos matiyak na maayos at handa ang tahanan para sa panibagong araw
kinabukasan, at pinagkakasya ang panggastos sa bahay sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap.
Sapat ang kanilang yakap upang bigyang ginhawa ang isang balisang anak, at ang kanilang kutob
at kakayahan ay karaniwan nang hinahagilap kapag nahaharap ang mga anak sa malakihan at
mahahalagang desisyon sa buhay. Sa anumang paraan man gagawin ang pagbibigay-pugay sa mga
ina, dapat lagi nitong kalakip ang tunay na pagmamahal at walang maliw na respeto na buong taon
niyang pasasalamatan. Maligayang Araw ng mga Ina sa lahat.

DESKRIPSYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO:


Layunin ng programang ito na bigyang pagkilala at pagpapahalaga ang mga Ina sa pamamagitan
ng isang buong araw na makabuluhang gawain tulad ng Zumba na magbibigay ng sigla at tulong
pangkalusugan sa ating mga nanay habang may pampering tulad ng haircut at masahe mula
alas 8 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang huling bahagi ng programa ay ang Bingo para
kay Ina. Ang mga detalye ng programa ay nasa ibaba:

PETSA : SUNDAY, MAY 14, 2023


INDAK PARA KAY INA : 6AM-8AM
PAMPERING : 8AM-11AM
BINGO BONANZA PARA KAY MAMA : 1PM-4PM
VENUE : LIBIS COVERED COURT
OVER-ALL TARGET PARTICIPANT : 200 PARTICIPANTS

“SERBISYO UNA ANG MAMAMAYAN”


PARTICULARS QUANTITY UNIT COST TOTAL COST
Sound System Sound System P2,500.00 P 2,500.00
Bottled Water 50 bottles P 10.00 P 500.00
Tarpaulin (printing) 2 pcs (8x3) and P 300.00 P 300.00
Bingo Cards P P
Prizes for Bingo winners 15 P 1,000.00 P 15,000.00
Certificate P P
Documentation P P
TOTAL: P

PREPARED BY:

ARMINA D. LOPEZ
Barangay Secretary

APPROVED BY:

HON. ERIC T. JACINTO


Barangay Chairman

“SERBISYO UNA ANG MAMAMAYAN”

You might also like