You are on page 1of 2

Republika Ng Filipinas

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


Kampus ng San Carlos Lungsod San Carlos, Pangasinan

Ang Matalik
na
Magkaibigan

Diaz, Jessa G.
BSE Filipino 3-A
Ang Matalik na Magkaibigan
ni: Jessa G. Diaz

Sa probinsya ng Pangasinan, may dalawang magkaibigan na ulila sa magulang; sila Christian at John.
Sa kanilang murang edad, ay namulat na sila sa realidad ng mundo. Natuto ang dalawa na kumayod
para mabuhay at patuloy na mamuhay sa kabila ng kanilang mapapait na pinagdadaanan. Naging
magkatuwang sila sa paghahanap-buhay sa pamamagitan ng pagbubukid nakikiupa sila sa kanilang
kapit-bahay.

Sa tulong ng mga kumopkop sa kanila, patuloy silang magkasama para sa kanilang kinabukasan. Sa
sabado at linggo sila ay magbubukid sa lunes hanggang biyernes naman ay estudyante. Tila kapatid
na din ang naging turingan nila sa isa't isa.

Matiyaga ang dalawa sa pagbubukid. Pagdating naman gastusin sila ay naghahati ng maayos para
walang lamangan at walang higitan.

Dumating ang panahon na sila ay makapagtapos sa mataas na paaralan, dahil sa kanilang taglay na
kasipagan at pagpupurisigi sa buhay, sila ang napili ng kanilang paaralan upang mabigyan ng
scholarship upang makapag-aral sa kolehiyo. Galak na galak ang mag-kaibigan sa kanilang natanggap
na balita. Ngunit hindi kayang iwanan ni Christian ang pagbubukid.

Nagkasundo ang dalawa na siya na lamang ang tatanggap ng scholarship at luluwas ng Maynila dahil
nakita din ni John na bakas sa mukha ni Christian ang pagnanais na makapagpatuloy sa pag-aaral.
Mabigat sa kanilang mga damisamin, kailangan muna nilang magkalayo. “Nangako si John na sa oras
na makapagtapos siya, muli niyang babalikan si Christian”.

Dumating ang maraming taon, nawalan ng komunikasyon sila Christian at John. Unti-unti na din
humihina ang kanyang paguupa sa pagbubukid. Ikinalungkot man niya na, lumipas ang ilang taon at
hindi pa din nakakabalik si John, hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw babalik din ang
kanyang matalik na kaibigan na si John.

“Isang araw, nabigla na lamang siya na mayroong tumawag sa kanya upang ipabatid na dadalhin siya
sa Maynila upang gawin siya bilang driver”. iyon nga lumuwas siya ng Maynila at pagdating nya doon
nakita na lamang nya ang kanyang matalik na kaibigan na isa na palang may nagmamay-ari ng
negosyo bigla na lamang nya niyakap si John sa sobrang saya at sila ay muli ng nagkikita.

“Malayo na ang narating ni John gayunpaman, wala pa rin siyang pinagbago sa kanyang ugali”.

"Hindi lang tayo magka-ibigan tayo ay magkapatid. At sa mag-kapatid walang lamangan at walang
higitan. Lahat ng meron ako ngayon, ito ay dahil sa'yo. Kaya kung kung ano ang akin ay siyang iyo rin"
tugon ni John.

Nagyakapan at umiiyak sa tuwa ang mag-kaibigan.

At muli na silang magkasama at patuloy ang pagtakbo ng kanilang buhay.

You might also like