You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

Daily Lesson Plan (DLP)

Asignatura ESP
Baitang/Antas 1 Time Allotment 7:30-8:00
Markahan 4th Linggo Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
Pangnilalaman pagmamahal sa diyos,paggalang sa paniniwala ng iba at
pagkakaroon ng pag-asa

B. Pamantayan sa Naipapakita ang pagmamahal sa magulang at mga


Pagganap nakatatanda,paggalang sa paniniwala ng kapwa at
palagiang pagdarasal.
C. Mga kasanayan sa
Pagkatuto Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda
Code EsP1PD-IVa-c-1
D. Sub-task na a.natutukoy ang mga paraan sa pagpapakita ng pagsunod
Layunin sa magulang at nakakatanda;
b.nakasusunod sa utos ng magulang at nakakatanda; at
c. nakapagbibigay halaga ng pagsunod sa utos ng mga
magulang at nakakatanda
II. NILALAMAN

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa K-12 CG p. 93, TG, pp. 237-241
Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa K-12 Grade 1 ESP Learners Material pp. 238-241
kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa MELC
teksbuk
B. Learning Resources
1. Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource (LR)
2. Iba pang Powerpoint slides, larawan, at iba pa
kagamitang
panturo
III. PAMAMARAAN Pagkukwento
(Strategy Used)
A. Paunang Bahagi

1. Drill/Balik-aral

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

2. Pangganyak
Mga bata bago tayo magsimula sa ating bagong talakayan
ngayong umaga meron muna akong ipapakita sa inyong
larawan.

Handa na ba kayo mga bata?

1. 2.

Pansinin ang unang larawan.

Ano ang ginagawa ng bata sa larawan?

Ikaw ba sumusunod/tumutulong sa iyong nanay?

Ano naman ang napapansin mo sa ikalawang larawan?

Sumusunod ka ba sa utos ng iyong magulang at


nakakatanda?

Paano ka kaya maging isang masunuring bata?

Magaling !

Batay sa mga larawang ipinakita, ano kaya ang tatalakayin


natin ngayon araw?

Mahusay! Ngayon araw na ito ay ating tatalakayin ang


pagsunod sa mga utos ng magulang at nakakatanda.

3. Paghahabi sa Makinig ng mabuti dahil pagkatapos ng araling ito kayo


Layunin ay inaasahang;

a.natutukoy ang mga paraan sa pagpapakita ng pagsunod


sa magulang at nakakatanda;
b.nakapagpapakita ng paraan ng pagsunod sa utos ng mga
magulang at nakakatanda; at

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

c.nakasusunod sa utos ng magulang at nakakatanda.


Mga gabay na tanong
1.Bakit parating nag-aaway ang magkakapatid batay sa
kwento?

2. Kung ikaw ay isa sa magkapatid sa kwento, paano mo


maiiwasan ang pagkakaroon ng away?
Presentasyon Ngayon ay nais kung inyong pakinggan ang kwentong.
1.Pagbasa sa Kwento
Magbigayan…… Magtulungan
J.Sabile

Rona:Ano ka ba ate Lora? Utos ka nang utos.


Ben: Oo nga si kuya Mark na lang ang utusan mo.Gusto
ko nang maglaro.
Lora:Aba, mayroon din akong ginagawa. Kailangan
ninyong tumulong para mapabilis ang paglinis ng bahay.
Mark: Bakit sa akin? Kanina pa ako nagtatabaho.

( Bakit hindi magkasundo ang magkapatid?)

Nanay:Sige na, Rona. Ikaw na ang magwalis habang


pinupunasan ni Mark ang mga kasangkapan. At ikaw
naman, Ben ang maglampaso ng sahig. Ako naman ang
maghahanda ng pananghalian natin.

Rona: Ayaw namin Nay!

Mark: Ate, ikaw na lang ang gumawa ng mga iyan.

Nanay: Pinag-aawayan na naman ba ninyo ang mga


gawain sa bahay? Hindi ba napag-usapan na natin na ang
mga ito ay dapat na pinagtutulungan para mapabilis at
mapadali ang paggawa dito. Gusto ba ninyong mapagod at
magkasakit si ate Lora?

Mark:Sori po inay. Sori, din po ate Lora. Simula ngayon


susunod na po kami sa utos ninyo.

2. Pagtatakay sa Kwento Nagustohan ba ninyo ang ating binasa na kwento?

Sino-sino ang magkakapatid sa kwento?

Bakit parating nag-aaway ang magkakapatid batay sa


kwento?

Ano ang pinagagawa ni ate Lora kay Ben?

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

Ayon kay Nanay, ano ang maaring mangyayari kay ate


Lora kapag siya lang ang gagawa ng mga gawaing bahay?

Kung ikaw ay isa sa magkapatid sa kwento, paano mo


maiiwasan ang pagkakaroon ng away?

Halagang pangkatauhan

Batay sa ating binasahang kwento?

Tama ba ang ginawa ng magkakapatid na hindi sumunod


sa mga nakakatanda?

Sino-sino sa iyo ang sumusunod sa mga utos ng kanilang


mga magulang at nakakatanda?

Paano mo maipapakita ang pagiging masunurin sa iyong


mga magulang at nakatanda?

Bakit nga ba kailang maging isang masunurin sa iyong


mga magulang?

Tama!

Ang batang sumusunod sa utos ng magulang at


nakatatanda ay pinagpapala at kinalulugdan ng diyos.

K.Panghuling gawain
1.Magsanay ng ehersisyo Sa iyong sagutang papel, isulat ang ang letra T kung ang
larawan ay nagpapakita ng kusang-loob na pagsunod sa
utos ng magulang at nakakatanda at M kung hindi.

1. Ang bata ay masayang tumutulong sa


pagwawalis.

2. Ang magkakapatid ay masaya na


tumulong sa pagluluto.

3. Siya ay nagdadabog dahil inutusan

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

siyang magwalis.

2. Aplikasyon Para sa ating gawain sa araw na ito.


EMOJI GAME

Mekaniks:

1.Ang klase ay hahatiin sa tatlo.


2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng emoji.
3.Ang bawat pangkat ay mag-uunahang sa pagtaas ng
kanilang emoji batay sa tanong na ipapakita sa screen ng
telebisyon.
4.Ang pangkat na may maraming puntos ang panalo.

Mga tanong:

Panuto: Itaas ang 🙂 kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng paggalng sa magulang at nakakatanda
at 🙁 naman kung hindi.

1.Si Louise ay tinatawag ng kaniyang Nanay para hugasan


ang mga pinggan sa kusina at kaniya itong sinunod agad
nang massaya at maluwag sa kalooban. 🙂
2.Maagang gumising si Chello para magpakain ng alaga
nilang kuneho at aso na biling ng kaniyang tatay. 🙂
3.Agad sumunod sa ipinag-uutos ng nakatatandang
kapatid. 🙂
4.Sumimangot kapag binigyan ng paalala ng lola at lolo.🙁
5.Magtulog-tulugan sa kwarto upang hindi mautusan.🙁

IV. PAGTATAYA Panuto: Sa iyong sagutang papel, isulat ang madalas,


minsan o hindi batay sa kung gaano mo ito kadalas
ginagawa.
1.Ako ay nagdadabog kapag inuutusan ng magulang o
nakatatandang kapatid.
2.Hindi ko pinapasin ang pagtawag sa aking sa tuwing
ako’y inuutusan.
3.Sinusunod ang habilin ng mga magulang.
4.Masayang sinusunod ang payo ng ating lolo at lola.
5.Inuuna ko ang paglalaro kapag inuutusan.
V. KARAGDAGANG Takdang-Aralin:
GAWAIN/
TAKDANG Panuto: Kumpletohin ang pangungusap sa ibaba.Isulat ang
ARALIN mga kulang na letra/titik.

Ang b_t_ng sumusunod sa utos ng m_g_l_ng at

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF OZAMIZ CITY

nakatatanda ay pinagpapala at kinalulugdan ng d_ _os.

( Note:1. Values shall be integrated in any part of the lesson when deemed necessary.
2. Font style-Times New Roman, size-12, single spacing, add space after each paragraph,
reference the learning resources used-preferably from the LR portal, follow format)

Inihanda ni:
LOURINCE M. DELOSA
Student Intern

Inaprobahan ni:
LYNETH G. MAREQUITA
Cooperating Teacher

Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


Telephone No: (088) 545-09-88 Our LEARNERS: The Diamonds of the Fortress.
Telefax: (088) 545-09-90 ASENSO OZAMIZ!
Email Address: deped1miz@gmail.com

You might also like