You are on page 1of 11

GORDON COLLEGE

Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City


Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

BANGHAY – ARALIN SA FILIPINO

Paaralan Gordon Heights National Baitang/Seksiyon/ G10-Confucios – (6:15-7:05


High School Oras/Klasrum Blg. am,
Blg 1, Room 3)
G10-Pastuer (7:05-7:55 am,
Blg 3, Room 5)
G10-Darwin (7:55-8:45 am,
Blg, Room 4)
G10-Levi Celerio (9:50-10:45
am, Blg 8, Room 2)
Gurong Luwel P. Maceriano Asignatura Filipino
Nagsasana
y
Petsa March 11-12, 2024 Markahan III

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
Pangnilalaman pagpapahahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa at
Persia
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan
Pagganap ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
C. Mga Kasanayan sa F10WG-IIId-e-74
Pagkatuto -Nabibigyang-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa
akda

II. NILALAMAN
A. Paksa 3.4
Panitikan: Ang Alaga(Maikling kwento sa East Africa)
ni Barbara Kimenye
Isanalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
B. Kagamitan PPT, TV, Laptop, at chalk.
C. Sanggunian Fill book 10
Page 291-296

III. PROSESO NG PAGKATUTO


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pabati sa Klase
Magandang Buhay Mabuting tao po kami.

2. Pagsasaayos ng Klase
Bago kayo umupo ay ayusin niyo ang hilira (Tahimik na pinulot ang mga kalat)
ng inyong mga upuan at pulutin ang mga
kalat sa ilalim. Tahimik na nanalangin ang lahat sa
pangunguna ng kanilang kamag-aral.
Panalangin:
Tumawag ng isang mag-aaral upang
manguna sa kanilang panalangin.

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

3. Pagtatala ng Liban sa Klase


Tatawagin ang pangalan at sumagot lamang
ng “Narito po Sir” kung kayo ay present, at
pag-absent naman ang inyong kamag-aral ay
sabihin lamang sakin na “absent po sir”.
Nauunawaan po ba?
Opo Sir!

B. PAGBABALIK-ARAL (Opsiyonal)
Istratehiya:
C. PAGGANYAK
Istratehiya: #Litrato-Hinuha

“Litrato ng Kaisipan, Kaalaman


ang Bunga”

May ipapakita ako sa inyo na apat na (Tahimik na nakikinig ang buong klase)
larawan na mga kilalang alaga(pet) na hayop
sa ating bansa. Pipili lamang kayo sa mga
larawan kung anong alaga ang mayroon kayo,
ipapaliwanag niyo lamang sa harap ng klase
kung bakit yun ang pinili mo at gaano ito
kahalaga sa buhay mo. Naunawaan po ba?

Naunawaan po Sir!

Mga Larawan:

1.Pusa

Sir! Kaya po pusa ang aking napili, dahil


mayroon po akong pusa na regalo ng aking
magulang sa aking kaarawan. Napakalambing
po Miming at napakulit po. At dahil din po sa
alagang makulit ay nawawala ang mga

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

problema na iniisip ko at napapalitan ng


ngiti.
Kaso madalas niyang sinisira ang mga paper
work ko.

2.Aso

3.Parrot
Sir! Kaya po aso yung Napili ko, dahil po
mayroon po kaming mga alagang aso sa
bahay. Ang kukulit po nila Sir. Dahil po sa
tuwing uuwi ako lalabas palaging humahabol
at hinihila ang damit ko kaya nasisira, ganon
pa man sila napakalambing at maharot. Kaya
mahal na mahal ko ang mga alaga ko na yun,
dahil parang kapatid ko na rin sila. Sa totoo
nga Sir, mas masarap pa ulam nila keysa
sakin.

4.Baboy

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Sir! Ang aking alaga naman po ay baboy,


iniregalo po ito sakin ng aking tita nong aking
kaarawan. Sabi po niya alagaan ko raw po at
kapag lumaki na daw. Ito raw ang magiging
handa sa susunod kong karawaan. Nong una
po ay di ako natuwa sa regalo sakin, dahil po
Nakatutuwa naman pakinggan ang mga mas inaasahan ko pong gadget o aso po ang
storya niyo tungkol sa mga mahal niyong ibibigay sakin. Ngunit nong napatagal na po
alaga. Nakita ko kung gaano kahalaga sa inyo nang inaalagaan ko si Biboy pangalan po ng
ang mga alaga niyo, dahil naging party na rin biik na binigay sakin, nagustuhan ko pa siya
sila ng inyong pang araw-araw na dahil sa bukod may taga-ubos kami sa mga
pamumuhay at lalo ng inyong pamilya. Tama natitirang pagkain at gulay, nagiging unan ko
ba? pa po siya dahil sa laki niya. Naging party
narin po siya ng pamilya namin kung saan
malaya itong nakakagala sa loob ng bahay
namin at subrang cute po niya.
Ano kaya kaugnayan nito sa ating paksang
tatalakayin?

Tama! Tungkol ito sa kwento ng isang tao na


binigyan ng alaga. Sa tingin niyo ano kayang
alaga ang binigay sa taong iyon? Batay sa
apat na larawan na pinakita ko.

Tama! Ang ibinigay sa kanyan ay biik. Sa una


ay hindi niya ito na gustuhan, pero nong Opo Sir!
tumgal na ay napamahal sa kanyan ang
alagang biik.

Sir! Tungkol po ba sa mga alaga?

Sir! Biik po ba?


D. PAGHAHAWAN NG SAGABAL (Opsiyonal)
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Istratehiya:#Paglinang ng Talasalitaan

“Pang-unawa’y palawakin, Kaisipan


ay Sanayin”

Panuto: Ibigay ang kahulugan sa mga


sumusunod na sa salita at gamitin ito sa
isang pangungusap.

1.Gugulin
Ngayon ay gugulin niya ang kaniyang buhay
sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog sa
kalsada.

2.Naninimot

Maging si kibuka ay naninimot sa sarili


niyang mga pagkain maibigay lamang sa
alaga niyang baboy.

3.Nagtatampisaw

Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-


kalansanda sa ilog.

4.Namamayani
Ang pagmamahal sa alagang baboy ang
namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagnili.

5.Tumilapon
Si kibuka, ang alagang baboy at ang drayber
ng isang motorsiklo ay tumilapon sa iba’t
ibang direksiyon.

6.Naghahalukay

Habang naghahalukay sa kumpol ng mga


sanga ang alagang baboy, isang di
inaasahang panngyayari ang naganap.

Ang mga salita na ginamit niyo sa isang


pangungusap ay makakatulong sa inyo upang
mas lalong maunawaan ang akdang ating
papakinggan.

Opo Sir!
E. PAGTALAKAY SA ARALIN

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Istratehiya:#TulaTunghayan

“Manuod at matuto, Tula ay


Tunghayan mo.”

Bago natin panoorin ang maikling kwento na


pinamagatan “Ang Alaga ni Barbara
Kimenye” na isinalin sa Filipino ni Prof.
Magdalena O. Jocson. Narito ang mga tanong (Tahimik na nakikinig ang mga mag-aaral)
na makakatulong sa inyong upang lalong
maunawaan ang maikling kwentong
papakinggan.

Gabay na tanong:
1.Sino ang pangunahing tauhan sa akda?
Magbigay ng isang kalakasan at kahinaan ng Binasa ng lahat ang mga sumusunod na
pangunahing tauhan. gabay na tanong.

2.Batay sa mga pangyayari sa akda, paano


mo ilalarawan ang isang alaga nang may
pagpapahalaga?

3.Ano ang suliranin nangingibabaw sa akda?


Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa
Lipunan.

4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong


nabasa?

5.Ano ang damdaming nangibabaw sa


maikling kwentong iyong napakinggan o
nabasa?

6.Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa


akdang iyong binasa? Ipaliwanag.

7.Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang


may-akda, paano mo ito wawakasan?
Isalaysay.

Ngayon ay pakinggan na natin ang Maikling


Kuwento na pinamagatan“Ang Alaga ni
Barbara Kimenye” na isinalin sa Filipino ni
Prof. Magdalena O. Jocson.

Link: "ANG ALAGA" |MAIKLING KWENTO NG AFRICA|


Isinulat ni BARBARA KIMENYE | ARALIN SA FILIPINO 10
(youtube.com)

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Gabay na tanong:
1.Sino ang pangunahing tauhan sa akda?
Magbigay ng isang kalakasan at kahinaan ng
pangunahing tauhan.
1.Ang pangunahing tauhan po ay si Kibuka,
siya ay matapat o marangal sa kanyang
trabaho at magpagmahal na lolo. Ang isa
kanyang kahinaan ay labis niyang minahal
ang kanyan alaga kung saan napabayaan
niya ang kanyang sarili na alagaan.

2.Batay sa mga pangyayari sa akda, paano


mo ilalarawan ang isang alaga nang may
pagpapahalaga? 2.Para po sa akin ang alaga ay hindi lang
basta alaga kundi maituturing din natin
silang parti ng ating pamilya na kapag
nasaktan ay nasasaktan rin tayo.

3.Ano ang suliranin nangingibabaw sa akda?


Iugnay ito sa pandaigdigang pangyayari sa
Lipunan. 3.Isa sa mga naging suliranin ng kwento ay
ang pagpapakain ni Kibuka sa alagang baboy,
dahil ng lumaki ito ay hindi niya kayang
pakainin, kung saan nga ay sinisimot niya
ang kanyang sariling pagkain upang may
maipakain lamang sa alaga at napilitan na rin
siyang manghinge ng matoke sa kaniyang
mga kapitbahay.Isa pa sa mga suliranin ay
mas inuuna niya ang kaniyang alaga keysa sa
sarili niya na kahit nagkakaroon na siya
sakit. Maihahalintulad natin ito sa ating
Lipunan ngayon kung saan ay karamihan sa
mga tao o Kabataan ay nag aalaga ng hayop
na hindi naman kayang ibigay ang
pangangailangan nito. Kung saan nga nag
alaga lamang upang makisabay lamang sa
uso, pero katagalan ay pinapabayaan na nila
ang kanilang mga alaga na pagala-gala sa
mga kalye. Kung saan nagiging bunga ito ng
aksidente sa ibang tao.

4. Paano ka naapektuhan ng akdang iyong


nabasa?
4. Dahil sa naging nangyari sa kay Kibuka at
sa kanyang alagang baboy. Kung saan sa
bandang dulo ng kwento ay hindi maisip na
Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve
GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

mawawala ang kaniyang alaga na nakasama


ng napakatagal. Magiging malungkot na uli
ang kanyang mga araw at gabi, dahil wala ng
baboy na hihiga sa kanyan paanan at
magpapasama upang maligo sa ilog.

5.Ano ang damdaming nangibabaw sa


maikling kwentong iyong napakinggan o
nabasa?
5.Ang damdaming nangibabaw sa maikling
kwento ay ang labis na pagmamahal ni
Kibuka sa kanyang Alagang Baboy. Na hindi
lubos maisip na darating din ang panahon ay
magpapaalam din ito sa kanya.

6.Masasalamin ba ang kultura ng Africa sa


akdang iyong binasa? Ipaliwanag.

6.Opo, dahil pinakita rito ang pagiging


matulungin ng mga taga-aprika sa mga
nangangailangan ng tulong. Ipinakita rin dito
ang pagmamahal nila sa kanilang trabaho at
pagmamahal sa kanilang mga alagang hayop
na kung saan tinuturing nila itong bahagi ng
kanilang pamilya.

7.Naibigan mo ba ang wakas? Kung ikaw ang


may-akda, paano mo ito wawakasan?
Isalaysay.

7.Opo, Kung ako ang gagawa ng wakas ay


ganito ang mangayayri. Ililibing kibuka ang
kanyang namatay na alagang baboy at
nakiramay sa kanya ang kanyang mga
kapitbahay na siya ring nagpakain dito. Mas
maganda ang ganitong wakas sapakat hindi
kinain ni kibuka ang alagang baboy na
minahal niya.

Magaling! Lahat ng inyong naging sagot ay


tama at halatang kayo ay nakikinig sa
maikling kwento n amula sa Uganda.
F. PAGLALAPAT
Istratehiya: #Reali-Say-siyon

“Sabihin ang natutunan, bigyang opinyon


at katotohanan”

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

(Mga Inaasagang sagot ng mga mag-aaral)

1.Magbigay ng isang aral na nakita mo sa


maikling kwento na iyong napakinggan, Na
maari mong maihalintulad sa iyong naging
karanasan sa pag-aalaga ng hayop.

Sir! Isa mga nakitang kong aral ay yung labis


na pagmamahal ni Kibuka sa kanyang
alagang baboy. Maihahalintulad ko rin po ito
sa aking karanasan, dahil mayroon po akong
alagang aso na pinalaki namin, makulit po
siya at malambing sa tuwing uuwi ako ng
bahay ay siya agad ang unang sumasalubong
sakin. Isang araw po may pangyayari po na
hindi inaasahan nakalabas po ng bahay yung
alagang aso namin at nasagasahan po ito ng
motorsiklo. Ito po ang naging dahilan ng
kaniyang kamatayan na labis kong
ikinalungkot.

Sir! Ang aral na makukuha sa kuwento ay


ang pagpapahalaga sa bawat pagkakataon ng
ating buhay gayundin sa mga bagay na
mayroon tayo sapagkat ang oras ay limitado
lamang.

Lahat ng inyong ibinahagi ay tama at batay sa


inyong sariling karanasan, ikinalulungkot ko
kung may mga pangyayari na hindi natin
inaasahan sa ating buhay. Ganon pa man ay
dapat natin itong tanggapin, dahil may
dahilan kung bakit ito nangyayari sa atin.
G. PAGLALAHAT
Istratehiya: #Kaalaman’y Ibahagi mo

“Ipagmalaki ang iyong natutunan sa harap


ng klase”

Magbahagi ng iyong mga natutunan sa


paksang ating tinalakay.

Sir! Isa po sa aking natutunan ay unahin po natin


ang ating mga pangangailangan sa ating sarili
bago ang iba.

Sir! Mahalin po natin ang ating mag alaga gaya ng


ating mga pamilya, dahil sila po ay hindi nila tayo

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

magagawang i-iwan gaya ng ibang taong


pinagkatiwalaan natin at tinulungan ngunit sa
bandang huli ay tinalikuran nila tayo na parang
walang nangyari.

Sir! Ang aral na makukuha sa kuwento ay


ang pagpapahalaga sa bawat pagkakataon ng
ating buhay gayundin sa mga bagay na
mayroon tayo sapagkat ang oras ay limitado
Tama! Lahat ng inyong nabanggit ay tama. lamang.
Ngayon dumako na tayo sa ating pagtataya.

H. PAGTATAYA
Istratehiya: #Kwento-Suri

“Kaalaman ay subukin, Damdamin at


kaisipan ay gamitin”

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na


katanungan sa isang malinis na papel.
(Tahimik gumagawa ang mag-aaral ng Tula
para sa kanilang Ina)

1.Sino ang pangunahing tauhan?


2.Anong bansa ang pinagmulan ng maikling
kwento?
3.Sino ang bigay ng biik sa ating 1.Kibuka
pangunahing tauhan? 2.Uganda
4.Saan lagi namamasyal o pumunta ang mag- 3.Apo ni Kibuka
amo? 4.Sa tabing ilog ng bayan kalansanda
5.Sino ang sumulat ng maikling kwento? 5.Barbara Kimenye
6.Sino ang nagsalin ng maikling kwento sa 6. Prof. Magdalena O. Jocson
Filipino? 7.Marangal na manggagawa at mapamahal na
7.Anong Magandang ugali ang tinataglay ni tao sa kanyang pamilya at kanyan alagang
Kibuka? baboy.
8.Anong kulay ng alagang baboy ni kibuka? 8.Itim
9-10. Anong damdamin at aral ang pinakita 9-10. Pagmamahal at mapagmalasakit na
sa maikling kwento? kapwa. Isa rin sa naging aral ay ang labis na
pagmamahal sa alagang hayop kung saan
nakakalimutan na ang ating sarili na alagaan.
Pagktapos sagutan ang mga sumusunod na
tanong ay ipasa ito sa’kin,
Opo Sir!
I. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN
Basahin ang Mga Pahayag sa pagsasaad ng
Opinyon. Ito ay mahalaga sa gagawin nating
pag-aaral bukas. Noted po Sir!
Inihanda ni:

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve


GORDON COLLEGE
Olongapo City Sports Complex, East Tapinac, Olongapo City
Tel. No. (047) 224-2089 loc. 314
COLLEGE OF EDUCATION, ARTS & SCIENCES

Luwel P. Maceriano
Gurong Nagsasanay

Pinagtibay ni:

Ms.Christina Mayo Factor


Dalubguro

Learning to Teach, Teaching to Live, Living to Serve

You might also like