You are on page 1of 5

St.

Mary’s Academy
Guagua Pampanga

BALITAAN

Prince Daniel M. Santos


Grade 4 - SRL
OFW Isinilid sa Freezer

Reaction
Sa panahon ngayon, dahil sa kahirapan, may
mga kababayan tayo na naghihirap sa ibang
bansa upang kumita ng pera. Mga bayani na
araw-araw ay tinitiis ang lungkot at higit sa lahat ang pangungulila sa pamilya. Sa kabila ng
mataas na sahod sa ibang bansa, may panganib din na dala ang pagiging OFW. Katulad na
lamang ng nangyari kay Demafelis na punong puno ng pangarap at sa isang iglap ay biglang
naglaho ang lahat. Isa marahil sa mga pagsubok ng bawat OFW ay ang pakikitungo sa
magiging amo nila sa trabaho. Sa kasamaang palad, isang OFW ang namatay ng dahil
lamang sa pagmamaltrato ng amo nito. Nakakalungkot na walang magawa ang iba nating
kababyan kung hindi makipagsapalaran upang kumita ng pera at maghanap ng trabaho.
Kung maaari sanang magkaroon ng nagtrabaho sa bawat Pilipino na naghahangad ng
magandang buhay ay maibigay ng ating pamahalaan upang ang bagay na ito ay di na maulit
pa.
Pagsabog ng Bulkang Mayon
REACTION
Tunay nga na kay ganda ng ating yamang lupa ngunit kapag hindi ito
naalagaan ng maayos, maaari itong mawala at magdulot ng matinding
kapahamakan. Dahil sa patuloy na pagbabago ng mundo, isang
pahiwatig ang pagsabog ng bulkan upang tayo ay mabahala at
pahalagahan ang ating likas na yaman. Sa yamang ganda ng Mayon
Volcano hindi aakalain na ito ay magdudulot ng kapahamakan sa mga
residente ng Albay. Hindi aakalain na sa yamang ganda ng tanawin ay
nakalulungkot at nakakatakot na pagmasdan ang kapal ng usok na
nilalabas nito lalong lalo na ang abo o lava na patuloy na umaagos
mula sa pinakatuktok ng bulkan. Patunay na sa bawat oras na lumipas
ay hindi na mapipigilan ang pagsabog nito. Magbuhat ng aking
malaman ang balita na ito ay aking pinagdarasal ang kaligtasan ng
mga naninirahan malapit sa bulkan at higit sa lahat ay mapabalik ang
dating ganda at sigla ng Mayon Volcano, hindi lang dahil sa
pansariling interest ngunit
dahil ito ay tinuturing ko ng isa
sa pinaka magandang tanawin
na mayroon ang Pilipinas.
Pangamba
sa Bakuna
dahil sa
Dengvaxia

Reaction:
Dahil sa pangamba na dulot
ng dengue ay gusto ng mga
magulang na maiwasan ng mga
anak nila ang pagkakaroon ng sakit
na ito, isa na dito ang gamot na
maaaring makaiwas sa dengue,
ngunit ang nakakalungkot ay ang
naging resulta, bagamat wala pang
malinaw na dahilan ng pagkamatay
ng mga bata, ay hindi maiiwasan
ang mangamba sa bisa ng gamot na
ito.

You might also like