You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

Cerio S. Acquiatan Abril 28, 2018


MAEdFil Dr. Felipa Reyes

PAGSUSURING PANGNILALAMAN NG MAIKLING KWENTONG


SI AMA ni EDGARDO M. REYES

1. TAUHAN AT KARAKTERISASYON
Ama
-may kakaibang ugali
“Si Ama ay may ugaling kanyangkanya isang dahilan upang
siya'y maging malimit na paksa ng usapan.”

-isang responsibleng ama at mabuting asawa.


“Bago mamanhikan si Ama ay nagpundar muna siya ng bakuran
at bahay Napagtapos niya ang kanyang apat na ngaun ay titulado.”

-Istrikto at may paninindigan.


“Sa kanya'y walang bata-bataris. Mapapahiya sa kanya ang
sinumang makikihingi ng balde. Dapat siyang bayaran ng bayad na sa
palagay niya'y katumbas ng kanyang ipinagtrabaho. Hindi siya
napababataris at hindi naman nambabataris Si Ama ay hindi
nagungutang at hindi rin mauutangan. Uli-uli, ke mamatay kayo sa
gutom, huwag kayong mangungutang. Ang problema nati'y problema
natin, huwag n'yong idamay ang mga kapitbahay. Hala, palitan mo ang
kinuha mo ke Iska patubuan mo ng sandakot.

Ina
-Tapat at masunuring asawa.
“Minsan, sa awa ko, ay nilihim ko si Ina. Inaabutan ko ng pera si
Ina, ngunit iyon ay ayaw niyang kunin. Magagalit ang ama mo, sabi ni
Ina. EH di huwag po n'yong sabihing binigyan ko kayo, sabi ko. Hindi ko
magagawa, anak, sabi ni Ina. Hindi nga niya malalaman, pero ang
kaso'y di ko kayang maglihim sa kanya. di ko kayang magtago ng
anuman sa kanya.”

Ingkong
-Larawan ng isang istriktong ama.
“Nagalit si Ingkong, ang pamalita'y hindi sila makapapanhik
maski kailan. Itaga raw iyon sa bato. Sinubok nilang pumanhik itinaboy
sila ng mura. Sinubok uli nila nang may apo na (si Ate Maring) sa kanila
si Ingkong minura sila nang kaunti ngunit murang mura-murahan
nakapagmano sila.

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 1
This study source was downloaded by 100000851312883 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:17:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30555073/PAGSUSURING-PANGNILALAMAN-NG-MAIKLING-KWENTONGdocx/
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

Ate Maring
-responsableng at kaisa-isang anak na babae.
“Panganay na anak na katulong ng kanyang ina sa gawaing
bahay, nakatapos at naging maestra sa haiskul”.

Kuya Selmo – pangalawang anak, empleyado sa banko


Dikong Ige - pangatlong anak ,kimiko sa habihan ng tela
Tgapagsalaysay – bunsong anak
“Apat kaming anak Si Ate Maring, si kuya Selmo, si dikong Ige, at
ako, at kami'y katukatulong niya sa talyer. may oras kami para sa laro,
may oras para sa iskuwela, may oras na ukol sa pagtatrabaho”.

2. TAGPO
Kanilang tahanan sa baryo

2.1. Paano ipakikita ang lunan at panahon?


Pambihira para sa isang baryo ang karamihan ay mga pamilyang
magsasaka na swerte na sa sampung bata ay may isang makatapos
man lamang ng high school. (ipinakikita lamang na may kahirapan ang
isang lugar)
2.2. Paano iparirinig ang lunan at panahon?
Wala na ang dating bilis niya sa pagsisinsil ng lata, ang dating
bilis niya sa paghihinang. Maluwag na ang balat sa maugat niyang
bisig at parang mabigat na para sa kanya ang soldador, ang istanyo.
2.3. Paano ipararamdam ang lunan at panahon?
Lumakas ang hangin, walang lubay ang ulan ang balita'y may
bagyo. Sa takot ni Ina na baka ibuwal ng bagyo ang aming bahay ay
tumawag siya ng isang kapitbahay at pinadagdagan ang serga ng
aming bahay. Nang umuwi si Ama ay napansin agad niya ang bagong
serga.

3. BANGHAY
3.1. Uri ng Banghay na ginamit.
baliktanaw
3.2. Eksposisyon o Panimulang Galaw
Sa simulay isinalaysay ng bunsong anak ang pag-uugaling
taglay ng kanyang ama na nabatid niya ayon sa mga narinig mula sa
kanyang ina at mga kapit bahay. Ang ginawa niyang sakripisyo para sa
mga kapatid bago siya nakapag- asawa. Isinalaysay din ang kwento ng
pag-iibigan ng kanyang mga magulang.
3.3. Komplikasyon o Tumitinding Galaw
- Saglit na kasiglahan
Nakapag-aral silang apat na magkakapatid, naitaguyod sila sa
hangang sa makatpos ng kolehiyo at maging mga titulado. Sa

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 2
This study source was downloaded by 100000851312883 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:17:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30555073/PAGSUSURING-PANGNILALAMAN-NG-MAIKLING-KWENTONGdocx/
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

pamamagitan ng paglalatero na kung saan silang tatlong


magkakapatid na lalaki ang kinatulong ng kanilang ama. May oras para
sa pag-aaral at may oras sila para sa pagtatrabaho.
- Suliranin
Dumating ang pagkakataon ng hindi nila maintindihan ang kanilang
ama dahil sa ugali nito. Ni ayaw nitong umasa o tumanggap ng pera sa
kaniyang mga anak, gayundin ang kanyang ina. Sa kabila ng kanilang
kakayahang buhayin at bigyan ng magandang buhay ang kanilang
magulang ay wala silang magawa dahil sa prinsipyo at paninindigan ay
hindi nila maibigay ang maayos na pamumuhay.
3.4. Kasukdulan o Rurok
Yumao ang kanilang ama at nang mabalitaan nila ito ay
pinaplano nila ang isang maranyang libing. Ang kaginhawaan hindi
niya naranasan ng ito ay nabubuhay pa . planado ng magkakapatid
ang mga gagawin sa kabaong, sa burol at ang mga gagastusin.
3.5. Kalinawan o Kakalasan
Hindi pumayag ang kanilang ama dahil ang kahilingan nitong
magkaroon ng simpleng libing na kung saan ang gagamiting pera ay
ang perang naipon lamang nilang mag-asawa ang gagastusin sa
kaniyang libing. Simpleng kasuotan at simpleng burol at kabaong
lamang.
3.6. Wakas
Hanggang sa huling hantungan ng kanyang ama ay dala nito ang
kanyang paninindigan at ang pagiging simpleng tao lamang. Hindi nila
nagawa ang kanilang nais sa libing ng kanilang ama.
4. DIYALOGO
Direktang Diyalogo ang ginamit sa kwento
“Mabuti, sabi ni Ama.”
“Eh, sino'ng pinagkabit mo nire?”
“Si 0meng” sabi ni Ina.
“0, e, magkano'ng ibinigay mo?
Atubili ang sagot ni Ina “Nalimutan ko, e.”
Nagalit si Ama. “Naghirap 'yong tao'y di mo binayaran? Hala, padalhan
mo ng sampiseta”.

5. PANAUHAN
Unang panauhan- sa pagsasalaysay ay makikita ang paggamit ng mga
panghalip na ako, ko , amin, namin at kami.

6. TUNGGALIAN
Tao laban sa tao
“Si Ama ay may ugaling kanyangkanya isang dahilan upang
siya'y maging malimit na paksa ng usapan.” Marami ang naiinggit sa
kanilang pamilya.

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 3
This study source was downloaded by 100000851312883 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:17:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30555073/PAGSUSURING-PANGNILALAMAN-NG-MAIKLING-KWENTONGdocx/
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

“Sa naging kapalaran namin, nindi lahat ay pumupuri kay


Ama, nariyan din ang mga pumupula. Kuripot kasi, e. Walang kapwa-
tao. Animo'y kung sinong Poncio Pilato.”
7. TEMA
-Pagiging isang responsableng asawa at magulang ng iyong mga
anak na hindi umaasa sa tulong ng ibang tao. Pagkakaroon ng sariling
pagpapasya at may paninindigan sa buhay.
8. TEORYANG GINAMIT
Teoryang Eksistensyalismo
-ipinakita dito ang isang tauhan na kung saan Malaya niyang
pinili ang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang kalayaang piliin kung ano
ang nais niyang mangyari sa kaniyang buhay siya ay responsible sa
magiging resulta ng kaniyang pasya.

“ANG GILINGANG BATO” ni EDGARDO M. REYES

1. TAUHAN AT KARAKTERISASYON
Ina / Trining
-isang madisiplinang ina.
"Di mo dapat ikahiya'ng paghahanapbuhay," sabi niya.
Inulit niya ang pangaral na ito sa aking mga kapatid kinagabihan.
"Ayoko ng ikahihiya ng sinuman sa inyo ang hanapbuhay natin.
Hindi tayo nagnanakaw. Pinaghihirapan natin 'to!"
-isang matiyaga at masipag na ina. Kilalang
magpuputo.
Sa abot ng kanyang kaya ay nagawa niya ang
pinakamabuti para sa kanyang mga anak. Bukod sa pagdakila ng
kanyang mga anak, siya'y pinupuri ng mga nakakakilala. Sa San
Fermin, ang anak ng isang kutsero ay maaasahang magiging
isang kutsero din. Ngunit kami, apat kaming nakapag-aral at ang
ikalima'y dapat sanang nakapag-kolehiyo din kung di lamang sa
isang kakulangan. Bihirang ina ang makagagawa ng nagawa ni
Ina.
Bunso
-Tagapagsalaysay, hindi siya nagpapakita ng kahinaan sa
kanyang ina kahit na naghihirap at kinakapos sa pera ay hindi
nagpapakita ng kakulangan sa kanyang ina. Siya rin ang
tumutulong sa pagtitinda ng gurgorya
Ate

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 4
This study source was downloaded by 100000851312883 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:17:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30555073/PAGSUSURING-PANGNILALAMAN-NG-MAIKLING-KWENTONGdocx/
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

-Kasama ng kanyang kuya sa pagtitinda ng bibingka at


puto-bumbong.
Nakatapos siya ng kursong Edukasyon.
Kuya
-Panganay na anak na nakatulong sa pagtitinda at
pagtataguyod sa mga kapatid, nagtapos ng Komersyo, ngunit
umaasa pa rin sa ina.
Ditse
-Kapatid na babaeng hindi nakatapos ng pag-aaral dahil
may kapurulan ang ulo.
-Tanging naiwang kasama ng kanyang ina sa pagtitinda ng
kakanin sa palengke.
Diko
-Kapatid na nakatulong ng ina sa pagtitinda ng butse at
palitaw sa palaruan ng pool sa bayan at tuwing sabado at lingo
sa harap ng sabungan.
-Nakapagtapos ng kursong vocational, radio technician,
ngunit patuloy pa ring umaasa sa ina.

2. TAGPO
San Fermin- probinsyang kanilang kinalakhan
2.1. Paano ipakikita ang lunan at panahon?
Ipinakita ang San Fermin bilang isang lugar na sakahan.
Sa San Fermin, ang anak ng isang magsasaka ay
maaasahang magiging isang magsasaka rin, ang anak ng isang
kutsero ay magiging kutsero rin.

3. BANGHAY
3.1. Uri ng Banghay na ginamit
Karaniwang Banghay
3.2. Eksposisyon o Panimulang Galaw
Isinalaysay ng bunsong anak na lalaki ang buhay ng
kanilang pamilya. Ayon sa tagapagsalaysay ay nagisnan na
nilang limang magkakapatid (si ate, kuya, ditse, diko at sya) ang
gilingang bato na gamit ng kanyang ina. Ito ang gilingang batong
ginagamit sa paggawa nila ng putong minana pa kay Impo.
Namatay ng maaga ang kanilang ama at ang kanilang ina na ang
nagtaguyod sa kanilang magkakapatid.
3.3. Komplikasyon o Tumitinding Galaw
- Saglit na kasiglahan
Ngunit biglang-bigla ang pagkamatay ni Ama.
Nakaramdam ng naninigid na pananakit sa puson at
pamamanhid sa paligid ng pigi, inakalang iyon ay kung ano
lamang na titigil din nang kusa, at nang oumayag na pahatid sa
ospital (nang panahong iyon ay mayayaman lamang ang
karaniwang nagpapaospital) sa kabisera ay huli na; mula sa San

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 5
This study source was downloaded by 100000851312883 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:17:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30555073/PAGSUSURING-PANGNILALAMAN-NG-MAIKLING-KWENTONGdocx/
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

Fermin hanggang sa kabisera ay dalawang oras na paglalakbay


sa karitela, at sa daan pa lamang ay sabog na ang apendisitis.
- Suliranin
Sa pagkamatay ng kanilang ama ay nagtulong tulong ang
magkakapatid sa pagtataguyod ng kanilang pamilya, subalit
dumaan sila sa ilang pagsubok tulad ng:
Natatandaan ko na minsan ay napaaway ako sa aking
paglalako ng gurgorya. Dalawang bata ang nakisabay sa lakad
ko, at tuwing itatawag ko ang aking tinda ay ginagagad ako.
Nakipagbabag ako dahil doon. Umuwi ako nang ngumangalngal,
dumurugo ang bibig, may kalmot sa leeg at sa pisngi.
Nagsumbong ako kay Ina, ngunit ako ang kanyang sinisi. Hindi ko
raw dapat pinansin ang panunukso, at lalong hindi raw nararapat
na makipagbasag-ulo ako nang dahil lamang doon. Pinadapa
niya ako, tatlong sunod na pinalo ng patpat.
3.4. Kasukdulan o Rurok
Naging maayos ang kanilang buhay. Sa abot ng kanyang
kaya ay nagawa niya ang pinakamabuti para sa kanyang mga
anak. Bukod sa pagdakila ng kanyang mga anak, siya'y pinupuri
ng mga nakakakilala. Sa San Fermin, ang anak ng isang kutsero
ay maaasahang magiging isang kutsero din. Ngunit kami, apat
kaming nakapag-aral at ang ikalima'y dapat sanang nakapag-
kolehiyo din kung di lamang sa isang kakulangan. Bihirang ina
ang makagagawa ng nagawa ni Ina. Ngunit dumarating ang
pagkakataon na ang mga kapatid niya ay kinakapos at lahat sila
ay tumatakbo parin sa kanilang ina. Pilit niyang itinago ang
kakapusan ng pera sa ina dahil ayaw na niyang gambalain pa ito,
dahil sa patuloy pa rin itong natatrabaho sa kabila ng katandaan.
3.5. Kalinawan o Kakalasan
Nang pumanaw ang kanilang ina ay marami ang papuring
narinig nila sa kanilang ina. Nang mailibing at makauwi sa bahay
ay napg-usapan bilang tradisyon na pag-usapan ang mga
pamana at pumili sila ng ilang mahahalagang bagay na kanilang
kukunin, mula sa bahay at bakuran na nakuha ni ditse gayundin
an gang alahas. Ang hikaw na kinuha ni Kuya, bestida kay ate,
bulsikot ng ina kay diko at ang larawan ng ikinasal ang pinili ng
bunso.
3.6. Wakas
Pagkaraa'y kanya-kanya nang pagpapaalam sa mga
maiiwan, dala ang kanya-kanyang inaring pinakamahalagang
alaala ng yumaong magulang.
4. DIYALOGO
Gumamit ng direktang diyalogo
"Sino ba naman ang nagpapagawa pa sa inyo?" tanong ko.
"Isang taga-Kamyas. Naimporta. Panregalo daw sa
binyagan."

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 6
This study source was downloaded by 100000851312883 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:17:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30555073/PAGSUSURING-PANGNILALAMAN-NG-MAIKLING-KWENTONGdocx/
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

"Hindi na kayo dapat pang tumanggap ng trabahao. At


sila . . . hindi ba nila nakikita na sa edad n'yong 'yan e
kawawa naman kayo kung pagtatrabahuhin pa?"
"Kaya ko 'yan."
(nagpapakita ng katatagan ng ina, sa kabila ng kanyang
katandaan)
5. PANAUHAN
Unang panauhan
Sa pagsasalaysay makikitang ang paggamit ng mga
panghalip na ako, ko, amin, namin at kami. Ang nagsasalaysay
ay bahagi ng pamilyang inilalahad.
6. TUNGGALIAN
Tao laban sa kanyang sarili
-Ipinakita ito ng noong nagtitinda sila ay nahihiya pa sila sa
ibang tao, hanggang sa napaaway pa nga ang pangunahing
tauhan.
-Ang pagsisinungaling niya sa kanyang ina tungkol sa
kakulangan nya ng pera.

7. TEMA
-Pagiging isang dakilang ina at responsableng mga anak na hindi
umaasa sa tulong ng ibang tao. Sa kabila ng kakulangan ng haligi ng
tahanan at naitaguyod nila ang kanilang pamilya.
-Pagpapahalaga sa bagay na importante sa ating mahal sa
buhay. Napansin ko lang na hindi nila nabigyang pansin ang isang
bagay na gintong pamana ng kanilang ina na siyang naging
kasangkapan upang sila ay maitaguyod “ang gilingang bato”.

8. TEORYANG MAAARING GAMITIN BILANG SANDIGAN SA


PAGSUSURI

Feminismo
-Bumasag sa steryotipikong ina na umaasa sa kanyang asawa
-Nagawang mapag-aral ang anak kahit na wala na siyang asawa
Moralistiko
-Hindi nabigyang halaga ang naiwang gilingang baton a kanilang
ina.

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 7
This study source was downloaded by 100000851312883 from CourseHero.com on 09-04-2022 02:17:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30555073/PAGSUSURING-PANGNILALAMAN-NG-MAIKLING-KWENTONGdocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like