You are on page 1of 1

Fil 3

Maikling Kwento

Gonzales, Rhu Jane D. BSED 2 Social Studies

Sukli

Sa isang bayan sa Iloilo, may isang dalagang nagngangalang Mahalia. Si mahalia ay isang
masiyahin at nag-iisang anak nina aling Pasing at tatay Rene. Noon paman ay gusto na nina
aling Pasing at tatay Rene na madagdagan ang kanilang anak, ngunit hindi na ito nakamit ng
dahil sa kanilang tumatandang edad. Dahil nag-iisang anak lang si Mahalia ay lagi siyang
napagbibigyan sa lahat ng kanyang gusto. Siya ay nag-aral sa pribadong paaralan simula
elementarya hanggang senior hayskul.

Panibagong araw at pagsubok sakanya ang pagpasok sa isang unibersidad bilang isang
kolehiyala. Siya ay kumuha ng kursong nursing sapagkat ito ang kanyang pangarap simula
nung siya ay bata pa. Naging maayos at matagumpay naman ang kanyang unang taon sa
pag-aaral nang mangyari ang ‘di inaasahang pandemya na kumitil sa buhay ng nakararami.

Madami ang nagbago simula ng dumating ang pandemyang ito; sa pamumuhay ng tao, sa
sistema ng edukasayon, sa pag-iisip at mga nakasanayan ng bawat indibidwal, hindi lamang
sa iisang bansa kundi sa buong mundo.

Malaki ang naging epekto nito sa buhay ng magpamilyang Del Rosario. Nawalan ng trabaho
si tatay Rene kung kaya’t kinailangan nilang makahanp ng pagkakakitaan para maitawid ang
kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Naging pahirapan ang paghahanap ni tatay
Rene ng bagong trabaho, kung kaya’t naisipan nalang ni aling Pasing na magtayo ng isang
sari-sari store malapit sa kanilang tinitirhan habang si tatay Rene naman ay pumapasada ng
jeep.

Maging ang pag-aaral ni Mahalia ay hindi naging madali dahil sa kakulangan nito sa mga
kagamitan para sa kanilang online classes. Bagama’t nahihirapan ay hindi ito naging hadlang
sa kagustuhan niyang makapagtapos ng pag-aaral. Naituwid niya ang lahat ng dumaang
semestre at naging consistent dean’s lister.

SIya ay nakapagtapos bilang isang magna cum laude. Hindi masukat ang tuwa na nadarama
ng mga magulang ni Mahalia ng makitang nakasuot ng toga at tumatanggap ng mataas na
parangal ang kanilang nag-iisang anak. Pagkatapos ng graduation ay kumain sila sa labas
upang magdiwang.

Pinangako ni Mahalia sa kanyang mga magulang na hindi niya ito bibiguin at mas lalo pang
pag-iigihan ang kanyang tungkulin upang masuklian ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ng
kanyang mga magulang, masaya sina aling Pasing at tatay Rene sa narinig mula sa kanilang
pinakamamahal at masipag na anak.

You might also like