You are on page 1of 5

KAGAWARAN NG BASIC EDUCATION

SENIOR HIGH SCHOOL

TAONG PAMPAARALAN: 2022-2023

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Unang Markahan (Unang Semestre)

Unang Pangkat (Elbanbuena, Galang, Lintag,


Pangalan: Manalo, Nonato, Perico, Valencia) Marka:
Taon/Strand/Section: 11 STEM St. Elmo _____ Petsa: Agosto 22, 2022

Aralin 1: Tekstong Nanghihikayat

Bilang at Pamagat ng Gawain: Pwede Ba Ito?

Target sa Pagkatuto: 1. Nakapagsasaliksik ng iba’t ibang resulta ng mga pag-aaral o thesis na naisagawa na
2. Nailalarawan ang kahulugan o katangian ng resulta ng sinaliksik na pag-aaral o thesis

TANDAAN MO!

Ang tekstong nanghihikayat ay may layuning manghikayat na umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa
upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalahad.
SUNDIN MO…

1. Ang gawaing ito ay pangkatan


2. Mag-isip ng mga paksang nais mong saliksikin. Ito ay maaaring may kaugnayan sa kasulukuyang isyung
panlipunan, Sistema ng edukasyon, teknolohiya, agham, politika, wika, at iba pa.
3. Ikaw ay inaasahan lamang magtala ng limang (5) paksa.
4. Ilalahad ang naitalang paksa sa pamamagitan ng maikling pasalitang presentasyon.

Pamantayan Nakalaang Nakuhang


Puntos Puntos
Angkop ang nilalaman (pasulat) 10
Organisasyon 5
Angkop ang paggamit ng wika at gramatika 5
Husay ng presentasyon (pagsasalita, kahandaan, at powerpoint) 10
Kabuoang Puntos 30
1. Colorism

Ang colorism ay paghusga ng kulay ng isang tao. Ang mga


taong ganito ay tinatawag na colorists, ang colorist ay paglagay ng
label sa kulay ng isang tao. Ito ay alam na pagiging racist dahil sa
pagtrato ng iba't iba sa mga tao ayon sa kanilang kulay. Dapat
itong bigyang pansin dahil maraming taong namamatay,
nabubully, nabubugbog at iba pang masamang epekto sa mga tao.
Nais naming magkalat ng impormasyon kung ano ang nangyayari
sa mga tao ngayon sa pagkukumpara ng kulay ng isang tao at
pagbabase ng ugali sa kulay ng balat.

2. Low Reading Proficiency sa Pilipinas

Ang paksang ito ay tumutukoy sa resulta tungkol sa reading


comprehension ng mga mag-aaral ng Pilipinas. Ang bansa ay
pumapangalawa sa pinakamababa ayon sa Programme for
International Student Assessment (PISA) noong 2018. Nais ng
pangkat na malaman at mabigyang mungkahi ang kapwa mag-
aaral, mga guro, at paaralan kung paano mas magiging epektibo
ang pag-aaral at pagkatuto ng mga kabataan. Sa pagsasaliksik na
ito, maaaring makapagbigay rin ito ng kamalayan sa mga
mamamayan kung ano ang antas ng pagkatuto at kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas.
3. Poverty

Ito ay patungkol sa kahirapan na hindi kayang bilhin ang mga


kinakailangan sa pang araw-araw na pamumuhay, katulad ng
pagkain, damit at walang pang-aral. Kahirapan ng mga
mamamayan na patuloy umaangat dahil sa pandemya at kawalan
ng trabaho sa ating bansa. Mahalaga para sa isang ekonomiya na
malaman kung anong antas ng pamumuhay ang natatamasa ng
mga mamamayan nito dahil isa ito sa mga paraan para malaman
ang kabuuang kalagayan ng bansa. At mahalaga itong malaman ng
mga tao dahil sa dami ng problema ng ating bansa katulad ng
global crisis na nagkaroon ng war sa dalawang bansa ay nagkulang
ang mga supply at nagmahal ang mga kailangan natin pang araw-
araw, naging sanhi ito ng kahirapan ng karamihan.

4. Freedom of Media

Ang pilipinas ay gumugugol ng mas maraming oras sa social


media kaysa sa ibang bansa. Sa mga unang araw ng pandemya ng
coronavirus, iniulat pa nito ang pinakamalaking pagtaas sa buong
mundo ng mga gumagamit na gumugugol ng mas maraming oras
sa social media. Hindi ito nangangahulugan na ang estado ng
kalayaan nito sa pagpapahayag online ay nasa pinakamalusog.
Umiiral ang iba't ibang paghihigpit ng pamahalaan, limitasyon,
pag-atake, at maging ang mga pang-aabuso sa kalayaang ito, na
pinapanatili ang Pilipinas na patuloy na malapit sa tuktok ng mga
listahan ng "pinaka-mapanganib na mga bansa para sa mga
mamamahayag'. Bahagyang libre ang Pilipinas sa 2019 Freedom
on the Net Report at bumaba ng tatlong notches mula noong
nakaraang taon.
5. Maagang Pagbubuntis

Usap-usapin sa iba’t ibang parte ng ating bansa maging sa


buong mundo ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan. Sa
napaka-murang edad pa lamang nila ay marami na ang
kababaihang mayroong anak. Napakaraming mga dahilan kung
bakit ito nangyayari. Nangunguna ang kadahilanan ng teknolohiya.
Nang dahil sa teknolohiya ay naiimpluwensyahan ang mga
kabataan sa iba’t-ibang bagay na kanilang nakikita dito. Sila ay
masyadong nasanay ay nahasa sa paggamit nito kung kaya’t hind
inga maiiwasan na mausisa sila sa mga larawan o bidyong kanilang
nakikita. Kadalasan sa mga nilalaman nito ay pornograpiya na
nakapanghihikayat sa mga kabataan na mapusok at sumubok ng
premarital sex na kung saan nakikipagtalik sila habang hindi pa
kasal at nagkakaroon ito ng hindi inaasahang bunga.

You might also like