Professional Documents
Culture Documents
Ang naging buhay nina Jose Rizal at Francisco ay hindi naging ganun kadali
mula sa kanilang pagkabuhay hanggang sa kanilang huling hininga. Ilan lamang sila
sa mga naging tanyag na manunulat dito sa bansang Pilipinas na nakasulat ng
maraming akda tungkol sa mga pangyayaring totoong naganap sa buhay nila at bansa
natin noong mga panahon nila. Mga pangyayari noon na talamak pa rin pala hanggang
sa kasalukuyan, mga pangyayaring hindi na bago sa atin at mga pangyayaring nais
gumising sa matagal na pagkakahimlay ng ating bansa mula sa kamay ng mga
mapang-aping mga tao. Ang naging buhay ng dalawang ito ang nagsisilbi kong
inspirasyon na kung kaya nilang bumangon mula sa kanilang pagkakadapa kahit
marami pa ang humadlang sa kanilang adhikain sa buhay ay makakaya ko rin.
Sinasabing ang mga naging pagsubok na kanilang naranasan sa buhay sa mahabang
panahon sa kamay ng mga walang awang tao at ang kanilang pagpupursigi upang
labanan ang mga ito'y ang pumanday sa kanila upang maging matagumpay na
manunulat. Natutuhan ko na ang problema ay nasosolusyunan at hindi lang
tinatambayan dahil kailangan lang nating tumayo at harapin ang mga ito gaya ng
buhay pag-ibig nila. Hindi man sila nagtagumpay sa unang naging pag-ibig nila ay
nagsilbi naman itong inspirasyon nila upang magpatuloy sa buhay. Natutuhan ko rin
ang mga problema, pagsubok at dagok sa buhay ay hindi hadlang sa pag-abot ng mga
pangarap bagkus ito ay mga gabay lamang kung kaya't ang mga naging buhay at
paghihirap nila bilang manunulat ay patuloy na gumigising sa mga taong nauubusan
na ng pag-asang mabuhay na harapin pa ang maraming bukas katulad ko. Wika nga
nila "Pagkatapos ng ulan ay masisilayan mo ang isang napakagandanng bahaghari".
This study source was downloaded by 100000851753577 from CourseHero.com on 09-06-2022 07:08:34 GMT -05:00
https://www.coursehero.com/file/68949161/SANTILLANS-Repleksiyon-3docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)