You are on page 1of 1

Malaya sa Madilim na Landas

Sa Cebu, may isang binata na labing-limang (15) taong gulang at nakatira sa masaya at mabuting pamilya. Siya ay si
Christian at 2nd siya sa 4 na magkakapatid. Napakatalino, napakakisig, at napakabait niya na halos lahat ng kanyang
mga kaklase ay may gusto sa kanya. Noong magkokoleheyo na siya, pinagplanohan ng kanyang mga magulang na
doon na siya mag-aral sa Mindanao upang dun magtapos ng kursong Civil Engineering dahil alam ng kanyang mga
magulang na pangarap niya ito mula pagkabata. Lumipas ang 2 linggo ay pumunta na siya sa Mindanao. Nagboboard
siya kasama ang mga kasing edad lang niya na mga lalaki. Napakabuti ng mga lalaki sa kanya at itinuturing siya na
parang kapatid kaya madaling nahulog ang kanyang loob sa kanila. Pagkalipas ng 1 linggo ng gabi ay nag-iinuman
ang mga lalaki at may inalok ang isa sa kanya. Ang una ay isang maliit na baso ng alak. Sabi ng mga lalaki ay uminom
siya. Hindi pa siya nakatikim ang alak sa buong buhay niya at kahit anong pilit niyang huwag nalang ay uminom
nalang siya. Pagkatapos ay may inabot ang isa sa mga lalaki na parang pakete ng tawas. “ Pre, tilawe gani ni.” Sabay
abot kang Christian. “Unsa na pre?” sagot naman ni Christian. “Basta pre, lami kaayo ni.” Sabi naman ng niya. Sa ka-
kuryoso ni Christian ay tinikman niya. Hindi niya alam kung ano yun pero pagkatikim niya ay nagustuhan niya at para
siyang ibon na nakawala sa hawla sa sarap ng pakiramdam. Paulit-ulit niyang tinikman hanggang naubos niya ang
pakete. Nagtatanong siya kung meron paba. Binili niya lahat sa malaking halaga at ang iba ay ibinenta niya ng patago
hanggang naubos na ang kanyang pera na inipon at ibinigay ng kanyang mga magulang sa kanya.

Pagkatapos ng 4 na buwan ay umuwi siya sa kanila sa Cebu para magbakasyon. Masayang-masaya ang kanyang mga
magulang at kapatid sa pagkabalik niya. Nagulat sila kay Christian dahil meron na siyang malalaking eyebags,
pumayat na at nanlalaki na ang mga mata. Tinanong nila si Christian kung ano ang nangyari at dahil sa takot niya na
baka malaman ito ng magulang ay nagsinungaling siya na dahil lang daw ito sa pag-aaral at marami daw ang mga
studyante sa koleheyo ay ganyan din sa kanya. Sa galak ng pamilya niya dahil nakauwi na siya ay naghanda sila ng
adobo at litsong baboy para sa kanya. Pero hindi si Christian kumain. Imbes na kumain ay tinanong niya ang kanyang
ama kung may pera at binigyan siya nito ng 3 thousand dahil sinabi niya na ubos nadaw ang kanyang allowance at
kaagad-agad ay umalis ng walang paalam. Nagulat nalang ang kanyang mga magulang na parang nagbago na siya.
Pagkagabi ay ninakaw ni Christian ang isang libong pera sa bag ng kanyang ina dahil kulang pa ang binili niyang
pakete ng shabu kanina. Nahuli siya ng kanyang bunsong kapatid na kakagaling lang sa CR at nagtanong kung ano
ang ginagawa ni Christian sa kwarto ng kanyang mga magulang. Nagulat nalang ang kapatid niya na may 1 libong
pera itong hawak. Sa kaba ay agad-agad kumuha ng kutsilyo si Christian at agad-agad ding humingi ng tulong ang
bunso sa mga magulang. Na paslang ang bunso sa tiyan at nawalan ng malay. Agad-agad pinigilan ng ama si Christian
at dinala ng ina ang bunso sa ospital. Mabuti at naagapan din ang sugat sa tiyan ni bunso. Si Christian naman ay
ipinadrug test at nalaman ng kanyang ama na nalulung si Christian sa illegal na droga. “MA!!! PA!!! TABANGI KO!
GINAKUHA LAGI KO NILA?! TABANGI KO MA! PA! PLEASE!” sigaw ni Christian habang hinawakan siya ng mga pulis. “
Anak, nganong naing ani man ka? tanong ng kanyang inang lumuluha. “MA! PA! TABANGI KO BA! TABANGI KO BA!
Umiyak ang dalawang kapatid at mga magulang niya habang inilalayo si Christian ng mga pulis. Pagkatapos ay dinala
na siya sa Rehabilitation Center. “Nganong nahitabo man ni sa atoa? Tanong ng ina sa ama ni Christian. Tumahimik
nalang ang ama habang namimighati.

Tatlong taon na ang lumipas mula noong insidente ay bumalik na siya sa kanila at mas maligaya na siya kaysa noon
lalo na ang kanyang mga magulang. Naghanda sila at nagsalo-salong kumain. Humingi ng paumanhin si Christian sa
kanyang bunsong kapatid at ipinangakong hindi na niya uulitin ang nangyari. Bumalik na ang dating Christian na
malusog, merong mabuting pag-iisip, at mapagmahal na anak at kapatid. Bumalik siya sa pag-aaral at nakapagtapos
ng kursong Civil Engineer. Pangako niya sa sarili na hindi na siya uulit kailan man dahil wala itong idudulot na mabuti
sa lahat lalo na sa kanyang sarili. Lagi dapat aalahanin na ang bawal na gamot ay makakasama sa ating mga
kalusugan. Magdesisyon muna ng mabuti bago pasukin ang mga gawaing walang ikabubuti.

You might also like