You are on page 1of 18

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 9:


Pagbibigay ng Sariling Hinuha
Bago, Habang, at Pagkatapos
Mapakinggan ang Teksto
Filipino– Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan - Modyul 9: Pagbibigay ng Sariling Hinuha Bago, Habang, at
Pagkatapos Mapakinggan ang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Hazel P. De Leon, Gemma M. Gutierrez, Ramon S. Garvino Jr., Marlou G.
Samontina at Greco Dasmarñas
Editor: Gemma M. Gutierrez
Tagasuri: Irene G. Quizon
Tagawasto: Ramon S. Gravino, Jr., Mylene C. Robiños, Juvy A. Comaingkin
Tagaguhit: Greco Dasmariñas
Tagalapat: Marlou G. Samontina
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147


E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 9:
Pagbibigay ng Sariling Hinuha
Bago, Habang, at Pagkatapos
Mapakinggan ang Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Kumusta ka? Binabati kita dahil matagumpay mong natapos


ang mga naunang modyul!

Ngayon ay sisimulan mo ang panibagong modyul na


makadaragdag sa iyong kaalaman ukol sa pagbibigay ng sariling
hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggang ang teksto.
Mayroon akong inihandang mga gawain para sa iyo.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nakapagbibigay ng sariling hinuha bago, habang, at
pagkatapos mapakinggan ang teksto (F3PN-IIIf-12).

1
Subukin

Pakinggang mabuti ang babasahing ulat ng iyong


magulang, ate, o kuya. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
na nasa kabilang pahina.

Ulat Panahon
Asahang muli ang pag-
ulan sa ibabang bahagi ng
bansa ngayong Martes dahil
sa hanging habagat, ayon sa
Philippine Atmospheric
Geophysical and
Astronomical Services
Administration (PAGASA).

Sa ika -2:00 ng madaling araw na ulat panahon,


sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina
hanggang katamtamang pag-ulan na may kasamang
pagkidlat at pagkulog ang Davao, General Santos, at
iba pang bahagi ng Mindanao.

Sa ika-3:00 ng umaga, naglabas ng yellow rainfall


warning ang PAGASA sa Butuan at Cagayan de Oro.
Ayon sa PAGASA, posibleng magdulot ng pagbaha sa
lugar ang pag-ulan.

Posibleng tumagal ng hanggang apat na oras ang


malakas na ulan sa mga nabanggit na lugar.

2
Subukan mong maghinuha sa magiging lagay ng panahon
kinabukasan. Isulat ang letra ng napiling sagot sa sagutang
papel.
1. Ano kaya ang posibleng dala ng hanging habagat sa
buong Davao?
A. pag-ulan
B. mainit na panahon
C. maalisangang panahon

2. Batay sa Ulat Panahon, ano ang inaasahang


mangyayari sa ibabang bahagi ng bansa sa Martes?
A. pag-ulan
B. matinding init
C. matinding hangin

3. Naglabas ng yellow rainfall warning ang PAGASA. Ano


ang posibleng maidudulot nito sa mga lugar na
apektado?
A. babaha sa nasabing lugar
B. matutuyo ang mga pananim
C. magiging maaliwalas ang panahon

4. Sa iyong palagay, ano ang mahihinuhang maging lagay


ng panahon kinabukasan?
A. mainit
B. maulan
C. mahangin

5. Batay sa mga gawaing nasa ibaba, alin sa mga ito ang


mas angkop na gawin tuwing panahon ng tag-ulan?
A. mamamasyal
B. mananatili sa bahay
C. magpapalipad ng saranggola

3
Pagbibigay ng Sariling
Aralin
Hinuha Bago, Habang, at
1 Pagkatapos Mapakinggan
ang Teksto

Balikan

Itambal ang Hanay A sa maaaring bunga nito na nasa


Hanay B. Isulat ang letra ng napiling sagot.
Hanay A Hanay B

____1. Umulan buong maghapon. a. Si Mario ay nakapagtapos


____2. Mainit ang panahon. ng pag-aaral.
____3. Masipag siyang mag-aaral. b. Bumaha sa lugar namin.
____4. Naparami ang kain ni Isko. c. Pinagpawisan si Beybi.
____5. Nagwalis si Elsa. d. Malinis na ang kanilang
bahay. e. Sumakit ang kaniyang tiyan.

4
Tuklasin

Pakinggang mabuti ang babasahing teksto ng iyong magulang,


ate, o kuya.
Si Pinpin na Malimutin

Si Pinpin ay isang batang


madaling makalimot sa kaniyang mga
pang-araw-araw na gawain. Ilang
beses din siyang pinapaalalahanan
ng kaniyang ina sa mga gawaing ito.
“Pinpin…!, Huwag mong kalimutan na
pakainin ang mga hayop”, utos ng
kaniyang ina. “Opo, Inay.” Ngunit
dahil napasarap ang tulog ni Pinpin,
nakalimutan niyang pakainin ang
mga ito. “Putak, putak!, Aw, aw!,
Meeh-meeh!”, sabay-sabay nag-ingay
ang mga hayop kaya nagising si
Pinpin. “Naku! hindi ko pala napakain
ang mga hayop,” sambit niya sa sarili.
Sumunod na araw, ibinilin ng kaniyang inang bantayan ang
sinaing ngunit dahil nakalimutan na naman niya, kaya nasunog
ang sinaing ng ina.
“Pinpin huwag mong kalimutang isara ang tubig baka puno
na ang timba,” bilin ng kaniyang ina. “Hinding-hindi ko na po
kakalimutan inay. Pagkatalikod ng kaniyang inay ay nanungkit
muna siya ng bunga ng bayabas kaya nakalimutan na naman
ang bilin ng ina.
Pinpin………….!

5
Suriin
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ano ang katangiang taglay ng bata sa kuwento?
3. Ano ang nangyari nang makalimutan ni Pinpin pakainin
ang mga hayop?
4. Ano- ano kaya ang maaaring mangyari nang
makalimutan ni Pinpin na isara ang gripo?
5. Ano ang dapat gawin ni Pinpin para mabago ang
kaniyang pag-uugali?

Napansin mo ba na sadyang hindi tinapos ng may-akda


ang kuwento? Ikaw ay binigyang-laya para dugtungan ang
kuwento. Ngayon, subukan mong hulaan ang pangyayari batay
sa impormasyong iyong nabasa.
Ang pamamaraang ito ay tinatawag na paghihinuha. Ang
paghihinuha ay pagpapalagay o paghuhula sa maaaring
mangyari sa isang kuwento. Maaaring kang ay magbigay ng
hinuha sa tatlong paraan:
1. bago pa man naganap ang pangyayari sa kuwento;
2. sa kalagitnaan ng kuwento; at
3. pagkatapos ng kuwento.

6
Pagyamanin
Gawain A
Pakinggan ang babasahing teksto ng nakakatandang
kasama sa bahay. Lagyan ng tsek (✓) kung maaaring maging
hinuha ang sumusunod at ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
Maraming nakapilang mga tao sa harap ng Barangay
Hall. Hinihintay nila ang pagdating ng mga taga-DSWD at ng
kanilang kapitan.

_______1. Araw ng Barangay.


_______2. May paligsahan sa pag-awit.
_______3. Mamimigay ang barangay ng ayuda.
_______4. May gagawing interbyu ang mga taga-DSWD.
_______5. Tinamaan ang kanilang lugar ng epidemya
o kalamidad.

Gawain B
Muling makinig sa teksto na babasahin ng kasama sa bahay.
Ibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos
mapakinggan ang teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Araw ng Sabado, abala ang mga tao sa Brgy.


Masipag. Mayroong nagsasabit ng mga banderitas, nag-
aayos ng tanghalan para sa paligsahan, at kaniya-kaniyang
handa ng pagkain sa bawat tahanan. Maraming mga bisita
ang dumating galing sa iba’t ibang barangay. Maya-maya
ay tumugtog na ang banda, nagtipon-tipon ang mga tao
para mapanood ang magaganap na paligsahan at
kasiyahan. Pagsapit ng hapon, inanunsyo ang mga nanalo.
Masayang umuwi ang ang mga kalahok dahil sa malaking
halagang kanilang natanggap bilang gantimpala.

7
Paghinuha bago ang pangyayari.
1. Bakit kaya abala ang mga tao?
2. Ano ang mga paghahandang ginagawa ng mga tao
tuwing may mga pagdiriwang sa barangay?

Paghinuha habang nagaganap ang pangyayari


3. Sa iyong palagay, marami kayang bisitang dadalo sa
pagdiriwang?

Paghinuha pagkatapos ang pangyayari.


4. Ano sa tingin mo ang ipinagdiriwang ng mga tao
sa barangay?
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang naramdaman ng mga
nanalo sa paligsahan?

Isaisip
Punan ang patlang para mabuo ang ideya. Isulat ang sagot
sa kuwaderno.

Ang ________________ ay paghula ng maaaring nangyari,


nangyayari o mangyayari sa kuwento.

Ang paghihinuha ay ang _____________ sa maaaring


mangyari _________, _________, at __________ang kuwento
o teksto.

8
Isagawa
Gawain A
Bigyang-hinuha ang sumusunod na pangyayari. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa papel.

1. Naiwan ni Dong ang inihaw na isda sa mesa na walang


takip. Nakapasok ang pusa. Ano kaya ang susunod na
mangyayari?
A. Kakainin ng pusa ang ulam.
B. Tititigan ng pusa ang ulam.
C. Aamuyin ng pusa ang ulam.

2. Lumabas at pumila ang mga mag-aaral papuntang kantina.


Ano ang mahihinuha mo bago ang pangyayari?
A. Tumunog ang bell.
B. Nagsimula na ang klase.
C. Kumain ng meryenda ang mga bata.

3. Maraming bitbit na kendi si Gab. Makalipas ang isang oras


sumigaw siya ng “Araaay!” habang hawak ang kaniyang
mukha. Ano kaya ang nagyrari kay Gab?
A. Nadapa si Gab.
B. Nakatulog si Gab.
C. Sumakit ang ngipin ni Gab.

4. Makulimlim ang kulay ng langit. Malamig ang dampi


ng hangin sa aking mga balat. Ano kaya ang susunod
na mangyayari?
A. Iinit ang panahon.
B. Tila uulan mamaya.
C. May bagyong paparating.

9
5. Dilaw na ang mga dahon ng halaman ni Jessa sa loob ng
bahay. Ano ang posibleng mahinuha bago ang
pangyayari?
A. Nalanta ang halaman.
B. Tumubo ang halaman.
C. Nakalimutan diligan ang halaman.

Gawain B
Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Ibigay
ang iyong hinuha bago, habang, o pagkatapos ng pangyayari.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tinangay ng aso ang paboritong laruan ni Ana. Hinabol ito


ng kaniyang Kuya Lito at nakuha ang laruan. Natuwa si Ana.

2. Maaliwalas ang panahon. Naghahanda ng papel, gunting,


at pandikit sina Len-len at Pen-pen. Magpapalipad sila ng
saranggola sa bukid.

3. Paboritong kainin ni Yani ang gulay at prutas. Araw-araw rin


siyang naliligo at nag-eehersisyo. Si Yani ay lalaking malusog
at magandang bata.

4. Inihanda ni Ida ang mga damit. Pinaghiwalay niya ang


puting damit at de-kolor. Kinuskos ni Ida ang damit gamit
ang sabon at tubig. Binanlawan ito at isinampay.

5. Kumain ng saging si Juan at itinapon niya ang balat sa


daraanan. Maraming dumaraang mga bata sa kaniyang
pinagtapunan ng balat ng saging. May batang nakaapak
nito at napasigaw.

10
Tayahin
Magaling! Ipagpatuloy mo pa ang iyong nasimulan.
Piliin sa kahon ang maaari mong hinuha sa sumusunod
na pangyayari. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.

a. Nagluluto si Pedro.
b. Nilalagnat ang sanggol.
c. Mangingisda si Mang Diego.
d. Nag-aral nang mabuti si Luisa buong gabi.
e. Dumating na ang tatay ni Beth galing Japan.

_______1. Maagang bumangon si Pedro. Pumunta siya sa kusina


at maya-maya ay umuusok na ang kalan.

_______2. Dala-dala ang lambat, sumakay si Mang Diego


sa bangkang-de-motor at pumalaot sa dagat.

_______3. Madaling nasagutan ni Luisa ang pagsusulit. Pinuri siya


ng kaniyang guro dahil siya ang nangunguna sa klase.

_______4. Panay ang iyak ng sanggol na si Jed. Hindi siya


mapatahan kahit binigyan na ng gatas. Idinampi ng ina ang
kaniyang palad sa noo ni Jed at nag-alala ito.

_______5. Matagal nang nagtatrabaho sa Japan ang tatay ni


Beth. Pagdating sa bahay may nakita siyang mga pasalubong at
malaking bagahe. Tinawag siya ng isang pamilyar na boses.

11
Karagdagang Gawain

Makinig ng balita tungkol sa ulat panahon sa radyo.


Gamit ang impormasyon o datos, subukang maghinuha
tungkol sa kalagayan ng panahon kinabukasan.
Itala ang kasagutan sa kuwarderno.

12
13
Filipino (Baitang 1-10).
Department of Education. 2016. K to 12 Gabay Pangkurikulum
Mag-Aaral. Pasig City: Republika ng Korea ng Pripia Co.
Calatrava, Sancho. 2017. Bumasa at Sumulat 1 Kagamitan Ng
Quezon City: Vibal Group, Inc.
Austria, Soledad M. 2014. Bagong Filipino Tungo Sa Globalisasyon.
Alde, Amaflor. 2017. Batang Pinoy Ako. Pasig City.
Sanggunian
Isagawa
Gawain A
1. a
2. a
3. c
4. b
5. c
Gawain B
Tayahin
Pagyamanin
1. Tinangay ng aso ang laruan
2. Magpapalipad sila ng 1e
saranggola 1. x
3. Lalaking malusog at 2b 2. x
magandang bata
4. Kikuskos ni ida ang damit 3c 3. /
5. May batang nakaapak nito. 4. /
4a
5. /
5d
Suriin Balikan subukin
1.Pinpin 1. b 1. a
2. c 2. a
2.makalimutin 3. a 3. a
4. e 4. b
3.magugutom at mag-ingay ang 5. d 5. b
mga hayop
4.babaha sa bahay nila Pinpin
Susi sa Pagwawasto
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like