You are on page 1of 13

G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7

I.Mga Kasanayan sa Pagkatuto

MELC: F5PS-IIh-c-6.2

Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga

pangungusap

II.Paksang Aralin/Lunsaran:

Pagsasalaysay Muli ang Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga

Pangungusap

LUNSARAN: Labinlimang Araw

Sanggunian:

A. Mga Batayang Aklat

Agarrado Patricia Jo C. et al. Alab sa Filipino 5,Vibal Group, Inc.

1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines, 2016,
pp.74-76

B. Mga Larawan/Clipart

https://www.google.com.ph/search?q=scissors+clipart&tbm=isch&v
ed=2ahUKEwjxytbM163qAhUGBpQKHR3hCPkQ2-
cCegQIABAA&oq=scissor&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgcIABCxAxB
DMgQIABBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgQI
ABBDMgQIABBDMgIIADICCABQ-
rtIWObGSGDCjUloAHAAeACAAYABiAH-
DZIBBDguMTCYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=S
1z9XrH5OIaM0ASdwqPIDw&bih=623&biw=1366&hl=en#imgrc=Z_hKH
bzYlzEHDM

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+emoji+thumbs+up&t
bm=isch&ved=2ahUKEwieqciQka7qAhUFXpQKHcsqA7QQ2-
cCegQIABAA&oq=clipart+emoji&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIADI
CCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoEC
CMQJzoGCAAQCBAeOgQIABAeOgUIABCxA1DdmfEBWNbc8QFgy
vXxAWgAcAB4AIABeogB_A-
SAQQxNC44mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=n5j
9Xt7dB4W80QTL1YygCw&bih=623&biw=1366&hl=en

https://in.pinterest.com/pin/770537817470295572/?d=t&mt=signup

C. Video

https://www.facebook.com/232300704136988/videos/298504653510
0960 (kuwento: Labinlimang Araw)

D. DepEd Portal
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6810

1 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7

III.Pamamaraan

A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Mapagpalang araw sa iyo! Kumusta ang araw mo?

Nasisiyahan akong ilahad sa iyo ang bagong araling inihanda
ko para sa iyo.
Halika at dagdagan ang kaalaman mo!
Ang araling ito ay handog ko para sa iyo. Ito ay ginawa upang
mapag-aralan mo ang pagsasalaysay muli ng napakinggang kuwento sa
tulong ng mga pangungusap. Taglay nito ang mga aralin, pagsasanay, at
pagsubok na hahamon sa iyong kaalaman.
Ano-ano ang dapat mong gawin upang matuto sa araling ito?

1. Basahin mong mabuti at unawain ang aralin.

2. Sulatan lamang ang mga bahagi ng modyul na ito na nakalaan
para sa mga pagsasanay at pagtataya.
3. Sagutin mo ang mga pagsubok nang may katapatan.
4. Sundin ang mga panuto.
5. Ipasa ang ginunting na bahagi ng mga pagsasanay at
pagtataya sa guro.
6. Ibalik ang modyul nang maayos.
Patnubayan ka ng Poong Maykapal!
Maligayang pagsagot!
SIMULAN NA NATIN!!!

Kilalanin ang mga sumusunod na larawan. Pamilyar ka ba sa mga

larawang ito? Sila ang pinakatampok sa ating talakayan sa araw na ito?
Handa ka na bang kilalanin sila?
Parasa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1JZd7HcYEdksu0ZEEFKf3KnK
UeUH_ni7ZseC-nUMJtBk/edit?usp=sharing
Masdan ang mga larawan .Pumili ng isang larawan. Magbigay ng
maikling salaysay ukol dito.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Pamilyar ka ba sa Community Quarantine? Ano ang ibig sabihin

nito? Pano ito ipinatutupad?

2 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7
Face to Face: Punan ang graphic organizer ng bawat pangkat.
Panatilihin ang social distancing habang nagpapagkatang-gawain.
Online/Modular: Punan ang graphic organizer ayon sa iyong kaalaman.

Gawain 1
Pamagat: Kaalaman Mo, Subukin Mo!

Ang community quarantine ay Ang mga tao ay

____________________________________ _____________________________________

Community
Quarantine

Hindi maaaring lumabas ang mga Ang mga pulis at sundalo ay

________________________________________
___________________________________
____________________________________ _____________________________________
____________________________________ _____________________________________
____________________________________ _____________________________________
____________________________________ _____________________________________
_____________________________________

MAHALAGANG TANONG
Ano ang kahalagahan ng community quarantine? Makatutulong ba ito
sa mga tao?

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

May kilala ka ba o may napanood ka sa balita na nagtatrabaho sa

ibang bansa na umuwi dahil sa kumakalat na sakit na Covid-19 o
Coronavirus? Nakauwi ba sila agad sa kanilang mga pamilya? Bakit?
Basahin mo ang kuwento na pinamagatang “Labinlimang Araw.”

Labinlimang Araw

Napakahaba ng dalawang taon! Dalawang kaarawan ni Mimi at

ni Aling Rosa, dalawang Pasko at Bagong Taon, dalawang graduation ni
Mimi mula sa “Day Care”, at marami pang pagdiriwang ang hindi
nadaluhan ni Mang Bert sa loob ng dalawang taon. Sa wakas, dumating
na ang araw na pinakhihintay ng Mimi! Uuwi na si Mang Bert! Kahit
dalawang buwan lang, basta magkasama-sama lang sila bilang isang
pamilya. Sabik na sabik na sina Mimi at Aling Rosa!

“Nanay, sabik na sabik na po talaga akong makita si tatay!” Di po

ba at ngayon na siya uuwi?” patalon-talong tanong ni Mimi kay Aling
Rosa.
3 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7

“Oo, anak, ngayon na nga ang pagdating ng tatay,” malungkot

na sagot ni Aling Rosa. Niyakap ni Aling Rosa ang anak.” Hindi pa kasi
didiretso ang tatay mo rito sa atin pagkagaling niya sa airport”.

“Bakit po? Akala ko po ba darating na si Tatay ngayon? Iyon po

ang sabi niya noong huling tawag niya, hindi ba?” sagot ni Mimi habang
unti-unting tumutulo ang luha.
Ipinaliwanag ni Aling Rosa kay Mimi ang patungkol sa COVID-19. Isang uri
ng sakit na mabilis kumalat. “Anak, may sakit kasi ngayon na
nakahahawa at kumakalat sa buong mundo. COVID-19 ang tawag sa
sakit na ito. Maraming mga tao na ang nagkakaroon nito. Inuubo,
nananakit ang katawan, nilalagnat, at nahihirapan ding huminga ang
isang taong mayroon nito. Hindi ba at gusto natin na ligtas ang Tatay?
Kaya kailangan muna niyang magpahinga sandali sa ibang lugar at
makasiguro na ligtas siya sa COVID-19 at para ligtas din tayo. Ayaw niya
rin kasi na magkasakit tayo.”

“Nakakalungkot naman po pero kung magiging ligtas po siya roon,

sige po bukas na lang siya umuwi,” sagot ni Mimi.

“Saan po ba siya matutulog ngayong gabi , Nanay?” Napangiti si

Aling Rosa. “Hindi rin muna bukas uuwi si Tatay. Doon muna siya titira sa
isang malaking lugar kasama ang iba pa na gusto na ring umuwi pero
kailangan munang maging ligtas sa COVID -19. Doon muna sila para ma
“Quarantine”. Ibig sabihin, oobserbahan sila doon para masigurong wala
silang sakit. Bibigyan sila ng masarap na pagkain, at makakapagpahinga
sila nang maayos sa lugar na iyon. Makalipas ang ilang araw at
siguradong walang sakit si Tatay, uuwi na rin siya agad-agad sa
ikalabinlimang araw!

“Labinlimang araw po, Nanay! Parang matagal po iyon ah! Ilan po

ba ang labinlima? Ganito po ba?” Itinaas ni Mimi ang kanyang sampung
daliri.

“Sampu iyan, anak,” Idinagdag ni Aling Rosa ang lima niyang daliri
sa kaliwang kamay. “Ayan, labinlima na!”

Sabay na nagbilang ang mag-ina.

“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu,
labing-isa, labindalawa, labintatlo, labing-apat, at labinlima.”

“Sa ikalabinlimang araw, nandito na si Tatay!” pagpapaliwanag ni

Aling Rosa.

` “Labing-apat na tulog po iyon! Sandali lang po, may kukunin lang

ako sa bag! Nagmamadaling sagot ni Mimi.

Bumalik sa Mimi na may dala-dalang papel, lapis at “masking

tape”. “Pwede nyo po ba akong tulungan na isulat ang mga numero na
sinabi ninyo?” tanong ni Mimi kay Aling Rosa.

4 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7
“Syempre naman! Habang sinisimulang isulat sa papel ang mga
numero. “Salamat po! Saan po kaya ito magandang idikit?” tanong ni
Mimi habang nag-iisip.

“Maganda siguro sa may tabi ng mga laruan mo, diyan sa may

pader,” sagot naman ni Aling Rosa.
Idinikit ni Mimi sa pader na itinuro ng ina ang papel.

“Ayan po! Lalagyan ko po ng “happy face”, ang bilang isa bukas

pagkagising ko!”

Tuwing umaga, bago mag-almusal, ginuguhitan ni Mimi ng “happy

face” ang bawat numero sa papel. May happy face na ang bilang isa,
dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, labing-isa,
labindalawa, at labintatlo.

“Tingnan nyo po! Dalawang “happy face” na lang uuwi na si

Tatay!” sabik na wika ni Mimi kay Aling Rosa.

“Oo na ano! Ang biis lang pala ng mga araw! Hindi natin
namalayan. Umasa tayo na makauwi na ang Tatay sa ikalabinlimang
araw,” sagot naman ni Aling Rosa na punong-puno ng pag-asa.

Ikalabing-apat na araw na. Hindi na maitanggi ang kasabikan ng

mag-ina. Nilagyan na ni Mimi ng “happy face” ang numero labing-apat.

“Oo nga! Isang tulog na lang! Ipanalangin natin na bukas ay

makasama na natin si Tatay,” umaasang sagot ni Aling Rosa.

Bago natulog ang mag-ina, nanalangin sila nang mataimtim. Puno

sila ng pag-asa na makakasama na nila si Mang Bert kinabukasan.
Nakangiting natulog si Mimi nang gabing iyon. Puno rin ng masasayang
eksena ang panaginip niya na kasama si Aling Rosa at Mang Bert.

Maagang nagising si Mimi kinabukasan, pero mas maagang

nagising si Aling Rosa. Naging abala siya sa paghahanda ng mga
pagkaing paborito ni Mang Bert.

“Ikalabinlimang araw na po!” Uuwi na po si Tatay!” tuwang –

tuwang sabi ni Mimi habang tumatakbo papunta sa papel na nakadikit
sa pader.

“Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu,
labing-isa, labindalawa, labintatlo, labing-apat….

“Labinlima!” sabi ng isang malaking boses sa likod ni Mimi.

Natigilan si Mimi. Imbes na dumiretso sa pader, umikot siya at

nagulat sa nakita!

“Tatay!!!Nandito na po kayo!!!”

Niyakap nang mahigpit ni Mang Bert si Mimi at Aling Rosa.

5 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7

“Nandito na ang Tatay, anak! Malakas at malusog! Balita ko, anak,

ang husay mo nang magbilang! Sabi ni Nanay, palagi mo raw binibilang
ang mga araw bago makauwi ang Tatay! Ikuwento mo naman sa akin!
Sabi ni Mang Bert habang kalung-kalong si Mimi.

Gawain 2
Pamagat: Tanong Ko, Sagutin Mo!

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Bakit masayang-masaya si Mimi?

2. Bakit bigla siyang nalungkot sa sinabi ng kanyang nanay?

3. Ano ang dahilan kung bakit hindi pa makakadiretso sa kanilang

tahanan si Mang Bert?

4. Paano ipinaliwanag ni Aling Rosa ang sitwasyon sa murang isip ni Mimi?

5. Anong ginawa ni Mimi upang madali niyang mabilang ang pag-uwi ng

kaniyang tatay?

6. Bakit labinlimang araw ang pamagat ng kuwento?

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

#1
Naunawaan mo ba ang kuwento? Kung lubos mong naunawaan
ang kuwento ay isalaysay mo ito sa pamamagitan ng pagpupuno sa
mga patlang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

Gawain 3
Pamagat: Dugtungan Mo!

Masayang-masaya si Mimi sapagkat

_____________________________________________________________.

6 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7
Ngunit ang sayang ito ay naglaho dahil
__________________________________________________________________.
Ipinaliwanag ng Aling Rosa kay Mimi ang tungkol sa
_______________________________________.
Isa itong uri ng sakit na__________________________________________.
Sinabi ni rin ni Aling Rosa na ang kanyang ama ay pansamantalang titira
sa __________________________ kasama ang iba pang
___________________________________.
Mananatili sila roon sa loob ng ______________________ at uuwi sila sa
______________.
Matiyagang naghintay si Mimi at bawat araw ay nilalagyan niya ng
_____________________ ang ginawa niyang mga numero.
Hanggang sa sumapit ang araw ng pagdating ni Mang _____________.
Niyakap niya ng mahigpit si _______________________ at
___________________.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

#2

TANDAAN MO!

Higit na mauunawaan ang binasa kung maayos ang mga

pangyayari ayon sa sunod-sunod na pagkakaganap ng mga ito.
Mabisang maisasalaysay muli ang napakinggang kuwento kung
makiknig mabuti sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa pinakinggang teksto.

(Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:_____________________________________ Pangkat:______________
Petsa:___________

Gawain 4
Pamagat: Subukin Mo!

Humanap ng isang maikling kuwento. Isalaysay itong muli sa tulong

ng mga pangungusap.

Pamagat ng Kuwento:
________________________________________________________________________
Mga Tauhan:
________________________________________________________________________
Salaysay ng Kuwento:

7 | SY 2020-2021

xs

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain 5
Pamagat: Pagsunod-sunurin Mo!

Face to face: Isalaysay ang wastong pakakasunod-sunod ng mga

pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pagsasadula. Panatilihin
ang social distancing habang ginagawa ang pangkatang gawain.

Online
https://docs.google.com/document/d/1uCJf2c2uV1kJXsLMmPBvGPc
5CqzfbbmuJAV3QGDVhQc/edit?usp=sharing

/Modular: Basahin ang teksto at lagyan mo ng bilang ayon sa

wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.

Ang Lagalag na mga Hudyo

(salin sa Filipino ni Jong del Fierro)

8 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7
Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng
mga Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang
babaing Hudyo. Naglalaro sila sa maputik na kalsada nang walang
ano-ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mga bata, takbo! Magtago kayo!
Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga koboy na Ruso. Walang
Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga Kosak sa kalsada.

Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng

mapapagtaguan. Ang mga pintuan at bintana ng mga kabahayan
ay nagsipagsara. May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila.
Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putik.

Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang

mga putik. Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban
ni Golda. Napasigaw siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na
niya ang mga Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga

kabayo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang
ulo ang mga bakal na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na
sana ay di siya mapatay. Inikot-ikot siya ng mga Kosak.
Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang paligid.
Papalayo na ang mga Kosak.

Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga
Hudyo ay walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang
paglagalag ng mga Hudyo,” ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda,
siya ang nakatulong upang maging malayang bansa ang Israel,
ang bansa ng mga Hudyo.

(Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan: _____________________Pangkat: _____________ Petsa: ________
PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng
pagsulat ng bilang 1-6 sa patlang.

________ Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik.

________Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon
ng sariling bansa ang mga Hudyo.
________Si Golda ay kasama ng mga batang naglalaro sa kalsada
nang matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.
____________ Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil
nadapa sa maputik na lansangan.
____________ Pumikit na lamang siya at nagdasal hanggang sa pag-
alis ng mga Kosak.
____________ Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

9 | SY 2020-2021
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay

(Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan:_____________________________________ Pangkat:______________
Petsa:___________

Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili at pamilya laban sa

kumakalat na sakit? Isulat ang iyong sagot sa loob ng balloon.

H. Paglalahat ng Aralin

Paano mo maipamamalas na iyong naunawaan ang napakinggan,

nabasa o napanood mong kuwento?

Maipamamalas ko na naunawaan ko ang aking napakinggan, nabasa o

napanood na kuwento kung ito ay
______________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

10 | S Y 2 0 2 0 - 2 0 2 1
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7

I. Pagtataya ng Aralin

Pagtataya:
Pamagat: Talata Mo, Isulat Mo!

Basahin ang kuwento at isalaysay muli ang teksto sa tulong ng

pagsusunod-sunod ng mga pangungusap. Isulat sa anyong patalata.
Para sa ODL
https://docs.google.com/document/d/19bu2ZKk4ADKSQ3H0cveyVEZ4qb
ZBcolY3n_pKWuJ7Ec/edit?usp=sharing
Liwanag sa Dilim: Ang Kuwento ni Roselle Ambubuyog

Si Maria Gennett Roselle R. Ambubuyog ay ipinanganak noong ika-

12 ng Enero, 1980 sa Maynila. Anak siya nina Gemme F. Ambubuyog at
Deanna B. Rodriguez. Naging masaya at tahimik ang unang mga taon ng
kaniyang kabataan, kasama ang kaniyang mga magulang at tatlong
kuya na sina Glemm, Glenn at Gary.
Noong anim na taong gulang si Roselle, nagkasakit siya at binigyan
ng apat na gamot. Bumuti ang kaniyang pakiramdam, subalit
pagkatapos ng dalawang linggo, muli siyang nagkasakit. Tinawag na
Steven Johnson’s Syndrome, o labis na reaksiyon ng katawan ang mga
gamot na kaniyang iniinom ang kanyang sakit. Dahil dito, nawala ang
kaniyang paningin. Dinala siya ng kanyang mga magulang sa iba’t ibang
doktor, subalit hindi na muling nakakita si Roselle.
Sa kabila nito, sinikap ni Roselle at ng kaniyang mga magulang na
maipagpatuloy ang dati niyang buhay. Umalis ang kaniyang ama mula
sa dati niyang trabaho upang tulungan si Roselle na muling matutuhan
ang mga pang-araw-araw na gawain. Nakabalik siya sa pag-aaral at
nagtapos bilang balediktoryan ng Paaralang Elementarya ng Batino
noong 1992 at sa Paaralang Sekondarya ng Ramon Magsaysay noong
1996. Pagkatapos nito, nagtungo siya sa Pamantasang Ateneo de Manila
upang mag-aral ng Matematika.
Nagbunga ang pagsisikap ng buong pamilya, dahil noong 2001,
nagtapos si Roselle bilang balediktoryan mula sa Pamantasang Ateneo
de Manila. Sa kaniyang talumpati bilang balediktoryan, pinasalamatan
niya ang kaniyang buong pamilya, lalo na ang kaniyang ama, na
nagsilbing mga bituin sa kaniyang paglalakbay. Pagkatapos nito,
nagpakadalubhasa siya sa Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ngayon, isa siyang consultant para sa isang kompanyang
gumagamit ng makabagong teknolohiya upang gumawa ng kagamitan
para sa mga taong may kapansanan. Nagagamit niya ang kaniyang
karanasan at kaalaman para tulungan ang ibang taong katulad niya.

Para saODL:
https://docs.google.com/document/d/1xEM1dUyvaNgyUE6nwb0i06shi9t
moHL5zHvVJ7CQQ6Y/edit?usp=sharing

11 | S Y 2 0 2 0 - 2 0 2 1
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7
(Ipasa ang pahinang ito sa guro)

Pangalan: ____________________Pangkat: ___________Petsa: ________

PANUTO: Buuin ang talata sa pamamagitan ng pagsunud-sunod ng mga
pangungusap. Isulat ito sa anyong patalata.

1. Naging balediktoryan si Roselle ng Paaralang Elementarya ng Batino.

2. Naging balediktoryan si Roselle ng Paaralang Sekondarya ng Ramon
Magsaysay.
3. Ipinanganak si Roselle sa Maynila.
4. Nagkasakit si Roselle at uminom ng apat na gamot.
5. Naging consultant siya ng kompanyang gumagawa ng teknolohiya
para sa may kapansanan.
6. Naging balediktoryan siya ng Pamantasan ng Ateneo de Manila.
7. Nabulag siya dahil sa masamang reaksiyon ng kaniyang katawan sa
gamot.
8. Umalis ang kaniyang tatay sa dating trabaho upang mas matulungan
si Roselle.
9. Ginamit niya ang karanasan at kaalaman upang tulungan ang mga
katulad niya.
10. Nagpakadalubhasa siya sa Matematika sa Unibersidad ng Pilipinas.

______________________.

Lubos akong nagagalak sa ipinakita mong

katapatan sa iyong pagsagot. Ilan ang iyong
nakuhang puntos? _________ Binabati kita!
Hanggang sa muli!

12 | S Y 2 0 2 0 - 2 0 2 1
G5-FILIPINO/1QTR ARALIN 7
J. Karagdagang Gawain/Remediation:

Magbasa ng isang uri ng kuwentong kinahihiligan mong basahin

pagkatapos ay isalaysay mo ito sa iyong dyornal. Hindi dapat bababa sa
pitong pangungusap ang iyong talata.

PAGNINILAY (PARA SA GURO)

_____________________________ _____________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

13 | S Y 2 0 2 0 - 2 0 2 1

You might also like