You are on page 1of 4

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City


KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG FILIPINO

Taong Pampanuruan 2021-2022

FIL 212 – MAIKLING KWENTO AT NOBELANG PILIPINO

CARLO S. OBOG 2/22/2022


BSED 2 FILIPINO PROF. DR. JOEL L. ZAMORA

MAIKLING KWENTO: “PANGARAP”

May isang baranggay sa loob ng lunsod ng pasig ang tawag ay “Sta.Cruz” kung saan rito
nakatira si Japet na kung saan dito umiikot ang kanyang pamumuhay sa pang araw-araw.
Noong pagtapos ni Japet sa kanyang pag-aaral sa senior high siya ay huminto muna at
hindi muna nagpatuloy ng kolehiyo, sapagkat kailangan nya muna mag-ipon ng pera sa
loob ng isang taon upang maka pagpatuloy ulet sa kanyang pag-aaral.
Si Japet ay pumasok ng isang taon sa munisipyo sa tulong ng kanyang kaibigan na si
john dito nya inubos ang kanyang isang taon sa pagtratrabaho upang maka-ipon ng
pera. Habang nagtratrabaho si Japet ay inaasikaso naman nya ang mga kailangan niya
papeles para sa papasukan nya universidad sa kolehiyo.
Sa dailan na si Japet nalang nagpapaaral sa kanyang sarili dahil wala na ito mga
magulang na gagabay sa kanya at hiwalay na din ito sa kanyang mga kapatid. Si Japet ay
nakatira sa kanyang kaibigan na ang pangalan ay si Ren, kala Ren siya nakatira at sila na
ang tinuring pangalawang magulang ni Japet, ngunit siya ay hindi humihingi ng kahit
anong pangangailangan niya sa pang araw-araw kundi ang sariling kinikita nya sa
kanyang trabaho.

Lumipas ang isang taon at si Japet hindi na den pumapasok sa munisipyo at siya ay
nagpasa ng mga papeles sa unibersidad na papasukan nya sa kolehiyo upang
magpatuloy sa kanyang pag-aaral at upang matupad niya ang kanyang pangarap na
makatapos sa kanyang gustong kurso sa kolehiyo. Bigla naman nagkaroon ng pademya
sa bansa at nagkaroon ng community quarantine sa bansa at limitado lang ang pwede
lumabas sa kani-kanilang mga bahay at pinagbawal ang face to face classes sa bansa
kaya dahil dito ay na extend ang simula ng pasukan kung saan nag-iisip si Japet na
pwedeng pagkakitaan sa panahon ng pandemya, at naisip nya na kung maglaro na muna
siya ng mobile legend na kung saan dito siya nagkakaroon na kita sa pagsali sa mga
paligsahan at minsan naman ang mga kaibigan nya o mga nakakakilala sa kanya ay
pinapalaro sa kanya ang mga ML account nila at siya ay binibigyan ng pera para sa
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City


KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG FILIPINO

Taong Pampanuruan 2021-2022

FIL 212 – MAIKLING KWENTO AT NOBELANG PILIPINO

paglalaro nya ng kani-kanilang mga account. Marami pa mga pinagkitaan si Japet sa loob
ng pandemya o tinatawag na covic-19 virus.

Sa paglipas ng mga araw, linggo at mga buwan ay nagsimula na den ang inaabangan
niyang online classes na kung saan pinag-palit nya ang lahat para sa kanyang pag-aaral
at upang makapag-pokus ng maayos sa kanyang kursong kinuha sa kolehiyo. Ngunit sa
hindi nya inaasahan ay mas susubukin siya ng online classes sa dailan na sobrang
nanibago siya sa kanyang pagpasok sa online classes. Pero sa paglipas ng mga linggo
ay siya ay nakakasabay na sa kanyang mga kaklase at nagkaroon den siya ng mga
kaibigan sa online classes. Sa pagpupursige niya sa kanyang pag-aaral siya ay naka
tanggap ng isang papuri sa mula sa kanyang mga kaklase at kasama siya sa dean lister
ng klase.

1. MGA TAUHAN SA KWENTO

- Si Japet na isang mag-aaral na nakakaranas ng paghihirap sa loob ng kwento.


- Si Ren ang kaibigan ni Japet na nagpatira sa kanilang bahay.
- Si John na tumulong kay Japet para makapasok sa munisipyo.
- Mga magulang ni Ren na tinuring na pangalawang pamilya ni Japet.
- Mga kaibigan at mga nakakakilala sa kanya na na nagpalaro ng ml account.
- Mga kaklase nya sa online classes.

2. TAGPUAN NG KWENTO

- Sa barangay sta.cruz kung saan rito siya lumaki.


- Sa bahay ni Ren kung saan dito siya pinatuloy manirahan.
- Sa munisipyo kung saan rito siya nagtrabaho sa loob ng isang taon.

3. BANGHAY

PANIMULA - Si japet ay nakatira sa barangay sta.cruz sa lunsod ng pasig kung


saan dito siya lumaki. Pagtapos niya sa senior high ay pumasok si japet sa
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City


KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG FILIPINO

Taong Pampanuruan 2021-2022

FIL 212 – MAIKLING KWENTO AT NOBELANG PILIPINO

munisipyo ng isang taon upang makapag-ipon at mapakapag patuloy sa kanyang


pag-aaral.

KASUKDULAN - Nagkaroon ng virus sa bansa na tinatawag na covid-19 kung saan


nagkaroon ng community quarantine sa bansa at naapektuhan siya nito. Dahil sa
pandemya ay na extend ang ninanais nyang simula ng pasukan at bawal na ang
face to face classes sa bansa. Nanibago siya sa bagong kurikulom sa kanyang
pagpasok sa online classes.

KAKALASAN - Sa tulong ng kanyang kaibigan na tinanggap siya bilang isang


pamilya sa loob ng kanilang tahanan at sa kanyang pagpupursige niya sa buhay
ay nakaroon siya ng lakas ng loob upang magpatuloy muli sa pag aaral.

WAKAS - Sa pagpupursige niya sa kanyang pagpasok sa online classes ay


nakakasabay na siya sa bagong kurikulum ng online classes at nagkaroon siya ng
mga bagong kaibigan at naka tanggap siya ng papuri sa kanyang mga kaklase.

4. KAISIPAN

Huwag mo sayangin ang mga pagkakataon dadating sa iyong buhay upang


magpatuloy sa iyong pangarap, at ang mga problemang dadating ay mga
pagsubok laman kaya wagmatakot na harapin.

5. SULIRANIN

Siya ay mag-isa nalang sa buhay sa dahila wala siya mga magulang na gagabay at
susuportahan sa kanyang pag-aaral lalo na sa hirap ng buhay sa panahon ng
pandemya.

6.TUNGGALIAN

Tao laban sa kalikasan, dahil ang tunggalian ay naganap sa pagitan ng covid-19


pandemya at kay japet.
Tao laban sa lipunan, dahil na ang tunggalian ay naganap sa pagitan ng kahirapan
sa buhay at si japet.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alcalde Jose Street, Kapasigan, Pasig City


KOLEHIYO NG EDUKASYON
KAGAWARAN NG FILIPINO

Taong Pampanuruan 2021-2022

FIL 212 – MAIKLING KWENTO AT NOBELANG PILIPINO

7. PAKSANG DIWA

Ang kaisipan sa maikling kwento ito ay maging isang mapursige sa buhay kahit
na sobrang hirap ng pamumuhay, at kung ikaw ay may pangarap sa buhay gawin
mo itong inspirasyon sa mga iyong ginagawa upang magkaroon ka ng lakas
upang bumangon kapag ikaw ay nadapa.

You might also like