You are on page 1of 8

St.

Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

Filipino II
Panitikan ng Pilipinas

PAGSUSURI S A P E L I K U L A N G:

Directed by:
Rory B. Quintos
Written by:
Ricardo & Raymond Lee

Inihanda ni:
Sr. Nichelle M. Laguras, SMC
BSSW2

Ipinasa kay:
Gng. Marissa C. Agtay
Fil. II-Instructor

M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

PAGSUSURI SA PELIKULANG ANAK

I. PANIMULA O INTRODUKSYON
Ang "ANAK" ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa
mga OFW (Overseas Filipino workers) sa ibat-ibang dako ng mundo. Sa
natatanging pelikula na ito na sumikat sa takilya ay pinagbibidahan nina Vilma
Santos at Claudine Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag
na pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa laki ng
binatak nito satakilya.

a) PAMAGAT NG KWENTO : " Anak "


b) MAY AKDA: Ricardo Lee at Raymond Lee
c) DIREKTOR: Rory B. Quintos
d) MGA TAUHAN:
 Vilma Santos: biang Josie - isang dakilang ina na nagtatrabaho bilang
OFW sa Hongkong para mabigyan ng magandang kinabukasan ang
kanyang mga anak.
 Claudine Barreto: bilang Carla - panganay na anak ni Josie na
nagrebelde sa akalang pinabayaan na sila ng kanilang ina.
 Baron Geisler: bilang Michael - lalaking anak ni Josie
 Shiela Mae Alvero: bilang Daday - bunsong anak ni Josie
 Joel Torre: bilang Rudy - asawa ni Josie
 Amy Austria: bilang Lyn - matalik na kaibigan ni Josie na isa ring OFW sa
Hongkong.
 Cherrie Pie Picache: bilang Mercy - matalik na kaibigan ni Josie na isa
ring OFW sa Hongkong.
 Leandro Muñoz: bilang Brian – tunay at tapat na kasintahan ni Carla
 Hazel Ann Mendoza: bilang batang Carla
 Daniel Morial: bilang batang Michael
 Tess Dumpit: bilang Norma
 Cris Mechelena: bilang Arnel
 Gino Paul De Guzman: bilang Dondon
 Jodi Sta. Maria: bilang Bernadette
 Odette Khan: bilang Gng. Madrid
e) Tagpuan:
Sa Hongkong – kung saan nagging OFW sina Josie, Mercy at Rudy
Sa bansang Pilipinas: Maynila at sa lood ng tanahan ng pamilya ni Josie

M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

II. BUOD:
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na
nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper. Ginawa niya ito upang
makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Binangggit niyana ginagawa nya ito para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagamat siya ay malayo sa
kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo atang kanyang pagnanais
na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki. Nagsimula sa isang
masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga anak ni Josie
magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay. Dito
nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadala
sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang
sya’y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong
ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang silay lumipad sa Estados
Unidos ng isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan,
ngunit hindi parin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit
magmakaawa pa siya.
Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itigil
na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng
isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang
tatlong taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik
pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang
matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya
kilala. Si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi
man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang.
Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan
ng mgapasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon,
unti-unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo,
tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa
dito ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang
pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni
Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang
ibabahagi sana niya. Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana
niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas
si Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang
iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na
ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya si Michael sa mga pangarap na
gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang

M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

kamalasan ni Josie kasabay ng pagkunti ng kanyang inimpok na salapi para sa


kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong.
Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato
sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang
lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat
ang mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala
na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo
nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa
kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang
alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila
bagamat malayo sya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay
nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at
nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa
muling pag-alis ng ina.

III. PAGSUSURI

A. URI NG PELIKULA
 PANLIPUNAN: Ito ay isang uri ng pelikula na panglipunan kung pinapakita
nito ang takbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan.

B. KAANYUAN NG PELIKULA

 TEMA o PAKSA
Ang pelikulang Anak ay tumatalakay sa importansya ng pamilya
at trabaho. Patungkol ito sa isang ina, bilang Overseas Filipino Worker na
napilitang umalis ng bansa upang mabigyan ng maayos na buhayang
kanyang pamilya. Naglalayon ito na ipaintindi sa mga kamag-anak ng
mga OFW’S na hindi sila umalis sa bansa upanag takasan ang kanilang
responsibilidad at obligasyon sa pamilya higit sa mga anak. At para sa
mga pamilya naiwan ay dapat na pahalagahan ang ginagawa ng mga
magulang o sinumang nangingibang bansa para lang mabigyan sila ng
magandang buhay. At may paksa rin itong ng paggalang sa magulang
at pagpapahalaga sa sarili.

 TITULO
Ang titulo ay angkop sa pelikula sapagkat ipinapakita dito kung
papano ang anak ang nagging istorya ng buhay ng mga anak ni Josie,
higit sa buhay ni Carla. Kung papano si Carla napariwala sa buhay dahil

M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

sa maling mga akala. Pero kahit sa kabila ng mga problema ng mag-ina


ipanapakita parin dito na kung gaano kamahal ng isang ina ang
kanyang mga anak. Ang anak na kahit napawalay man, napariwala
man, ay handa parin niya itong tanggapin, patawarin at mahalin
sapagkat sila’y mga anak niya.

 PANANALITA o DIYALOGO
May mga panahong na may mga salitang hindi kaaya-aya sa
pandinig kagaya ng pagmumurahan, pag-aawayan, pang-aalipusta at
panghihikayat sa paggamit ng bisyo o iba pang masamang Gawain.
Pero, ito ay nagdadala sa mas mataas na antas ng tunggalian sa
pagitan ng mga karakter na ginagampanan. Ang mga salitang ginamit
ay hindi malalalim kug kaya’t madaling maunawaan. Direktang
ipinapahayag ng mga tauhan ang kanilang nais sabihin base sa
kanilang damdamin at hindi paligoy-ligoy. Makatotohanan ang bawat
bitaw ng mga linya at nakakaantig damdamin at tumatatak sa bawat
puso’t isipan.

C. IMPRESYON SA PELIKULA

KAANYUANG TEKNIKAL

 Misika o Sound Effect


Ang musikang ginamit ay may pamagat na “Anak” din sinulat ni
Freddie Aguilar. Akmang – akma ito sa kwento at istorya ng pelikula at
maging sa karanasan na sinasaad din ng awiting kanilang pinili. Ito rin ay
nakakaantig sa damdamin ng bawat taong nakikinig at nanonood.

 Editing o Pagkakabalangkas ng mga pangyayari


Ang mga pangyayari ay maayos at hindi nakalilitong
nabalangkas mula sa simula hanggang sa wakas ng pelikula. Ang mga
eksena ay hindi putol-putol at sunod-sunod
ang pagkakalahad ng mga impormasyon. Mayroon ring koordinasyon
sa ilaw at tunog kaya’t hindi ito magulong tingnan at nakabuo ng
maganda at epektibong pelikula.

M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

 Pagkakaganap ng mga tauhan


Ang mga tauhang nagsiganap ay sadyang hindi matatawaran
dahil sa galing nilang gampanan ang bawat karakter nila sa anumang
mukha ng buhay o sitwasyon na kanilang kinahaharap sa buong
pelikula. Nagampanan ng mga tauhan nang maayos ang mga karakter
na kanilang ginampanan. Ang bawat salitang kanilang binibigkas at ang
paraan ng kanilang pag-arte ay makatotohanan. Ang bawat
pangyayari ay nakaka-antig ng damdamin, kung kaya't nagiging
emosyonal ang manunuod. Lahat ng pangyayari ay kapana-panabik
sapagkat hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari at ang
mga "plot twist". Ang buong husay na pagganap ng mga artista ang
nagbigay buhay sa buong kwento kaya't itoy naging makatotohanan.

 Tagpo ng Pelikula
Ang mga tagpo sa loob ng pelikulang ito ay nagawa at
naipalabas ng malinaw. Ang bawat pangyayari naman ay mahahalaga
dahil lahat ng mga iyon ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng
pamilyang Pilipino.

SINEMATOGRAPIYA
 Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang
pagpalipat-lipat ng anggulo at fokus ng camera ay mas nagbigay ng
kulay sa buong kwento. Katulad rin ng visual effects. Mas napaigting nito
ang bawat pangyayari, mas nagkakaroon ng malawak na 'access' sa
mga pangyayari. Na-adjust rin ang mga camera upang mabigyan ng
diin ang mga ginagawa ng bawat karakter at para narin masundan ang
mga aksyon na kanilang ginagawa.
 Malinaw ang bawat eksena sa pelikulang anak at gumagamit rin ito ng
realistikong pamamaraan gaya ng pagpunta sa Hongkong upang
maipakaita ang tunay na sitwason n gating mga OFW na nagtatrabaho
doon. Tama ang ilaw, background na mga tugtog pati ang kantang ank
ni Freddie Aguilar.

D. BISA

1. PANGKAISIPAN
Malaki ang naiambag nito sa aking paniniwala na kahit anuman
ang gawin ng magulang, kahit napahiwalay man tayo sa kanila para
mabigyan tayo ng mabuting buhay dapat ay meron tayong malawak na
pag-uunawa. Dapat unawain natin na ang kanilang ginagawa ay para
M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines
www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

din sa atin, nagkamali man sila o may mga pagkukulang ay hindi iyon
sapat para kamuhian natin sila sa halip patuloy natin silang mahalin,
respetuhin at bigyang halaga ang kanilang mga ginagawa.

2. PANDADAMIN
Nakakaantig sa puso ang bawat eksena at nakakapukaw ng
damdamin. Mararamdaman mo kung papano ang sakit ng isang
pamilyang magkahiwalay. Kung papano ang magulang ay kaivangang
umalis para maghanap buhay at kung papano din ang mga anak
nangunguli at naghahanap ng kalinga ng isanag ina. At naipapadama
din dito kung ano ang nararamdaman ng isang ina kung hindi siya
nirerespeto ng isang anak at hindi napapahalagahan ang kanyang
ginagawa. May kalungkutan man sa una sa panghuli makakaamdam ka
din ng saya sapagkat nagkaroon ng pagbabago, pag-uunawaan,
pagpapatawad at pagmamahalan uli ang kanilang pamilya.

3. PANGKAASALAN
Tinuruan ako ng pelikulang ito kung paano tumanggap sa sariling
pagkakamali at magpatawad gaano man kabigat ang kasalaan at
pagkukulang ng mga taong mahal mo higit sa iyong pamilya at
magulang. Kailangan din matutong making sa kanila, alamin ang
katotohanan bago tuluyang magpakalunod sa maling akala at
mapariwala. Hindi tayo dapat natatanim ng sama ng loob kahit kanino
na maaring humantong sa poot at galit na siya rin naming nagiging sanhi
sa mga hindi nangyayaring maganda sa ating buhay. Sa halip,
pagmamahal, pagpapatawad, respeto an gating ibigay at ipakita sa
kanila.

E. TEORYA

REALISMO
Ang pelikula ay nahahngo sa tunay na kanapan sa buhay ng tao
higit sa ating mga OFW’s. Marami sa ating mga maggawang Pilipino
sa ibang bansang ang tunay na nakakararanas nito. Marami sa mga
magulang ang nagging malayo ang loob sa kanilang mga anak na
naiiwan ditto sa Pilipinas at marami din sa mga anak ang
napapariwala. May mga pamilyang nawawasak dahil sa kanitong

M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines


www.sbcbatangas.edu.ph
St. Bridget College
Batangas City
COLLEGE DEPARTMENT
PAASCU Accredited
Contact No. (043) 723-3616

sitwasyon at hindi nauunawan ng mga anak ang gingagawa ng


kanilang mga magulang.

ROMANTISISMO
Dito ay labis na nagpapakita ng pagmamahalan hindi sa
aspetong magkasintahan kundi pagmamahal sa pamilya. Ipipakita
ditto ang pamamahal ng isang nanay sa kanyang mga anak. Isang
inang nagmamahal sa mga anak at ginagawa ang lahat para
mapalapit sa kanila, madama ang pagmamahal niya at handing
magsakripisyo mabigyan lang ng magandang buhay ang mga ito.

IV. MESAHE O ARAL NG PELIKULA

Hindi madali sa isang ina ang iwan ang kanyang sariling anak at mag-
alaga ng ibang anak. Katulad ng pelikula ng mga batikang aktres na sina
Vilma Santos at Claudine Barreto. Ang mensahe nito ay tagos sa puso ng
isang ina sa pagkagusto na maibigay lahat ang pangangailangan ng mga
anak ay napilitan na mangibang bansa at makipagsapalaran. Walang
magulang ang gustong mawalay sa anak. Mahirap sa parte ng isang
magulang na kakainin na lamang niya ay ipapadala pa sa kanyang mga
anak, ngunit masakit isipin na ang paghahangad mo ng magandang buhay
ng anak ay napariwara. Ang nobelang Anak ay inihandog para sa mga
OFW. Gagawin lahat ng magulang para sa pagmamahal sa anak.
Bilang isang anak matuto tayong resputuhin at intindihin an gating mga
mga magulang dahil alam nating kung gaano kahirap ang kanivang
ginagawa at ang sakripisyong kanilang tinataya para tayo ay mabigyang ng
maganda at mabuting buhay. Sa halip bilang kabayaran sa lahat ng mga
sakrispisyo nila ay ayusin nating an gating buhay, mag-aral ng mabuti,
huwag magrebelde at isipin din ang kapakanan ng iba higit ng iyong
pamilya. Gamitin ng tama ang perang pinaghirapan nila at suklian sila ng
labis din na pagmamahal.
M. H. Del Pilar St., Batangas City, 4200 Philippines
www.sbcbatangas.edu.ph

You might also like