You are on page 1of 1

Rea Angelika Condez BS Fisheries

“Ang Pag-asa sa Gitna ng Pandemya”

Sa pag taas ng bukang liwayway sari-saring mga tao ang masisilayan mo na naghahanda sa pag
simula ng kanilang araw, mayroong mga nanay na nag chichismisan na may dalang kanilang walis o di
kaya`y kape pinag uusapan nanaman siguro nila ang anak ni marites “alam mo ba ang anak ni ano
inumaga nanaman umuwi” ani pa ng isa, mayroon namang nag jo-jogging, naghahanda para mamalingke
sa lipunan, mga naghahanda sa pag pasok sa trabaho at eskwelahan. Kung makikita mo tila lahat ng tao
ay may kanya kanyang mga mga ginagawa magkakaiba man, ngunit ang mga ngiti sa kanilang mga labi ay
iisa, iisang saya na syang magandang umpisa para sa abala nilang mga araw.

Isa na doon si mang rene isang jeepney driver, ilang dekada na din na pamamasada ang pang
kabuhayan ni mang rene upang matutusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa tatlo niyang
anak na pina paaral, si Julia at jun sa seniorhighschool, si joebert naman sa kolehiyo. Isa-isang nag
sisakayan ang mga pasahero ni mang rene at nagpapatugtug ng musika habang naghihintay. “para ho sa
kanto lang” “bayad ho” “sa may avenue nga ho isa” ganito lamang buong araw at sa pagsapit ng
tanghalian ay uuwi muna ng panandalian upang mag pahinga at mag tanghalian at pagsapit ng ala-una
ay balik pamamasada nanaman. Hindi alintana ni mang rene ang init at traffic sa kalsada kahit pagod ay
di madama para sa kaniyang pamilya kailangan kumayod. Pag sapit ng alasingko ay masayang natapos
nanaman ang araw ni mang rene dahil sa mga kinita sa pamamasada at sa pag uwi ay magsisimula
nanaman ang gabi para sa kaniyang pamilya.

Ngunit buhay nga talaga ay sadyang hindi lahat ay puro saya, isang pandemya ang pumasok at
bumago sa buhay nating lahat, ang virus na covid-19 ang syang sumira sa kabuhayan ng mga tao pag
pasok nito ay libo-libong mga mamamayan ang nawalan ng trabaho at nagutom dahil sa kawalan ng
pera na pambili at pang tustus sa pamilya, isa na doon si mang rene dahil sa quarantine at pag hihigpit
upang hindi mapa laganap ang makahalawang virus ay natigil ang kanyang pamamasada, ilang araw na
nagutom at naranasan pa na maputulan ng kuryente at tubig ang pamilya ni mang rene minsan ay
umaasa na lamang sa mga relief packs na binibigay ng gobyerno, ngunit hindi nawalan ng pag asa si
mang rene, online business ang kanilang naging kasangga upang maka ahon sa hirap na dala ng
pandemya tulong tulong sila kasama ang kanyang mga anak nag aasikaso ng mga order at si mang rene
naman ang kanilang taga deliver at nung bumalik ang pamamasada nanumbalik na din ang kaginhawaan
ng kanyang buhay sabay ang pagdedeliver at pamamasada. Noong una ang pandemya ay nagbigay ng
hirap at sakit ngayon ang pandemya para kay mang rene ay syang nakatulong upang buhay nila ay mapa
unlad. Noon na ang kinikita nila sa pamamasada ay sapat na para sa araw na pangtustus sa pamilya
ngayon ay doble doble na dahil sa online business na kanilang nadiskubrihan sa gitna ng pandemya.

You might also like