You are on page 1of 2

NAME: Yacap, Loreta Lea T. ABM 12 – QUARTZ DATE: Oct.

2,
2021
PILING LARANGAN
(Q1 – M1)

GAWAIN 6
“Pag-aaral Tungkol sa mga Negosyong Maaaring Itayo sa Paaralan”
ni Angelica Bangahon
Loreta Lea Yacap

Isang paraan ang pagnenegosyo sa pagpapa-usbong ng pamumuhay sa bawat mamamayan.


Ang napiling paksa ng mga mananaliksik ay ang negosyo dahil unang-una, it ay angkop na pag-
aaral para sa mga mananaliksik at upang mabigyang solusyon ang problemang hinaharap ng
mga negosyante. Ang pag-aaral na ito ay nakakatulong sa mga mananaliksik at sa mga
mayrooong interes na magtayo ng negosyo dahil makakapag-bigay ito kung ano ang tumpak na
negosyo, sapat na kaalaman sa pagnenegosyo at kaunlaran ngisang lipunan dahil sa magandang
takbo ng isang negosyo.

Sa pananaliksik na ito, nais maibatid ng mananaliksik sa mga mag-aaral ang kahalagahan


ng pag-aaral ng pagnenegosyo para sa napiling kurso at kinabukasan.

Gumamit ang mga pananaliksik ng disenyong deskriptib-analitik at sa pamamagitan ng


survey questionnaire. Makakatulong ito kung ano nga ba ang negosyong maaaring itayo sa
paaralan.

Ayon kay Gaby David (2016), “ Ang pag-aaral ng negosyo, malalaman mo kung paano
gamitin at sang-ayunan ang negosyo sa matagumpay na paraan.” At ayon naman kay Napoleon
M. Mabaquiao, Jr. (2008), “Sa pamamaraang paggmait ng Ads, ating maaakit ang mga
mamimili na tangkilikin at bilhin ang mga produktong isinusulong.”

Sa pag-aaral, matutunghayang mas gusto ng mga mag-aaral ang negosyong pang-meryenda


kumpara sa panaghalian. Mas pinili rin ng mga mag-aaral and 50-80 pesos na preyo ng
meryenda.

Para sa may planong magnegosyo sa paaralan,mas mabuting alamin kung ano ang
negosyong patok sa mga mag-aaral. Tiyakin din na malinis ang pagkakaprepara sa mga pagkain
upang mas maganahan ang mga mag-aaral na bumili.

GAWAIN 7
1. B
2. C
3. C
4. C
5. A

GAWAIN 8
Buod ng Pelikula Ang Anak
Ang istorya ay tungkol kay Josie na ginampanan ni Vilma Santos, isang ina na nagtratrabaho sa
Hongkong bilang Domestic Helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa kaniyang mga
anak nang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Binanggit niya na kaya nya ito ginagawa
upang mabigyan ng kinabukasan ang kaiyang mga anak. Kahit siya’y malayo sa kanila, tiniis nya ang
mga pagmamaltrato ng kaniyang amo at ang kaniyang pagnanais na masilayan ang paglaki ng
kaniyang mga anak na siya’s kasama.

Nagkawatak-watak ang buhay ng mga anak ni Josie simula ng namatay ang kanilang Ama.
Nagpadala ang mga anak ng sulat para sa Inang nasa Hongkong upang malaman ang nakakalungkot na
balita at nang siya’y makauwi. Sa kasamaang palad, nung handa nang umuwi si Josie ay kinulong sya
ng kaniyang Amo sa loob ng bahay dahil pupunta ang mga ito sa Estados Unidos ng isang buwan. Kahit
anong pagmamakaawa ang ginawa nya ay hindi pa rin ito tumabla. Dito nagsimulang masuklam ang
panganay na si Carla sa kaniyang Ina.

Ilang taon ang nakalipas, nakauwi si Josie sa kaniyang mga anak dahil itinigil nya na ang
pangingibang bansa at nagnanais na magtayo nalang ng negosyo kasama ang kaniyang dalwang
kaibigan. Masaya ang kaniyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Ngunit naharap
niya ang malamig na pagsalubong ng kaniyang mga anak. Hindi man lang siya nakilala ng kaniyang
bunso, si Michael na walang imik, at si Carla na walang ibang ginawa kundi itaboy ang kaniyang Ina.

Ginawa ni Josie ang lahat na kanyang makakaya makuha lang ang simpatya ng mga anak ngunit
mas lalo lang siyang pinagtabuyan ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nakikita ni Josie ang
mga bisyo at karansan ni Carla. At nalaman din niyang nawalan ng iskolarship ang anak na si Michael.
Sa sunod-sunod na problema ni Joise ay gustong nya nalang sumuko. Mas lumala pa ang alitan nila ni
Carla nag maglayas ito at mas nalulong pa sa bisyo.

Napapansin na ni Josie ang pagkaubos ng inipon niyang salapi para sa kaniyang pamilya, kaya
napilitan siyang lumabas ulit ng bansa. Isang gabi bago siya lumipad ulit paputang Hongkong, napuno
si Josie dahil sa maling pagtrato ni Carla sa kaniya. Binuhos ni Josie ang lahat lahat ng kaniyang
nararamdaman sa kaniyang tatlong anak. Pagkatapos ng alitan, namulat ang mga mata ni Karla sa
katotohanang siya ang sumira sa buhay niya. Ang kaniyang paglaki ng walang Inang gumagabay sa
kaniyang tabi ang nagwala sa kaniyang tamang huwisyo. Ngunit pagkatapos ng alitang iyon,
naintindihan ni Carla ang pagmamahal ng kaniyang Ina sa kanilang kahit hindi nila ito laging
nakakasama.

GAWAIN 4
Bionote ni Ginoong German R. Angayangay
Si German R. Angayangay ay isang Guro, Tutor, at Ama. Siya’y nakapagtapos ng kursong Bachelor
of Science in Education major in Mathematics sa Leyte Normal University, nakatanggap ng diploma
mula sa Training Program Major in Physics noong 2017, at nakapagtapos din ng kursong Master of
Arts in Instructions and Supervision – Major in Mathematics sa Eastern Visayas State University –
Tacloban City. Siya rin ay nag-kampyon sa isang Guitar Playing Competition noong siya’y nasa
Kolehiyo.

16 taon na syang nagtuturo bilang isang Mathematics Teacher sa Carigara National Vocational
School, at hanggang ngayon, doon pa rin siya nagtuturo kasama ang kaniyang asawa na isang Filipino
Teacher. Isa siyang Faculty President mula 2011 hanggang 2013, at isa rin siyang Winning Coach sa
mga Metrobank MTAP Competitions mula 2011-2019. Siya rin ay nagwagi bilang isang Regional Level
Champion sa Metrobank MTAP Parent & Child Tandem kasama ang kaniyang anak na si Earl.

Sa kaniyang bakanteng oras, siya ay humahawak ng Tutorial class mula sa dalawang


Pribelihiyong Paaralan sa Tacloban City; Ang Philippine Science at Eastern Visayas State University.

You might also like