You are on page 1of 8

G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6

MELC:
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita

Paksang Aralin/Lunsaran:

Pagsasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita

LUNSARAN: Simbahan

Sanggunian: MELC First Quarter

Kagamitan:
Para sa face to face

Mga larawan
Powerpoint Presentation

Para sa Modular Distance Learning (MDL):


Kopya nitong Modyul

Para sa Online Distance Learning (ODL)


Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSc4THOSjbUiGunm4aurzLs_c-
v1Nk13l0N_Tu64g0JDlKga7w/viewform

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe-
zdiaE5DgXEm4RjUl8bC4vYPatlGztpHQMC7aXhrrYD1G0w/viewform

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe-
zdiaE5DgXEm4RjUl8bC4vYPatlGztpHQMC7aXhrrYD1G0w/viewform

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdmRUGkBzbQVYU1zuQ-
a6TODYCdt5BxD64rru7JOJ78F19xtA/viewform

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScvwxDhwH5OtpIJoJhgnQC
TFr775T6t-0y__dBqszQF-MYzzA/viewform
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeH8XZHhD9tK38uhBUkCg0a
Ro8gkOPA7EYesVfLpRXDSNZcFQ/viewform

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin


Nalulugod ako at nasa mabuti kang kalagayan.

Hanapin sa hanay BSana


angaykahulugan ngpagkakaroon
patuloy ang mga salitang
mo nakasulat nang sa
ng sigla sa pag-aaral
pahilig sa hanay A. kabila nararanasan natin pandemya.

Ngayon, humanda ka na sa bago nating aralin.

1|SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang nakasulat
nang pahilig sa Hanay A.

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSc4THOSjbUiGunm4aurzLs_c-
v1Nk13l0N_Tu64g0JDlKga7w/viewform
Hanay A Hanay B
1. pagkagaling sa paaralan A. isang ambisyon na nais makamit
2. dalawang taon ang aming
B. magkasundo sa lahat ng bagay
pagitan
3. sanggang-dikit tayo kuya C. sinasabi
4. salitang lagi kong sinasambit D. pokus sa gawain
5. ang pangarap niya ay
E. agwat
pangarap ko rin
6. nakatuon ang oras F. mula sa isang lugar
7. mula kami sa payak na pamilya G. simple

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


Ano-ano ang dapat tandaan kapag nagbibigay ng reaksyon sa isang
napakinggang isyu, balita o usapan?

Para sa Modular Distance Learning: Isulat ang iyong sagot sa nakalaang


patlang.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Face to Face: Sasabihin ang sagot nang pasalita.
Para sa Online Distance Learning (ODL):
Sasabihin nang mag-aaral ang kasagutan sa google classroom

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

Para sa Modular Distance Learning:


Ano-ano ang gagawin mo upang maisalaysay mong muli gamit ang sarili
mong salita ang napakinggang teksto?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Para sa Face to Face:


Ano-ano ang gagawin mo upang maisalaysay mong muli gamit ang sarili
mong salita sa napakinggang teksto? (Pasalita ang pagsagot.)

Para sa Online Distance Learning


https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe-
zdiaE5DgXEm4RjUl8bC4vYPatlGztpHQMC7aXhrrYD1G0w/viewform

2|SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
#1

Ngayong natapos mo ng basahin/panooring ang isang


pahayag tungkol sa isang isyu. Ano ang iyong reaksyon o
saloobin tungkol dito

Para sa Modular Distance Learning


Basahin ang teksto (Maaari ding ipasa sa magulang o maykakayahang
kasabahay).
Simbahan
Matagal nang pangarap ng magkaibigang Jess at Ika ang
makarating sa Bicol. Ilang taon na rin ng nakaraan simula ng planuhin
nilang magkaibigan ang pagpunta rito. Nais nilang maranasan ang
Piyesta ng Peñafrancia.

Pinakahihintay nila ang pagdating ng buwan ng Setyembre upang


matupad ang kanilang bagong misyon, ang makasimba sa Peñafrancia.

Jess: Ika, kumusta na? Sapat na ba ang naipon mo para sa inaasam


nating pagpunta sa Bicol?
Ika: Hindi ito sasapat, Jess. Konting ipon pa. Tamang-tama naman dahil
iyong regalo sa akin noong nakaraan kong kaarawan, sa halip na
materyal, e hiniling ko na pera na lamang.
Jess: Uy, maganda iyan, ha.
Ika: O, at saka, Marso pa lamang ngayon kaya madaragdagan pa ang
ipon ko. Ikaw?
Jess: Kagaya mo nag-iipon pa rin naman.
Ika: Hay, nasasabik na akong makarating sa Bicol para sa Piyesta ng
Peñafrancia.
Jess: Ako rin Ika. Pareho lang tayo ng nararamdaman.

Dumating ang kaibigan nilang sina Boyet at Nelly.


Boyet at Nelly: Nariyan pala kayo!
Boyet at Nelly: Anong pinag-uusapan ninyong dalawa, ha? Tila
nangangarap pa kayo habang nakatingin sa
kalawakan.
Jess: Pinag-uusapan namin ang pagpunta sa Bicol para
makasama sa prusisyon ng Mahal na Birhen ng
Peñafrancia.
Ika: Oo nga, Nelly, Boyet. Pinag-iipunan namin ng husto
kasi sa darating na Setyembre na iyon.
Boyet: Paano kayo pupunta roon? Kayong dalawa lang?
Jess: Hindi, magbabakasyon doon ang tiyahin ni Ika para sa
Peñafrancia. Matagal ko nang gustong makasama sa
prusisyon kaso hindi naman natutuloy ang
pagbabakasyon namin doon nina mama at papa.
Ika: Kaya nang sabihan ko siya sa plano ng tiyahin ko at ng
aming pamilya, gusto niyang sumama. Siyempre
pareho kaming nag-iipon para hindi na kmi manghingi

3|SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6
sa aming mga magulang. Kung manghingi man, kaunti
na lamang.
Nelly: Gusto ko ring sumama.
Boyet: Ako rin. Pwede pa ba, Ika?
Ika: Sandali itatanong ko muna kina mama ha.
Jess at Ika: Malapit na kami, Mahal na Birhen ng Peñafrancia.
Mahahawakan ka na namin!

Para sa Online Distance Learning at Face to Face: (Pakikinggan ng mga


mag-aaral ang usapan)

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


#2
Para sa MDL
Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong pang-unawa sa napakinggang
usapan.
1. Sino-sino ang nag-uusap?
_____________________________________________________________________
2. Ano ang kanilang relasyon sa isa’t isa?
_____________________________________________________________________
3. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
_____________________________________________________________________
4. Saan papunta ang magkaibigan?
_____________________________________________________________________
5. Bakit nasasabik na ang magkakaibigan sa pagdating ng Setyembre?
_____________________________________________________________________

Para Face to Face: Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno

Para sa Online Distance Learning:


https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSe-
zdiaE5DgXEm4RjUl8bC4vYPatlGztpHQMC7aXhrrYD1G0w/viewform

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


(Face to Face)

Para sa Face to Face at Modular


Basahin ang maikling kuwento at isalaysay na muli gamit ang sariling
salita.
Gawin ito sa isang buong papel.

MAIKLING KUWENTO
(BAHA DULOT SA BASURA)
Isinulat ni: Blaine Mia Igcasama

Si Henry ay mahilig magdumi sa kapaligiran. Hindi niya iniisip na


masama ang kaniyang ginagawa. Tapon doon, tapon dito iyan ang lagi
niyang ginagawa araw-araw. Kahit na pinapagalitan ng kaniyang ina ay
hindi pa rin siya sumusunod na huwag magkalat. Palibhasa’y may
katulong silang laging inuutusang maglinis ng kalat sa loob at sa labas ng
kanilang pamamahay. Dumating ang panahong kailangang umuwi ng
kanilang kasambahay sa probinsiya at walang ibang katulong ang
pumalit dito. Kaya obligado si Henry na gawin ang mga gawain sa

4|SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6
kanilang pamamahay sa loob o sa labas man. Isang umaga ipinatapon
ng kaniyang ina ang sako-sakong basura sa may eskinita kung saan doon
kinukuha ng mga basurero ang mga basura. Ngunit dahil sa pagiging
tamad ni Henry itinapon niya ito sa likod ng kanilang bahay kung saan
may ilog doon. Hindi alam ng ina ni Henry ang kaniyang ginawa kaya
hindi siya napagalitan nito. Isang gabi habang si Henry ay mahimbing na
natutulog, napakalakas na ulan ang humagupit sa kanilang bayan
hanggang sa bumaha. Pumasok sa loob ng kanilang bahay ang tubig at
iba’t-ibang klase ng mga basura. Nagulantang ang ina ni Henry sa
nangyari. Siya ay nagtaka kung bakit may mga basurang nagkalat sa
loob ng kanilang bahay samantalang ipinapatapon niya ito sa eskinita
kung saan kinukuha ng mga basurero. Kaya pinuntahan niya ang
kaniyang anak at tinanong kung saan nito itinapon ang sako-sakong
basura. Sinabi ni Henry ang katotohanan na sa ilog niya itinapon ang
mga basura. Kaya nagalit ang kaniyang ina at sinabihan itong linisin ang
basura mag-isa. Napagtanto ni Henry na mali ang kaniyang
ginawa kaya sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon gagawin
ulit at magiging responsable na siya.

Para sa Online Distance Learning


https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdmRUGkBzbQVYU1zuQ-
a6TODYCdt5BxD64rru7JOJ78F19xtA/viewform

Pamantayan Paliwanag Puntos


Pagkabuo angkop sa hinihinging 4
impormasyon

Presentasyon • organisado at 3
lohikal
ang ideya
• malikhain at
maganda
Gamit ng Wika tumpak ang pagpili 3
ng salita
Kabuuan 10

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

Sa panahon ngayon, limitado ang pagpunta sa simbahan upang


manalangin, sa papaanong paraan mo maipakikita ang iyong pananalig
at pagmamahal sa Panginoon kahit hindi ka pumupunta sa pook
dalanginan?
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScvwxDhwH5OtpIJoJhgnQC
TFr775T6t-0y__dBqszQF-MYzzA/viewform

5|SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6

H. Paglalahat ng Aralin (Face to Face)


Para sa Modular at Face to Face
Ano ang natutuhan mo sa araling ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

Para sa Online Distance Learninig (Makukuha ang sagot ng mga bata sa


pamamagitan ng Google Classroom)

I. Pagtataya ng Aralin
Binabati kita sa iyong mahusay na pagsagot sa mga gawain
kaugnay sa aralin. Higit pa nating linangin ang mga bagay na
iyong natutunan sa araling ito.

Ihanda mo na ang iyong sarili para sa maikling pagsusulit.


Para sa Online Distance Learning at Face to Face

Panoorin ang maikling kuwento at isalaysay na muli gamit ang sariling


salita.
https://www.youtube.com/watch?v=lgkKuMZ-mBs

Para sa Modular Distance Learning:


Basahin ang maikling kuwento at isalaysay na muli gamit ang sariling
salita. Gawin ito sa isang buong papel.

Ang Oso at ang Dalawang Magkaibigan

Mayroong dalawang matalik na magkaibigan sina Ron at John. Sila


ay mahilig maglakbay na magkasama. Isang araw napagpasiyahan nila
pumunta sa kagubatan. Alam nila na mapanganib ang lugar na iyon at
nangako sa isa't isa na hindi sila maghihiwalay kahit anong mangyari.
Ilang minuto lamang ay may nagpakita sa kanila na isang oso, dahil sa
takot ng dalawa dali-dali silang tumakbo. Nakakita ng puno si Ron at dali-
dali itong umakyat, naiwan si John sa baba.

Sinabi ni John, tulungan mo ako. Hindi ako makaakyat diyan Ron.


Ngunit ang sambit ni Ron, hindi na ako makakababa dahil nandiyan na
ang oso at hindi tayo kasya rito. Buti na lamang ay natandaan ni John
ang itinuro ng kanilang guro na hindi ginagalaw ng oso ang patay na tao
o hayop. Kaya naisipan niyang humiga at nagkunwaring patay. Lumipat
ang oso at tama nga ang kanyang guro hindi siya ginalaw. Dali-dali
bumaba si Ron mula sa puno, at tinanong ano binulong ng oso sa iyo.
Sambit ni John na huwag daw ako maniniwala sa pekeng kaibigan na
nagsasabing “walang iwanan kahit anong mangyari.”

6|SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6

PANGALAN_____________________ PANGKAT_____________ PETSA__________


PANUTO: Gumawa ng maikling salayasay ukol sa nabasang teksto

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeH8XZHhD9tK38uhBUkCg0a
Ro8gkOPA7EYesVfLpRXDSNZcFQ/viewform
Maghanap ng mga babasahin sa bahay na may maikling kuwento.
Gumawa ng buod tungkol dito. Gawin ito sa kahon sa ibaba.

7|SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 6

MGA TALA (PARA SA GURO)


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAGNINILAY (PARA SA GURO)

_____________________________ _____________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

8|SY 2020-2021

You might also like