You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL
MANGATAREM

PANGALAN: Zandra Joy C. Bajo PETSA: Septyembre 15, 2021


TAON AT SEKSYON: STE 10-A ROENTGEN GURO: Gng. Teresita B. Manzano

I. Ang Tusong Katiwala


PALAWAKIN AT UNAWAIN NATIN
1. Kung siya naman ay matagal nang nanunungkulan saamin bibigyan ko pa siya ng pagkakataon,
uusisahin ko siya kung bakit nga ba niya ito nagawa, at sasabihang kung siya’y may problema
ay sabihin lamang niya at titignan ko kung hanggang saan ang aking makakayang maitulong at
huwag nang gumawa ng hindi kanais-nais.
2. Pinapatunayan niyang kaya niyang magbago at bumawi sa naging pagkakamali niya. Matanggal
man siya sa kaniyang tungkulin may tatanggap parin sa kaniya sapagkat gumawa pa rin ito ng
kabutihan sa bandang huli at pinuri pa siya ng kaniyang amo sa katusuhang ipinamalas nito
bagamat ito’y hindi magandang gawain siya’y naging matalino.
3. Opo siya’y aking tatanggapin sapagkat wala naman akong karapatang manghusga ng tao,
bibigyan ko siya nang isa pang pagkakataong magbago.
II. Mensahe ng Butil ng Kape
PALAWAKIN AT UNAWAIN NATIN
1. Kailangan kong sundin o gawin ang anu mang ipagawa ng aking mga magulang dahil sa nakikita
kong paghihirap nila para maitaguyod an gaming pamilya. Ito’y magiging inspirasyon ko upang
magsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at mabigyan ng maginhawang kinabukasan ang
aking pamilya.
2. Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at ‘di natitinag, ngunit ito pala’y malambot at mahina
nang mailahok sa kumukulong tubig o sinubok ng problema. Ang itlog nama’y puti at may
manipis na balat upang protektahan ang likido na sa loob na nangangahulugan ng kabaitan ay
naging matigas matapos mapakuluan o sinubok ng problema. Samantalang ang butil ng kape ay
natunaw nang mailahok sa kumukulong tubig, ngunit ka palit nito ay karagdagang sangkap na
nagpapatingkad dito, na nangangahulugan na ano mang pagsubok sa buhay ay kakayanin natin
itong malampasan.
3. Kahit ano mang pagsubok at problemang duman saatin ay lagi nating isa-isip na malalampasan,
magpakatatag tayo sa mga suliranin, maging positibo tayo sa mga dulot na ‘di magandang
pangyayari sa buhay Pagsumikapan nating magtagumpay. Gawain nating motibasyon ang bawat
pagsubok upang tayo mismo ang makaresolba nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN
MANGATAREM NATIONAL HIGH SCHOOL
MANGATAREM

PANGALAN: Zandra Joy C. Bajo PETSA: Septyembre 15, 2021


TAON AT SEKSYON: STE 10-A ROENTGEN GURO: Gng. Teresita B. Manzano

PERFORMANCE TASK
SINO AKO?

Masasabi kong ako ang butil ng kape sapagkat nang may dumating na
pagsubok sa aking buhay hinarap at napagtagumpayan ko ito.
Noong mga panahong na ospital ang aking ama siya ay nagkaroon ng
malubhang sakit. Naiwan kami ng aking dalawang kuya sa aming tahanan.
Bukod sa pag-aalala sa kalusugan ng aking ama, nahirapan din kami sa
paghahanap ng pera upang pambayad sa ospital. Bilang isang bunso at nag-
iisang babae naging mahirap para saakin na pumalit bilang isang ina sa mga
aking kuya. Hindi ko rin mapigilan ibuhos ang aking emosyon. Ngunit nang
humingi ako sa Panginoon ng tulong upang palakasin ang aking loob,
nagsimula akong maging matatag, nagsumikap akong magawa ang mga
gawaing bahay nang hindi ina-alintala ang aking emosyon. Sa tulong ng
Panginoon, gumaling ang aking ama, nagpapasalamat ako sa mga tumulong
saaming malagpasan ang pagsubok na iyon.
Ngayon, ako nga ba’y maihahalintulad sa butil ng kape? Opo sapagkat
hindi ako nagpatinag at buong puso kong hinarap, naging malakas at
metatag ang aking loob, naging maakas din ang pananalig ko sa Diyos. Kaya
ikaw, huwag kang susuko kalian man sapagkat sabi nga nila “Kapag sumuko
ka, Talo ka!” magpakatatag tayo at humingi ng tulong sa Panginoon.

You might also like