You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
HONORATO C. PEREZ, SR. MEMORIAL SCIENCE HIGH SCHOOL
MABINI EXTENSION, CABANATUAN CITY

NAME: Ron Martino D. Marzan SCORE: _______________


YEAR & SECTION: 8-Amethyst DATE: 03/02/2022

QUARTER 3 – WEEK 2
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Written Work # 2

PAGSUSURI NG SITWASYON

PANUTO:
Maraming mga halimbawa o sitwasyon ng pagpapakita ng pasasalamat ang
ating narinig o nabasa. Ngunit mayroon din namang hindi marunong magpakita ng
pasasalamat. Suriin ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa pasasalamat.

1. Isang traysikel drayber na si Marlon ang nakapulot ng mahigit na P50,000 na cash at


P340,000 na halaga ng tseke mula sa upuan ng kaniyang traysikel. Sa panahon na iyon,
mahigpit ang kaniyang pangangailangan sa pera dahil ang kaniyang bunsong anak ay
nangangailangan ng dagliang operasyon. Pinag-isipan niyang mabuti ang kaniyang
gagawin. Marami sa mga kasamahan niyang nagtatraysikel ang nagsabi sa kaniya na
huwag ng ibalik at gamitin na lamang sa operasyon ng kaniyang anak. Dahil nanaig pa rin
ang turo ng kaniyang magulang at dikta ng konsensya, pinagpasiyahan niyang ibalik ang
pera at tseke sa may-ari sa tulong ng isang istasyon ng radyo. Lubos ang kagalakan ng
may-ari at pinasalamatan niya si Marlon. Pinangakuan si Marlon na tutulungan siya sa
pagpapaopera sa kaniyang anak.

2. Si Mang Tonyo ay nakikitang palakad-lakad sa daan. Siya pala ay apat na araw ng


naglalakad mula Pangasinan hanggang Maynila. Dahil sa kasalatan sa pera, ang kaniyang
asawa at mga anak ay namatay dahil sa matinding sakit. Pumunta siya sa Maynila upang
hanapin ang mga natitira pa niyang kamag-anak. Paminsan-minsan, bumibili siya ng
limang pisong kanin bilang pagkain niya sa buong araw niyang paglalakad. Kahit kulang sa
pagkain, nakikita din siyang nagbabahagi ng kaniyang kanin sa mga taong pulubi. Marami
ang naantig sa kaniyang kabutihang-loob sa kapwa. Para kay Mang Tonyo, habang
kalooban ng Diyos na siya ay nabubuhay, patuloy pa rin siyang magpapakita ng kabutihan
sa mga taong nangangailangan ng tulong.

3. Mahirap ang pamilya ni Jane. Hirap sila maging sa kanilang mga pangunahing
pangangailangan sa buhay. Napilitan ang mga magulang ni Jane na pumunta sa ibang
bansa upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Naging masuwerte naman ang
kaniyang mga magulang sa kanilang trabaho. Naibigay nila kay Jane ang lahat ng kaniyang
kailangan. Maging mga mamahaling gamit ay kaya na nilang ibigay sa kaniya. Inaasahan
ng kaniyang magulang na lalaking maayos si Jane at mag-aaral ng mabuti. Ngunit taliwas
sa kanilang inaasahan, natuto si Jane na sumama sa masamang barkada na naging dahilan
ng maagang pagbubuntis. Iniwan pa siya ng kaniyang kasintahan. Nabigo niya ang
kaniyang mga magulang na makapagtapos sa kaniyang pag-aaral.

MARIBEL M. ARCEGA/ODESSA F. DYSANGCO


Subject Teachers
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
HONORATO C. PEREZ, SR. MEMORIAL SCIENCE HIGH SCHOOL
MABINI EXTENSION, CABANATUAN CITY
4. Si Mateo ay naulila dahil sa biglaang aksidente ng kaniyang mga magulang. Dahil sa wa
ng kaniyang guro at kagustuhang makatapos siya ng pag-aaral, hinanapan siya ng taong
maaaring magpaaral sa kaniya. Isang pari sa kumbento ang nagpaaral sa kaniya hanggang
siya ay makatapos ng kolehiyo. Hindi nagging madali kay Mateo ang kaniyang
pinagdaanan dahil kailangan niya itong sabayan ng sipag at tiyaga. Nakapagtrabaho si
Mateo sa Amerika ngunit hindi niya makakalimutan ang mga taong tumulong sa kaniya
upang maabot ang mga pangarap. Bumalik siya sa Pilipinas upang pasalamatan ang
kaniyang guro at ang pari na itinuring na niyang ikalawang magulang.

5. Si Luis ay isang lumpong bata. Hindi siya nag-aaral dahil sa kahirapan. Pangarap niyang
makapaglakad, makapag-aral at makapaglaro kasama ang mga kaibigan. Ngunit dahil sa
kaniyang kalagayan, alam niyang hindi niya magagawa ito. Isang araw, isang social worker
ang nakaalam sa kaniyang sitwasyon. Inilapit niya ito sa kakilalang orthopedic surgeon
upang bigyan ng libreng operasyon para siya ay makalakad. Laking tuwa ni Luis nang siya
ay makalakad. Bilang pasasalamat sa social worker, ipinangako niya na gagamitin niya ang
kaniyang buhay nang may pasasalamat at tutulong din siya sa mga taong
nangangailangan.

Panuto: Punan ang tsart batay sa nabasang mga sitwasyon.


(20 puntos)

MARIBEL M. ARCEGA/ODESSA F. DYSANGCO


Subject Teachers
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
HONORATO C. PEREZ, SR. MEMORIAL SCIENCE HIGH SCHOOL
MABINI EXTENSION, CABANATUAN CITY
Bilang ng Pangunahing Sitwasyong Paano Paano ipinakita
Sitwasyon Tauhan Kinakaharap Nalampasan ang Birtud ng
Pasasalamat

1. Marlon at ang Pangangailangan sa Ginawa nya ng Sa pamamagitan


may Ari ng pera at pera para matugunan tamang daan ng pabalik na
tseke ang mga pag-subok ng upang pagtulong.
pamilya makatulong sa
kapwa at ang
kaniyang kapwa
ay tinulungan
siyang pabalik.
2. Mang Tonyo Kahirapan, at nagiisa Sa pamamagitan Sa pamamagitan
sa buhay. ng paghahanap ng pag-tulong sa
ng kaniyang mga kapwa. At sa
kama-anak sa pamamagitan ng
maynila. pagpapasalamat
sa panginoon
dahil siya ay
buhay at
humihinga.

3. Jane at ang Pangangailangan sa Nalampasan nila Sa pamamagitan


kaniyang mga pera at maagang ang problema sa ng pagbubuti ng
magulang nabuntis ng kaniyang pera sa pag-aaral ngunit
kasintahan. pamamagitan ng kabaliktaran ang
pagpunta ng nangyari kaya’t
kaniyang mga napasama pa ang
magulang sa nangyari.
abroad upang
mag-trabaho
4. Mateo at ang Pari Naulila sa magulang Nag-aral ng Sa pamamagitan
at walang mabuti si mateo ng pag-uwi sa
nakasamang upang makapag- pilipinas para
magulang sa kaniyang tapos at tulungan ang
pag-tanda. matulungan ang mga tumulong sa
kaniyang mga kaniya sa
tumayong kaniyang pag-
ikalawang tanda.
magulang sa
kaniya.
5. Si luis at ang Kapansan sa pag- Sa pamamagitan Sa pamamagitan
Surgeon lalakad at ng isang ng kaniyang pag-
pangangailangan ng mabuting loob na aalay ng sarili
pera. Surgeon na upang
tumulong sa makatulong sa
kanya para siya mga
ay makalakad. nangangailangan.

MARIBEL M. ARCEGA/ODESSA F. DYSANGCO


Subject Teachers
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF CABANATUAN CITY
HONORATO C. PEREZ, SR. MEMORIAL SCIENCE HIGH SCHOOL
MABINI EXTENSION, CABANATUAN CITY

MARIBEL M. ARCEGA/ODESSA F. DYSANGCO


Subject Teachers

You might also like