You are on page 1of 1

Kristelle Jade A.

Mantis 01/16/20
BSED-Eng 1 Assignment

“KAHIRAPAN SA KALUPAAN NG ISABELA, LUMULUBHA DAHIL SA


KAKULANGAN NG EDUKASYON NG MGA MAMAMAYAN”
Balita o Ulat

Sa kalupaan ng San Guillermo sa Isabella ang salitang "hirap" ay hindi sapat na


ipanglarawan sa estado ng buhay ng mga residenteng piniling tumira doon, ngunit sa
kabila ng maralitang pamumuhay, Edukasyon ang naging sandigan ng bawat batang
nangangarap na mapabuti ang kanilang hinaharap.

Sa eskwelahan ng Burgos East Elementary School ang kahalusan sa mga estudyante


ng nasabing eskwelahan ay "below poverty line" Kung saan Ang kanilang pamilya ay
halos Hindi na matustusan Ang pangangailangan ng bawat isa, Ang isyu ng kahirapan
ay Hindi madaling matalakay at hindi rin madaling solusyonan sapagkat napakarami
narin ng nga taong may gustong pagyamanin Ang kanilang buhay ngunit Hindi naman
gumagawa Ng paraan upang mangyari iyon, ngunit Ang sitwasyon sa Isabella ay ibang
iba kaysa pangkaraniwang problema Ng kahirapan na Makita sa labas Ng lungsod.

Ang ilog na naghihiwalay sa komunidad at ng eskwelahang pinakamalapit doon ay


napakalayo sa isa't Isa, ngunit Hindi maging hadlang Ang matinding lakaran at languyan
Lalo na para sa batang si Marvin at Ang kanyang mga kaibigang kasama sa kaniyang
komunidad.

"Sa gitna ng mga naghihirap na komunidad, patuloy na nangangarap ang mga guro ng
Burgos East. Na Sana ay hindi makuntento ang mga magulang at ang mag-aaral sa
simpleng ABC. Pangarap nilang lahat ay makinabang sa kanilang misyon na magturo.
Ang “Walang Maiiwan” ay kuwento ng isang komunidad sa gitna ng nagkukrus na
landas: pagkain o aklat?"

Sana ay mapukaw Ang isipan Ng lahat na may mabuting puso, mga departamento Ng
gobyerno, mga pribadong organisasyon Lalo na Ang mga kayang tumulong, na Hindi
matitigil Ang pangarap Ng mga estudyante Ng Burgos East Elementary School at Hindi
sila magpapalupig sa kahirapan na inaasahan bilang mawawala rin pagdating Ng
panahon.

You might also like