You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL
MANGATAREM
PANGALAN: Zandra Joy C. Bajo PETSA: December 1, 2021
TAON AT SEKSYON: STE 10-A ROENTGEN GURO: Gng. Teresita B. Manzano

I. Maikling Kuwento mula sa United States of America; Panitikan: Aginaldo ng mga Mago
Gawain 1
Ang pinakamahalagang bagay na aking natanggap ay ang aking cellphone, sapagkat malaki ang
naitulong nito sa aking pag-aaral. Espesyal ito saakin sapagkat alam kong pinaghirapan at bukal sa
kalooban ng aking mga magulang ang pagregalo nila saakin nito.

Nagawa kong isakripisyo alang-alang sa taong mahal ko ang aking kaisa-isang aso, kahit masakit sa loob
kong malayo sa akin ito, ipinaubaya ko parin ito para sa mahal ko.

Mas masarap sa pakiramdam ang magbigay lalo na’t alam mong sila’y nangangailangan kaysa
sa tumanggap na hindi naman kailangan. Masarap sa pakiramdam na makitang mayroon kang
natulungan at napasaya.
Gawain 2

Sumalagpak - Napaupo Humagulgol - malakas Humagibis - Humarurot


na iyak

Umalembong - Lumandi Halughugin - halungkatin Walang katinag-tinag -


hindi gumalaw

Gawain 3
1. Si Jim ay isang mapagmahal at maunawain na asawa, ganon din si Della na labis ang pagmamahal
sa asawa. Nagawa nilang ipagbili ang kaisa-isang mahalaga sa kanila, ang kay Jim ay ang kaniyang
relo, samantalang kay Della ay ang kaniyang buhok para magkaroon sila ng regalo sa isa’t isa, at
mapasaya nila ang bawat isa.
2. Naging suliranin ila kung ano at saan sila kukuha ng pambili ng maireregalo nila sa isa’t isa,
gayong kapos na kapos sila sa salapi. Makatuwiran din naman ang kanilang naging pasya, para din
sa pagpapasaya nila sa isa’t isa. Ang mahandugan ng regalo at maipadama ang pagmamahal nila sa
isa’t isa.
3. Ito ay ang pagbibigay halaga sa minamahal, nanaisin mong mahandugan ito ng regalo upang
maipadama mo ang pagmamahal. Ipinapakita din dito na kaya mong magsakripisyo alang-alang sa
minamahal mo.
4. Kung ito lamang ang tanging paraan para sa kaniyang kaligayahan, kaya kong isakripisyo ito, dahil
siya ay mas mahalaga sa akin kaysa sa kahit ano pa man.
5.
 Hindi lang naman sa mamahaling regalo maaaring ipakita o ipadama ang pagmamahal.
 Huwag mag hangad ng hindi kayang makamit lalo’t kapos sa salapi.
 Tunay ngang huwaran ang pagmamahal dahil kaya mong magsakripisyo para sa iyong
minamahal.
Gawain 4
1. Dahil ang mga tinaguriang Aguinaldo ng mga Mago ay mga mamahalin, mahalaga at dalisay ito.
At marapat ito ang regalo sa minamahal mo.
2. Noong panahon na bagong silang si Hesus, na pinatunayan sa Ebanghelyo ni Mateo 2: 1-12.
3. Ang paghahangad nila na magkaroon ng regalo sa bawat isa na kahit maisakripisyo nila ang
pinakamahalag sa sarili nila.
4. Naging mahinahon ang pag-uusap ng mag-asawa. Nanaig ang pagmamahalan at pagkakaintindihan
nila sa isa’t isa.
Gawain 5
1. Karaniwang nangingibang-bansa ang mga Pilipino sa kadahilanang mahirap ang buhay, at hindi
kalakihan ang mga sweldo o kaya’y maliit ang kita ng mga maliliit na negosyo na hindi sumasapat
para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng isang pamilya. Ginugusto nila ito upang mabigyan
ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya.
2. Sapagkat nais nilang bigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Hindi natin maikakaila na
mas malaki ang kinikita sa ibang bansa kumpara ditto sa ating bansa.
3. Hindi po, sapagkat sila ay matatanda na. Mas gugustuhin ko nalang sila na makasama sa aming
tabi at huwag nang lumayo pa, kaysa sila ay maghirap sa ibang bansa.

You might also like