You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
ABRA HIGH SCHOOL
BANGUED, ABRA
SUMMATIVE 4.1
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang pinapakita sa bawat sitwasyon. Isulat
lamang ang titik na katumbas nito.

A – upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao


B – upang isalba ang sarili at maiwasan ang mapahiya
C – upang protektahan ang sarili kahit na makapinsala ng ibang tao
D – upang sadyang makasakit ng kapwa
E – upang makaagaw ng atensiyon o pansin
F – upang mapasaya ang isang mahalagang tao
G – upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
H – upang makaiwas sa personal na pananagutan
I – upang matakpan ang isang suliranin na sa kanilang palagay ay seryoso o “malala”

1. Nang itanong sa guro kung sino ang hindi nahirapan sa kanilang pasulit sa Math, biglang taas
kamay ang isa sa mga makulit at mahina sa klase at sinabing hindi daw siya nahirapan at
simpleng-simple lang daw ang pasulit.
2. Ayaw mong pagalitan ka ng iyong ina dahil gabi ka nang umuwi matapos mong sumamang
gumala sa iyong mga kaibigan, kaya sinabi mong mayroon kayong ginawang proyekto.
3. Upang maiwasang maparusahan ng mga magulang dahil sa pagkakamaling nagawa sa
paaralan, sa halip na magulang ang pinapunta ay nakiusap ang isang mag-aaral sa isang
kakilala na akuin niya ang pagiging magulang nito.
4. Alam mong masasaktan ang iyong kaibigan sa ginawa ng kapwa ninyo kaibigan kaya
minamabuti mong hindi na lang ipagbigay alam ang nangyari at nang mapanatili ang mabuti
ninyong samahan.
5. Hindi sinabi ng kapamilya ang malalang sakit ng kanilang ama sa kanilang ina na nasa abroad
nagtatrabaho upang takpan ang suliraning kinakaharap ng asawa at para hindi ito mag-alala.
6. Dahil sa galit mo sa iyong kaklase, ay lilikha ka ng mga kuwentong sisira sa kanyang pagkatao
at upang makaganti ka sa kanya.
7. Nais mong bigyan ng magarbong regalo ang iyong bestfriend, kaya ninakaw mo ang pera ng
iyong nanay para makabili nito. Nang tinanong ka kung saan mo nakuha ang perang pambili
mo sa regalo, ay pinagyayabang mo pang sinabing pinag-ipunan mo ang perang pinagbili nito.
8. Minabuti mong protektahan ang iyong pangalan, kaya sinabi mong nakakuha ka ng mataas na
puntos dahil nag-aral ka talaga, kahit may nagsumbong sa iyong guro na nakakita sa iyong
nangongopya sa matalino mong katabi. Idiniin mo na ang nagsumbong ang siyang
nangongopya at hindi ikaw.
9. Nagkagulo sa loob ng classroom bago dumating ang guro. Isa ka sa nagsimula sa kaguluhang
nangyari. Tinanong kayo ng guro kung sino ang nanguna sa kaguluhang iyon. Idiniin mo ang
katabi mong hindi kasali sa gulo at nanahimik lamang na siyang nagpasimuno sa gulo.
10. Nabasag mo ang mamahaling flower vase ng iyong nanay habang nakipaghabulan ka sa iyong
nakababatang kapatid. Alam mo na kapag sinabi mong ikaw ang nakabasag nito, ay tiyak kang
pagagalitan at paparusahan. Kaya binaliktad mo ang kuwento at sinabing ang nakababata
mong kapatid ang nakabasag nito.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat numero.

11 – 14. Apat (4) na pamamaraan ng pagtatago ng katotohananayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe

15 – 22. Walong (8) pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo

22 – 26. Apat (4) na uri ng paagsisinungaling

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

JONALYN B. BESIDAS LUZ V. MILLARE


Subj. Teacher MT II/OIC VE Dept

You might also like