You are on page 1of 1

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang

domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang
matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang
mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa
kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa
Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang
matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya
kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi
man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man
lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang
mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay
ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang
kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa
kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo
niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak
niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa
kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal
ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalikloob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang
gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

You might also like