You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
s
Brittany School of Las Piñas
#21 Aldebaran St. Zapote, Las Pinas
Tel. No. 875 1855

Quarter 4 | Week 5

Name: ________________________________________________

Grade Level: __________________________________________

1
4
Prepared by: Ms. Justine G. Manito
S.Y. 2020-2021
Yunit IV: Daigdig: Nagbubuklod

5
Kahirapang Pambata

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa
napakinggan.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng
teksto at napapalalawak ang talasalitaan
4. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan
ang iba’t ibang teksto
5. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.
6. Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng
wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t ibang uri ng
panitikan.

PAMANTAYANG PAGGANAP
1. Nakapagtatala ng impormasyong napakinggan upang makabuo ng balangkas at
makasulat ng buod o lagom
2. Nagagamit ang pahayagan sa pagkalap ng impormasyon
3. Nakabubuo ng sariling patalatastas
4. Napahahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at
talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento , pagsulat ng tula at kuwento

MGA KOMPETENSI
1. Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o napakinggang pagpupulong (pormal at di
pormal), katitikan (minutes) ng pagpupulong
2. Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong
3. Nakasusulat ng minutes ng pagpupulong
4. Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng
salita

LAYUNIN
1. Nagagamitang pagbibigay ng mga halimbawa upang malaman ang kahulugan ng
salita.
2. Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw ng pagbasa sa
paliwanag.
3. Nagagamit ang mga bahagi ng liham-pangangalakal sa pakikipagtalastasan.
4. Nakasusulat ng script para sa radio broadcasting.

KAGAMITANG PAMPAGTURO
1. Sanggunian
a. Gintong Diwa 4

2
S.Y. 2020-2021
Yunit IV: Daigdig: Nagbubuklod

Basahin at Unawain

Kahirapang Pambata

Lara : Magandang umaga, Partner Junjo, at mga kababayan. Ito ang inyong lingkod, Lara
Bituin, mula sa DZLM 109.6 Radyo ng Sambayanan, Tahanan ng Mapagkakatiwalaang Balita
at Napapanahong Isyu.

Junjo : Magandang umaga rin, Lara. Punong-puno tayo ngayong umaga ng mga
napapanahong isyu.

Lara : Tama ka riyan, Junjo. Isa sa maiinit na isyu ngayon ang tungkol sa kahirapang pambata
o child poverty. Junjo : Pero bago natin talakayin iyan, alamin muna natin, sino ba ang
tinatawag na bata?

Lara : Ayon sa United Nations Children's Fund o UNICEF, itinuturing na bata ang sinumang
may edad na 18 taon pababa.

Junjo: Ano naman ang kahirapang pambata?

Sa ordinaryong depinisyon, ito ang kalagayan ng isang bata na mamuhay sa kahirapan.


Kadalasang kabilang dito ang mga bata mula sa mahirap na pamilya o batang ulila na
lumaking kulang o walang nakukuhang tulong mula sa gobyerno.

Lara : Ayon sa depinisyon ng UNICEF, ito ay kawalan ng isang bata ng mga pangangailangang
materyal, espirituwal, at emosyonal upang siya ay mabuhay, umunlad, at maging kapaki-
pakinabang na miyembro ng lipunan.

Junjo : Ayon naman sa Child Fund International, ang kahirapang pambata ay ang kakulangan
sa mga materyal na pangangailangan at serbisyo.

Kasama rito ang sapat na pagkain, ligtas na inumin, maayos na tirahan, pagkakaroon ng
serbisyong pangkalusugan, at edukasyon.

Kahirapang pambata rin ang hindi pagkakaroon ng mga karapatan, kaligtasan, at malinis na
kapaligiran.

Ano-ano ang iba't ibang depinisyon ng kahirapang pambata?

Lara : Ano-ano ba ang mga dahilan ng kahirapang pambata?

Junjo : Dahilan nito ang kahirapan ng magulang, kawalan ng trabaho at edukasyon, hindi
maayos na serbisyo ng gobyerno, kapansanan, at diskriminasyon.

Lara : Laganap sa maraming parte ng mundo ang kahirapang pambata.

Ayon sa UNICEF, pinakamarami sa Africa. Sinundan ito ng Middle East/North Africa,


Central/East Europe at Central Asia, South Asia, East Asia, Latin America, at Caribbean.

3
S.Y. 2020-2021
Yunit IV: Daigdig: Nagbubuklod

Saan-saang bahagi ng mundo laganap ang kahirapang pambata?

Junjo : Maaaring solusyunan ang kahirapang pambata.

Kailangan lamang itong bigyang-pansin ng gobyerno. Pinakamainam na solusyon ang


pagbibigay ng magandang kalidad ng edukasyon. Kailangan din ang pagpapabuti ng
kapaligirang kinalalakihan ng bata. Kailangang mailapit o magkaroon ng daan para sa
serbisyong pangkalusugan.

Lara : Pinakamahalaga ring maging maayos ang mga pagpapahalaga at pag-uugali ng


pamilya. Ito ang pundasyon ng bawat bata sa paglaki.

Paano masosolusyunan ang kahirapang pambata?

Junjo : Alam naman nating kabilang ang Pilipinas sa mga bansang mataas ang bilang ng
batang mahihirap. Lara: Kaugnay nito, makakapanayam natin ang kinatawan mula sa
Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Junjo : Bago iyan, bigyang-daan muna ang mga isponsor ng ating programa.

(Patalastas ng programa)

(Sa bahaging ito natatapos ang unang bahagi ng iskrip ng mga tagapagbalita.)

Hindi pagkakaroon Masamang pagtrato sa


ibang tao dahil sa lahi,
Kawalan Diskriminasyon kalagayan sa buhay, o iba
pang pampersonal na
katangian.
Material Pisikal laganap Malawak ang saklaw
Nauukol sa damdamin Matibay na bagay na
Emosyonal pundasyon
nagbibigay ng suporta
kapansanan Pinsala sa katawan

4
S.Y. 2020-2021
Yunit IV: Daigdig: Nagbubuklod

PAGBASA

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL
Pagkuha ng Impormasyon sa Paliwanag sa Pamamagitan ng Pahapyaw na Pagbasa

Ang pahapyaw na pagbasa ay mabilisang uri ng pagbasa upang makuha ang hinahanap na
impormasyon sa paliwanag.

Basahin ang paliwanag. Isagawa ang pahapyaw na pagbasa upang makuha ang
kinakailangang impormasyon. Isulat sa sagutang linya ang tamang sagot.

Ayon sa National Statistics Office (NSO), nasa 5.49 milyon ang mga batang
manggagawa sa bansa sa taong 2012. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa
bukid, minahan, asinan, pabrika, at construction. Nasa edad lima hanggang
labimpito ang mga batang manggagawa. Karamihan sa kanila ay dating nag-aaral
subalit dahil sa kahirapan ng buhay, napipilitan silang tumigil para tulungan ang
kanilang mga magulang sa paghahanapbuhay at upang hindi sila mamatay sa
gutom pati ang kanilang pamilya.

Ayon sa International Labor Organization, dahil sa maagang pagsabak ng mga


kabataan sa pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang
normal bilang mga bata. Nawawala rin ang kanilang dignidad at potensiyal.
Bumabagsak sila sa pagiging alipin, maagang nawawalay sa kanilang mga
magulang, at nalalapit sila sa panganib ng pagkakasakit

PAGSASALITA
Pagbabahagi ng Obserbasyon sa Script ng Radio Broadcasting
Makapagbabahagi ng obserbasyon tungkol sa iskrip o script ng radio broadcasting sa
pamamagitan ng pakikinig sa sinasabi ng broadcaste.

Ibahagi sa klase ang obserbasyon sa script ng radio broadcasting. Maaaring gawing gabay ang
mga tanong..

1. Mas madali bang maintindihan ang mga salitang ginamit!


2. Parang kausap lamang ba ng broadcaster ang tagapakinig?
3. Tiyak at malinaw ba ang paksa?
4. Nakaaaliw ba itong pakinggan?
5. Nagkakaroon ba ng mga larawan sa isip habang nakikinig sa script?

GRAMATIKA
Mga Bahagi ng Liham-Pangangalakal

Ang liham-pangangalakal ay isang uri ng pormal na liham. Ito ay isinusulat nang malinaw,
malinis, matapat, tiyak, at magalang. Ang nilalaman nito ay ayon sa layunin ng sumusulat
gaya ng pagpiprisinta sa trabaho, pagrereklamo, pagbili, paghingi ng rekomendasyon, at iba
pa.

Ang liham-pangangalakal ay may anim na bahagi.

1. Pamuhatan - Naglalaman ng tirahan ng sumulat at petsa ng liham.


2. Patunguhan - Naglalaman ng pangalan at katayuan ng taong pinatutungkulan ng liham at
pook ng tanggapan.
5
S.Y. 2020-2021
Yunit IV: Daigdig: Nagbubuklod

3. Bating panimula - Naglalaman ng pormal na pagbati sa taong pinatungkulan ng liham.


Nagtatapos ito sa tutuldok.
4. Katawan ng liham - Naglalaman ng layunin ng liham.
5. Bating pangwakas - Magalang na huling pagbati at nagtatapos sa kuwit.
6. Lagda - Buong pangalan at pirma sa itaas ng sumulat ng liham. Ang estilong block at semi-
block ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng liham-pangangalakal.

Ang estilong block ay walang indensiyon sa lahat ng mga bahagi ng liham habang ang
semiblock ay tulad ng paraan ng pagsulat ng liham-pangkaibigan.

6
S.Y. 2020-2021

You might also like