You are on page 1of 22

I.

General Overview
Catch-up Values Education Grade Level: 8
Subject:
Quarterly Community Awareness Sub-theme: Servitude
Theme:
Time: Date: February 16, 2024
II. Session Outline
Session Paglilingkod
Title:
Session
Objectives: Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nauunawaan ang konsepto ng paglilingkod at ang kahalagahan nito sa
lipunan;
b. Naibabahagi ang mga paglilingkod na nasaksihan sa tahanan, paaralan at
lipunan;
c. Nakasusulat ng liham pasasalamat bilang pagpapahalaga sa mga taong
nagpapakita ng paglilingkod sa kapwa o sa lipunan.

Key
Concepts: • Ang paglilingkod ay may layuning mapabuti ang kalagayan ng lipunang
kinabibilangan sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagkalinga sa
kaniyang kapwa.
• Ang taong naglilingkod sa pamamagitan ng paggawa o pagseserbisyo ay
nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan.
• Ang paglilingkod ay may positibong epekto hindi lamang sa mga
pinaglilingkuran kung hindi pati na rin sa sarili.
• Sa pamamagitan ng paglilingkod, nagkakaroon ng pagkakataon na
maibahagi ang mga kakayahan at talento para sa ikabubuti ng lahat.
• Ang paglilingkod ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng materyal na
bagay kung hindi pati rin sa paglalaan ng oras, kaalaman at emosyonal
na suporta.

III. Teaching Strategies


Component Activities and Procedures
s

2024 DepEd-Makati Health Education TG1


1
for JHS Level
TALASALITAAN, GAWAIN AT PAGBASA
Inihanda ni: Robert Ryan B. Astete
1. Katutubong Aeta- ay mga katutubong mga tao o pangkat-etniko na
nakatira sa kalat at liblib na
mga bahaging bulubundukin ng Luzon, Pilipinas.
https://tl.wikipedia.org/
2. Paghikbi- pag-iyak na pabugso-bugso at may ingay.
https://www.tagaloglang.com/
3. Pagboto-Pagpili ng ihahalal sa eleksyon.
4. Illiterate- hindi marunong bumasa at sumulat. https://www.tagalog-
dictionary.com/
5. Eleksyon o Halalan- isang pormal na proseso ng pagpapasiya kung saan
ang
isang populasyon ay pumipili ng mga indibidwal na
hahawak sa isang
publikong tanggapan. https://tl.wikipedia.org/
6. Resettlement Area - Lugar ng relokasyon o pagpapatira sa isang
lokasyon o lote.
7. Presinto sa Eleksyon-lugar kung saan maaring bumoto ang isang
nakarehistrong botante.
8. Baboy Ramo -wild pig o baboy na mailap na nakatira sa gubat o
kakahuyan.
9. Kaingin-Malawakang pagputol at pagsunog ng mga punong kahoy sa
kagubatan o kabundukan.
10.Registered voter’s list -lisatahan ng mga rehistradong botante.
A.
Introduction Pumili ng limang salita mula sa talasalitaan at Bumuo ng isang maikling
and Warm- kwento gamit ang mga salitang ito. Isulat ito sa isang papel
Up

B. Concept "MANORO” (Ang Guro/Magturo)


Exploration Dokumentaryong Pampelikula
Direktor: Brillante Mendoza
Manunulat:
Ralston Jover
Inilunsad noong: Marso 11, 2018 sa Estados Unidos
Dyanra (Genre): Dokumentaryo, Drama

Ang kwentong ito ay tumatalakay sa isa sa suliranin ng ilang milyong


Pilipino tungkol sa kamangmangan o tinatawag na “illiterate” at kabilang sa mga
ito ay ang mga kababayan nating Aeta. Nagkaroon ng pagkakataon ang ilan sa
kanila na makapag-aral matapos pumutok ang Bulkang Pinatubo, na
naapektuhan
ang ilang bahagi ng Zambales at Pampanga kaya napilitang lumipat sa mga
relocation area ang ilan sa kanila. Sa kwentong ito ay matutunghayan ang isang
batang babaeng nasa ikaanim na baitang kung paano siya tumulong sa kaniyang
mga kapuwa Aeta.
Nagsimula ang kwento sa isang Graduation ng mga mag-aaral sa Sapang
Bato Elementary School at kabilang dito si Jonalyn Ablong at ang kaniyang mga
kamag-aral. Maririnig ang samu’t saring ingay sa lugar kasabay ng pag-iyak ng
sanggol habang isinasagawa ang pagtatapos ng mga mag-aaral. Matapos ang
graduation ay bumalik na sila sa resettlement area. Dahil sa malapit na ang araw
ng eleksiyon noon ay may dumaang sasakyang nangangampanya at ang mga
batang nadaanang naglalaro ay nag-uunahang mag-agawan sa mga inihagis na
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
2
for JHS Level
sample ballot. Habang naglalakad si Jonalyn ay kasalubong niya ang mga batang
kaniyang tinuturuan at siya’y kanilang binati. Ang isa pa sa kaniyang tinuturuan
ay tinanong niya kung nagpapraktis ba ito sa kaniyang pagsulat? Tinanong ni
Jonalyn Ablong kung nakita ba nito ang kaniyang Apo (Lolo).
Sa tahanan naman nina Jonalyn maging sa oras ng agahan ay tinuturuan
niya ang kaniyang maliliit na mga kapatid na magbilang. Pati ang kaniyang ama
at
ina ay tinuturuan niyang magsulat at magbasa. Tinanong niya ang ina na si Aling
Carol kung sino ang iboboto nito at pinatandaan sa ina kung paano ito isulat at
bigkasin. Sinabi ng kaniyang ama, na si Mang Edgar, na kailangan na nilang
sunduin ang kanilang Apo (Lolo) sa bundok na nanghuli ng baboy-ramo at
sumang-
ayon naman si Jonalyn dahil nagsabi ito na siya ay boboto.
Nagsimulang maglakad ang mag-ama upang hanapin si Apo Bisen habang
may nakasalubong silang mga Koreano. Binati sila at sinabihan ang ama nito na
kailangan itong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho, kaya sinabi niya kay
Jonalyn na kailangan siyang turuan nito nang mabuti kung paano ang pagsulat
at
pagbasa. Habang palayo nang palayo ang mag-ama ay lalong gumaganda ang
tanawing kanilang nilalakaran. Hanggang sa ibilin si Jonalyn ng kaniyang ama na
magpaiwan na lamang sa ilang mga katutubo na kanilang pinagtanungan dahil
siya
na lamang ang pupunta, mas malayo pa at delikado na roon.
Nakisalo si Jonalyn sa isang masaganang pananghalian kasama ang mga
kapuwa niya Aeta. Pagkatapos ay nagpaturo sa kaniya ang mga ito kung paano
magbasa at magsulat para sila ay makaboto samantalang ang kaniyang ama ay
palayo na nang palayo at mas mapanganib dahil nasalubong niya ang isang
baboy
-ramo at siya’y nakagat nito sa hita.
Dumating ang araw ng eleksiyon, bumalik na ang mag-ama sa kanilang
tahanan nang hindi nila nakita si Apo Bisen.Ninais ng ina ni Jonalyn na maiwan
siya sa bahay para magbantay sa mga kapatid habang sila ay boboto ngunit
tumutol
ang ama nito at kailangang kasama si Jonalyn dahil marunong ito para
matulungan sila sa pagboto. Pagkatapos makaboto ng kaniyang mga magulang ay
napansin ni
Jonalyn Ablong ang isang matanda at tinanong niya kung nakaboto na ba ito at
sinabi nitong , “oo dalawa nga ang aking ibinoto si FPJ at GMA”.
Nalungkot na lamang si Jonalyn sa kaniyang nasaksihang kalagayan ng mga
kapuwa niya Aeta na napagsarhan na ng mga presinto at di na nakaboto na akala
niya ay ang mga sundalo at pulis na nandoon ay sasaklolo sa kanila subalit bigo
siya sa nais niyang mangyari. At tuluyang na ngang nalaglag ang mga luha sa
mata
ni Jonalyn Ablong, siya namang pagdating buhat sa kabundukan ng kaniyang
Apo
Bisen na pasan-pasan ang malaking baboy-ramo sa kaniyang likuran at niyaya
nang umuwi si Jonalyn.
Nagkaroon ng pagdiriwang sa buong barangay. Ang lahat ay nagsaya,
inihanda ang nahuling baboy-ramo ni Apo Bisen at siya’y nagwika na “Hindi na
ako
bumoto sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng
aking pagkatao”. Lahat ay nagsaya kasama si Jonalyn Ablong at ipinakita sa
likuran
ng damit ng isang bata na nagsasayaw ang mga katagang “Babangon ang
Pilipinas”.
Dito nagtapos ang nasabing kwento.
II. Pagsuri ng Pagunawa at Pagsusulat
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
3
for JHS Level
Isulat sa isang buong Papel

A. Sagutin ang mga sumusunod


Manunulat: Richard Q. Miradora Catherine R. Canilao

1. Paano tumutulong si Jonalyn sa kaniyang pook?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Anong katotohanan sa buhay ang inilahad ng nasabing pelikula?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Ano-anong pangyayari sa pelikula ang nagaganap sa totoong buhay?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Ano ang nais ipakahulugan ng mahabang paglalakbay ni Jonalyn at ng
kaniyang
ama?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw si Jonalyn, paano ka magiging makabuluhan sa iyong pamilya at
kapuwa?

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang


letra ng tamang sagot
at isulat sa isang buong papel.

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul
Manunulat: Angeline M.
Bravo
Sheila B. Punzalan
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:
Angeline M. Bravo
Sheila B. Punzalan

1. Sino ang hindi bumuto sa naganap na eleksyon?


A. Apo Bisen B. Mang Edgar C. Jonalyn D. Aling Carol

2. Bakit nagkakagulo sa presinto ang mga katutubo?


A. May dumating na pulitiko
B. May namigay ng pera
C. Dahil hindi nila mabasa ang kanilang pangalan sa sobrang liit ng sulat nito
C. Valuing D. Dahil sa sobrang dami ng tao na kailangang tulungan ni Jonalyn upang
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
4
for JHS Level
makaboto

3. Paano ipinadama ni Jonalyn ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga


kababayang katutubo?
A. Nag-aral siyang mabuti upang matulungan ang mga kababayang katutubo na
bumasa at sumulat
B. Humingi siya ng tulong sa mga mayayaman upang mapaunlad niya ang
kanilang lugar
C. Nangalap siya ng salapi sa mga negosyante upang ibili ng pangunahing
pangangailangan ang mga kababayan.
D. Pumunta siya ng bayan at nanawagan siya sa telebisyon na tulungang
umunlad ang kanilang lugar.

4. “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa


at
makababawas ng aking pagkatao”. Anong isyung panlipunan ang ipinakita ng
pahayag?
A. kurapsyon C. kawalan ng tiwala sa pulitiko
B. kahirapan D. kriminalidad

5. Anong pangyayari sa buhay ni Jonalyn na nagpapakita ng kalakasan ng


isang
babae?
A. Sumusunod sa uso si Jonalyn gaya ng pagsusuot ng maiikling damit.
B. Kayang-kaya niyang magmaneho patungong bayan.
C. Siya na ang nagtatrabaho para sa pamilya.
D. Nagsumikap siyang makatapos ng pag-aaral kahit maraming hadlang sa
pagkakamit nito.

C.Punan ng tamang detalye ang graphic organizer sa ibaba.

(Sabay
MGA TAUHAN

nagpaalam ang
mag-ama kay Apo, sa patuloy
nilang paglalakad ay nakita
naman ni Jonalyn ang mga
batang nasa taas ng puno,
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
5
for JHS Level
tumutugtog ng plawta at
binati siya ng ‘magandang
umaga’ ng mga ito, sinabihan
niyang mag-ingat ang
mga ito at baka sila ay
mahulog.
Samantala, sa isang bahagi
ng bundok ay natanaw nila
ang isang napakalawak
at napakalaking apoy dulot ng
kaingin)
Jonalyn: :Sa ginagawa nilang
‘yan ay inaagawan nila ng
tahanan ang mga ibon
(Malungkot ang mukha)
EKSENA 6 Patungo na sa
Kabundukan
(Habang lumalayo ang
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
6
for JHS Level
nilalakad ng mag-ama ay
lalong gumaganda ang mga
tanawin sa kabundukan;
sasabayan ito ng isang
magandang musika na tila sila
ay pumapasok na sa isang
bagong
daigdig)

EKSENA 3:
TAGPUAN (lugar ng pinangyarihan)

Ang Pangangampanya at ang


Komunidad
(Dahil sa nalalapit na ang
eleksyon, napadaan ang
isang sasakyang
nangangampanya, tumilapon
ang mga sample ballot sa
kalye, malapit sa mga
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
7
for JHS Level
batang katutubo na
nagsisipaglaro)
Bata 1 : Oy akin ‘yan,
huwag kayong magulo,
tingnan n’yo,
magkakaparehas
lahat ang nakasulat sa papel!
(Establishing/Panning Shot sa
isang batang Aeta,
kumakaripas ng takbo dala
ang balota papunta sa bahay
nila)
(Habang papunta sa
tindahan, nasalubong ni
Jonalyn ang maliliit na
batang
kaniyang tinuturuan, naliligo
ang mga ito sa isang poso
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
8
for JHS Level
ng tubig, bumati ang
mga ito… “ Maaryong aga,
mam.”)
Buod ng Kuwento

SULIRANIN sa KUWENTO

ARAL ng Kuwento

wHAT? (What hat?)

• Ipakita ang larawan at bigyan ng pagkakataon ang mga magaaral na pumili


ng uri ng paggawa na naiibigan nila.
VALUES
EDUCATION • Maaaring wala sa larawan ang nais ng mag-aaral, kilalanin at bigyang
halaga ang pansarili nilang kagustuhan.
Preliminary Matapos ay bigyan ng pagkakataon na maipakita ang kasiningan ng mga mag-
Activity: aaral sa pamamagitan ng pagguhit ng paggawa na kanilang napili.

Ipakilala ng mga mag-aaral ang paggawang naibigan nila at ibahagi ang


paglilingkod na naibibigay ng paggawang ito sa lipunan.
• Matapos ay susundan ng pagtalakay at bibigyang tuon ng guro ang
sumusunod:
a) Layunin ng paglilingkod sa kapwa at lipunan.
b) Positibong epekto ng paglilingkod sa sarili, sa kapwa at sa lipunan.
c) Bahaginan ng mga halimbawa ng paglilingkod na nasaksihan o
naranasan ng mga mag-aaral.
1.Ano ang iyong napili na mangagawa o taga lingkod? Ipaliwanag bakit ito ang iyong napili?
B. Concept 2. Anu –ano ang positibong epekto ng paglilingkod sa sarili, sa kapwa at sa lipunan
Exploration
C. Valuing BINGO! Isulat sa isang buong papel
Sa tulong ng BINGO template, punan ang bawat kahon ng sumusunod
na katanungan:
1. Paano maisasabuhay ang paglilingkod sa pang-araw araw na buhay?
2. Paano magiging daan ang paglilingkod sa pag-unlad ng
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
9
for JHS Level
lipunan?
Pipili lamang ang mga mag-aaral ng letra at pattern (pahalang,
pababa, pahalang na pababa) na nais nilang kumpletuhin.
Halimbawa:
- Sa letrang B – Pahalang, isusulat ang mga kasagutan sa
tanong bilang 1.
- Sa letrang O – Pahalang na Pababa, isusulat ang mga
kasagutan sa tanong bilang 2.

Liham Pasasalamat

• Gamit ang template ng ibibigay ng guro, sumulat ng isang liham


pasasalamat na nagbibigay-pugay sa isang indibidwal o grupo na
nakapaglingkod sa iyo o sa komunidad na iyong kinabibilangan.
• Kinakailangang lamanin ng liham pasasalamat ang dahilan kung bakit
pinasasalamatan, konkretong patunay ng paglilingkod sa iyo o sa
komunidad at ang epekto ng ginawang paglilingkod.
• Ipahayag din ang personal na pagpapahalaga at pasasalamat sa kanilang
hindi matatawarang paglilingkod.
• Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na basahin sa klase ang
kanilang liham pasasalamat.
Journal
Writing
Teaching Guide in Health Education (Key Stage 3)

Health Teacher
Grade Level
Sections
Date

Topic Long Term Commitment and Marriage


Examine the role of trust and mutual respect in building a strong
relationship.
Objectives Discuss the significance of shared values in a relationship.
Develop coping mechanism in coping with external stressors in a
relationship.

4As Parts Activities


2024 DepEd-Makati Health Education TG1
1
0 for JHS Level
Divide the class into 4 groups
The group will be given 5 minutes to create their tableau or picture
frame related to marriage and long-term commitment.
Activity Each group will present their tableau showcasing their interpretation of
marriage and long-term commitment.
A group representative shall be given 2 to 3 minutes to
give insights about the picture frame or tableau.
From the pictures or tableau that the students presented, ask the
Analysis students:
1. What can you say about the presentation?
2. How do we strengthen the relationship that will benefit
both man and woman?

Benefits and Challenges of a Long-Term Commitment


Marriage is a significant commitment that brings with it both
benefits and challenges. While the decision to get married is a
personal one, it is essential to understand the potential impact
on one’s life and well-being. In this article, we will explore the
benefits and challenges of long-term commitment, and why
marriage matters.
Benefits of Marriage:
1. Emotional Support: Marriage provides a deep
Abstraction emotional connection with a partner, leading to a sense
of belonging, companionship, and support.
2. Financial Stability: Married couples often enjoy increased
financial stability and security, as they share expenses,
income, and assets.
3. Health Benefits: Studies show that married individuals
have better physical and mental health outcomes compared to
their unmarried counterparts. They are more likely to have
access to healthcare, and have lower levels of stress.
Legal Benefits: Married couples have access to legal benefits,
such as tax breaks, inheritance rights, and the ability to make
medical decisions for each other.

Challenges of Marriage:
1. Conflict Resolution: Marriage requires effective
communication and conflict resolution skills to maintain a
healthy relationship. Couples must be willing to work through
issues and disagreements.
2. Personal Growth: Marriage requires individuals to be open
to personal growth and change, which can be challenging
and uncomfortable.
3. Commitment: Marriage is a lifelong commitment that
requires a high level of dedication and effort to maintain.
4. Balancing Independence: Married individuals must learn
to balance their independence with their commitment to
their partner, which can be a challenge.
In conclusion, marriage is a significant commitment that comes
with both benefits and challenges. The emotional support,
financial stability, and health benefits are just a few of the
many reasons why marriage matters. However, marriage also
2024 DepEd-Makati Health Education TG1
1
1 for JHS Level
requires effective communication and conflict resolution skills,
personal growth and commitment, and balancing independence
to maintain a healthy relationship.
4. Ultimately, the decision to get married is a personal one, but it is
essential to consider the potential impact on one’s life and well-
being.
Application Scenario Creation:
1. With the same groupings, each group will create tableau
1(before the Marriage) Tableau 2 (Wedding) Tableau 3
(Challenges of Marriage)
2. Each group will be given 10 minutes to conceptualize the
pictures related to the topic.
3. 5 minutes will be given to each group to present their output
including the explanation of the leader about the importance of
marriage and how they value the marriage and long-term
commitment.

2024 DepEd-Makati Health Education TG1


1
2 for JHS Level
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Reading Text

Marriage Redefinition and a Lifelong Commitment

The commitment to be faithful to one’s spouse—for better, for worse, in sickness and
in health—is not a pledge to keep the same feelings. It is a pledge to do certain things,
to voluntary conduct.

An article by demographers at the University of Minnesota published in March 2014


revealed that the current divorce rate is much higher than previously thought,
especially among those thirty-five and older. This news suggests that two generations
of no-fault divorce (among other things) have altered the general concept of marriage
and have severely eroded our society’s confidence that marriage can be counted on.

Indeed, the high divorce rate has ceased to shock or even concern many people. Divorce
has become an acceptable, normal fact of life. The predominant view is that many
marriages break down through no fault on the part of either spouse: they simply
“grow apart.” And so—the thinking goes—one cannot expect married men and
women to keep their vows to remain devoted to each other until death parts them.
If marriage is a love relationship, and the love has died, is it not pointless to
continue with the charade of “marriage”?

But this conventional wisdom is based on a redefinition of what marriage is. In the
traditional understanding, the term “marriage” is reserved for the comprehensive union
of a man and a woman—bodily, emotional, and spiritual—of the kind that would be
naturally fulfilled by conceiving and rearing children together (even though in some
instances that fulfillment is not reached). In the alternative view, marriage is seen as
an essentially emotional and sexual relationship that, by implication, can be dissolved
when the relationship is no longer emotionally fulfilling.

This false view has caused marriage to be fragile and has led to immeasurable
tragedy for children, wives, and husbands. In this view, children are only extrinsic
additions—burdens or benefits. And if the emotional closeness has been lost, it seems
to follow that the marriage itself has simply broken down of its own accord and can
be dissolved. This view has led to the rising divorce rates we’re seeing reported.

Marriage as Essentially Permanent

Personal relationships are never completely amorphous. They create certain


obligations because of the kind of relationships they are. Being a mother, a father, an
employee, a teacher, a student, a doctor, a patient— all of these create normative
demands on one’s actions; they require one to do some things and to refrain from
doing others. Even ordinary friendships have normative implications.

Page 13 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

It is the same with marriage. Marriage has a definite fundamental structure,


determined by its purpose; and part of that structure is that it requires a lifelong
commitment. To see why, let us consider how the need for marriage typically comes
to be recognized. A young man and woman fall in love and long to be one with
each other. They spend time together, talk, play games, have dinner together, and so
on. They eventually desire to unite sexually. They desire this sexual union not merely
for gratification, but as an expression or embodiment of their love.

These sexual acts involve a very thorough bodily union: the two become united in a
single biological function, the kind of act that could conceive a new human being.
Hence they come to realize that this act would be appropriate only as part of a larger
and more enduring personal union.
They see that what they long for—to form an all-embracing, stable personal union—
would be both good in itself and provide a home for any children they might
conceive. The purpose of this union is to build up that romantic communion, which,
if all goes well, will enlarge into a family.

In marriage, each spouse is internally modified by the other. Each spouse’s life becomes
an intrinsic part of the other’s. Only death itself can divide spouses. Because the
distinctive form of their union and love is sexual and bodily, their marriage ends with
one or both of them physically dying.

Therefore, divorce is not the death of a marriage, but it still is a severe trauma—
comparable to the amputation of a bodily organ. It is a wound from which it is
incredibly difficult to recover, and from which some people never fully recover at
all. If a person attempts to marry with the idea that he might later deliberately end
the marriage, then his commitment is not to a sharing of his whole life. Hence the
marital commitment is incompatible with a reservation that one might
deliberately end it, through divorce for example, and calls instead for a lifelong
commitment.

Permanence for the Sake of Children

Marriage is naturally oriented to providing a home for any children that may come
from the spouses’ union. The conceiving and rearing of children is not extrinsic to
their personal union, but is its natural fruition. And so the spouses should be united
in a way that is proportioned to that end. As children mature, they need care and
guidance with respect to every aspect of their humanity. It follows that the spouses
should be united with respect to every aspect of their lives. They should share their
whole lives with each other, and that requires a commitment to a lifelong union.

Just as neither spouse can have sexual intercourse alone, and neither spouse can have
children alone, so neither can adequately bring up children alone (though, of course,
adverse circumstances, such as death or abandonment, may require that). The union

Page 14 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

of the spouses is
prolonged and fulfilled by conceiving and rearing children together. In turn, the child is
fulfilled both by his relationship to his mother and by his relationship to his father—
indeed, by his relationship to his mother and father as a marital unit.

The child needs both his mother and his father. Having both is not always possible: for
example, a father may be called into armed service, may die, or may abandon his
child. But a child has a natural need for—and a right to, if possible—the love and care
of both his mother and his father.
Therefore, the spouses should be committed to being united at least for the duration
of their child-rearing years. Yet the marital relationship should not be treated as a
mere means to conceiving and rearing children. To do so would be to treat the
children as mere products rather than as persons worthwhile in themselves. Children
should be appreciated as gifts that supervene on spouses’ love for each other and not
as mere products.

Their marital union—paradoxically, even for the sake of the children themselves—
should not be contingent on “getting the job done” of raising the children. As G. K.
Chesterton noted, children cannot have a true sense of home “if there is an
assumption that Papa is only waiting for Tommy’s twenty-first birthday to carry
the typist off to Trouville.” And to view their relationship as a mere means to
children would also cheapen their relationship to each other and reduce their bodies
and their sexual acts to mere means in relation to external benefits. Hence the
spouses should love each other for their sakes, and their love should be
unconditional.

The Marital Bond Remains

But what of those couples who simply “grow apart”? If marriage is a love
relationship—embodied in sexual union and naturally oriented to children—
nevertheless, does it not simply die if the love between the spouses has died? Part of
the answer is that while one does not have direct control over one’s feelings, one can
still choose to remain devoted to one’s spouse. And that may bring it about
eventually that the feeling of love returns. When a man and a woman commit to
marriage, they commit to what they can do, not to what they will feel. You can’t
promise what you have no control over. When the spouses vow to “love and cherish”
each other, they are committing themselves to do certain things, to voluntary
conduct.

The mutual commitment creates a moral bond—a set of rights and obligations to
each other—and initiates the marital community. So there is a distinction between the
marital community the spouses are committed to developing and deepening, on the
one hand, and the set of rights and obligations created by that mutual commitment,
on the other. That set of rights and obligation can be called the marital bond. It is the
Page 15 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

minimum, the core of marriage—what exists even if the spouses are emotionally
estranged and perhaps even live in different cities. Although the marital
communion may become weakened, the marital rights and obligations continue:
the couple remains married.

The commitment to be faithful to one’s spouse—for better, for worse, in sickness


and in health, until death parts them—is not a pledge to keep the same feelings that
they have as bride and groom on their wedding day.
Rather, the commitment to marry is a decision to enter a relationship that has an
objective structure independent of the wills of the spouses. Men and women can
decide to enter or not to enter the marriage relationship, but they cannot by their
wills alter the fundamental kind of relationship marriage is. Marriage is the kind
of relationship that should be lifelong.

Prepared by:

LAWRENCE JAY S. SEDILLA


Division Subject Coordinator PE-Health

Page 16 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Teaching Guide sa Pagtuturo at Integrasyon ng Peace Education (JHS


Secondary Level)
Peace Ed Teacher
Grade Level
Sections
Date

Paksa Konsepto ng Kapayapaan


Natutukoy ang kahulugan ng kapayapaan at karahasan
Natatalakay ang konsepto ng kapayapaan at karahasan sa pamamagitan
Mga Layunin ng pangkatang gawain
Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kapayapaan sa komunidad

4As Parts Mga Gawain


Sketch that Community: Gamit ang mga kagamitang pangkulay, iguhit
sa papel ang dalawang uri ng komunidad: isang mapayapang
Priming komunidad at hindi mapayapang komunidad. Maglaan dito ng 5
Activity minuto. Ipaskil ang mga guhit sa pisara, ihiwalay ang mapayapa sa
hindi mapayapang komunidad.

Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pumili ang bawat pangkat ng


group leader at group secretary. Ipahanda ang isang papel sa bawat
pangkat.
Bigyan ang bawat pangkat ng kopya ng teksto tungkol sa “Konsepto
Activity
ng Kapayapaan (Peace).”
Maglaan ng 5-10 minuto ang mga pangkat upang basahin ang teksto.
Maaaring silent reading o iba pang estratehiya sa gawing pagbabasa ng
teksto.

Page 17 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Pagkatapos basahin, ibigay ang “set of questions” na nakalaan sa


bawat pangkat batay sa sumusunod na kahon. Dapat na bigyan ng
kopya ng mga tanong ang bawat pangkat. Ang secretary ang
magsusulat sa papel ng magiging sagot ng pangkat. Maglaan ng 10
minuto para dito.

Para sa Pangkat 1
1. Batay sa teksto, ano ibig sabihin ng kapayapaan o peace?
2. Ano ang ibig sabihin ng karahasan o violence?
3. Paano nagbago ang pakahulugan ng kapayapaan batay sa
teksto?
4. Magbigay ng isang halimbawa o sitwasyon kung saan
masasabing may kapayapaan sa isang komunidad? Ang
sagot dito ay wala sa teksto.

Para sa Pangkat 2
1. Ano ang ibig sabihin ng karahasan o violence?
2. Ano ang pagkakaiba ng direct violence sa indirect violence?
3. Magbigay ng halimbawa ng direct violence at indirect
violence.
4. Magbigay ng isang halimbawa o sitwasyon kung saan
masasabing may karahasan sa isang komunidad? Ang sagot
dito ay wala sa teksto.

Para sa Pangkat 3
1. Ano ang ibig sabihin ng karahasan o violence?
2. Ano ang mga uri ng karahasan?
3. Ano ang mga halimbawa ng bawat uri ng karahasan?
4. Ano ang mangyayari sa isang komunidad at sa mga tao na
naninirahan dito kung nagaganap ang mga karahasang ito?

Para sa Pangkat 4
1. Ano ang ibig sabihin ng negative peace at positive peace?
2. Ano ang ibig sabihin ng katarungang panlipunan o social
justice?
3. Alin sa dalawa ang mas angkop gamitin, negative peace o
positive peace? Bakit?
4. Mabuti ba na ang isang komunidad ay may katarungang
panlipunan? Bakit ninyo nasabi?

Page 18 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Para sa Pangkat 5
1. Ano ang ibig sabihin “A Culture of Peace” ? Magbigay ng
tatlong katangian nito.
2. Ano ang mga katangian ng Pilipinas upang masabi na may
kultura ng kapayapaan ang bansa?
3. Masasabi ba ng pangkat na may kultura ng kapayapaan ang
bansa sa kasalukuyan? Bakit ninyo nasabi?
4. Masasabi ba ng pangkat na may kultura ng kapayapaan ang
daigdig sa kasalukuyan? Bakit ninyo nasabi?

Ipasagot ang mga tanong sa bawat pangkat. Tumawag ng mga kasapi


Analysis ng pangkat. Maaaring iwasto ng guro ang kanilang mga sagot.

Habang sumasagot ang bawat pangkat ay unti-unting binubuo ang


dayagram na nasa powerpoint presentation o gamit ang board at chalk.
Abstraction Halimbawa sa ibaba ang bubuoing dayagram.

Isunod ang malayang talakayan sa pamamagitan ng mga pamprosesong


tanong batay sa paksa.
Isagawa sa loob ng 5 minuto ang gawain. Batay sa mga nabuong
pangkat, gamit ang papel ay sagutin ang tanong na “Sa anong
sitwasyon masasabing may kapayapaan sa ________:
• Pamilya (para sa Pangkat 1)
• Komunidad (para sa Pangkat 2)
Application • Bansa/Asya (para sa Pangkat 3-4)
• Daigdig (para sa Pangkat 5)

Kung may sapat na minuto ay maaaring ibahagi ng mga pangkat ang


kanilang sagot.

Page 19 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Bilang pangwakas ay itanong ito sa mga mag-aaral: Mahalaga ba na


may kapayapaan sa pamilya, komunidad, bansa, at daigdig? Bakit?

Teksto:
Kultura ng Kapayapaan (A Culture of Peace)

Ang konsepto ng kapayapaan o “peace” batay sa mga unang ekspertong may-akda nito ay
karaniwang nangangahulugang “kawalan ng anomang digmaan o karahasan sa isang lugar.” Nagmula
ito kay Hugo Grotius noong 1625. Lumilitaw na ang pinakasimple at pinakagamiting pakahulugan ng
kapayapaan ay dapat na walang digmaan o labanang nagaganap, gayundin ang sitwasyong walang
tuwiran o pisikal na karahasan ang nararanasan ng mga tao sa isang lugar. Noong 1966, naging
limitado ang pakahulugan sa kapayapaan. Ayon kay Raymond Aron, isang French thinker, ang
kapayapaan ay “humigitkumulang na pagkaantala ng mga karahasang dulot ng hidwaan ng mga
pamahalaan.”

Nagkaroon ng pagbabago sa kahulugan ng kapayapaan noong mga huling taon ng dekada 60. Ang
atensiyon ay nakatuon sa kapayapaan mula sa kawalan ng tuwirang karahasan patungo sa di-tuwiran
o estruktural na karahasan. Tumutukoy ang tuwirang karahasan sa mga sitwasyon kung saan
nagaganap ang digmaan, labanan, o mga pangyayaring nagaganap ang pagkasawi, pisikal na pang-
aabuso sa tao at pagkasira ng mga ari-arian.

Samantala, ang di-tuwiran o estruktural na karahasan ay tumutukoy sa mga sitwasyon kung saan
nagaganap ang labis na kahirapan sa buhay, pagkagutom, pagkakasakit, diskriminasyon sa ibang
pangkat ng tao, at kawalan ng karapatang pantao. Ang mga nabanggit na sitwasyon ay nagdudulot
ng pighati at hirap sa mga tao na maaaring magbunga ng pagkasawi at matinding paghihirap ng mga
tao. Maaari ring maging resulta ang mga sitwasyong ito sa pagsiklab ng kaguluhan at digmaan.

May iba’t ibang uri ng karahasan o “violence”. Una, ang direct violence o tuwirang karahasan.
Halimbawa nito ay digmaan, torture, pang-aabuso sa mga bata at kababaihan. Ang ikalawa ay
estruktural na karahasan tulad ng kahirapan at pagkagutom. Samantala, ang socio-cultural violence o
sosyo-kultural na karahasan ay tulad ng racism o pagkapoot/pagkagalit sa ibang lahi o pangkat ng
tao, sexism o diskriminasyon patungkol sa kasarian ng isang tao lalo na sa kababaihan at mga batang
babae, at religious intolerance o pagkaayaw sa isang relihiyon o pananampalataya. Ang huling uri ng
karahasan ay tinatawag na ecological violence o karahasang pang-ekolohikal. Halimbawa nito ay
polusyon sa hangin, tubig, at lupa, gayundin ang overpopulation o labis na populasyon sa isang lugar
na nakasasama sa kapaligiran at nakauubos ng kayamanang likas.

Sa pag-aaral ng konsepto ng kapayapaan (peace), mailalarawan din ito sa dalawang pamamaraan:


ang negative peace at positive peace.

Tumutukoy ang negative peace sa sitwasyon ng isang lugar o bansa kung saan walang digmaan o
karahasan ang nagaganap o “absence of violence.” Negative peace ang paglalarawan sa
kapayapaang ito dahil sa paggamit ng “wala” sa digmaan at hindi positibo ang pagpapakahulugan sa
salitang kapayapaan. Samantalang ang positive peace ay tumutukoy naman sa “presence of social

Page 20 of 22
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

justice” o pagkakaroon ng katarungang panlipunan sa isang lipunan o bansa. Kapag sinabing social
justice o katarungang panlipunan, ito ang katangian ng isang lipunan na kakikitaan ng mga katangian
tulad ng pagkakaroon at pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao, malaya, at
nakakamit ang mga karapatang pantao. Kung gayon, ang positive peace ay pagkakaroon ng
katarungang panlipunan na positibong katangian ng isang lipunan o bansa.

Kultura ng Kapayapaan (A Culture of Peace)

Ayon sa United Nations (UN), tumutukoy ang “Kultura ng Kapayapaan” o “A Culture of Peace” sa
mga pagpapahalaga at paraan ng pamumuhay ng mga tao na may sumusunod na katangian:

• Paggalang sa buhay ng tao at mga karapatan nito


• Pagtanggi sa lahat ng uri ng karahasan
• Pag-iwas sa mararahas na tunggalian
• Paglahok sa mga usapin tungkol sa pangangailangan ng tao sa kasalukuyan at susunod na
henerasyon
• Pagtaguyod ng pantay na karapatan ng mga lalaki at babae
• Pagkilala sa karapatang maipahayag ang saloobin ng tao at karapatan sa mga
impormasyong dapat na malaman
• Pagtaguyod sa kalayaan, katarungan, pagkakaisa, paggalang sa pagkakaiba-iba ng tao,
pagkakaunawaan ng mga bansa, at pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibang
paniniwala, pangkat ng tao, at ng bawat isa.

Sa Pilipinas, maitataguyod ang “Kultura ng Kapayapaan” sa pamamagitan ng pagkakaroon ng


pamilyang nagkakaisa, paggalang sa dangal ng tao, kalayaan, at pagkamit ng mga pangunahing
pangangailangan ng tao. Kabilang din dito ang pangangalaga sa ating kapaligirian, pag-iwas sa
mararahas na labanan.

Dayagram:

Page 21 of 22
• • • •
• • • •
• • • •
• • •
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE
Culture of Peace Mga Uri ng Karahasan

• •
• •
• • • •

Inihanda ni:
G. MICHAEL M. MERCADO
Education Program Supervisor - AP

Page 22 of 22

You might also like