You are on page 1of 1

Pangalan: Shawn Michael C.

Cabataña Seksyon:XII-Confucius
Guro: G. Apolonio T. Bustillo Jr. Petsa: Abril 12,2023
BOUD Iskor:

ANAK

 Ang Istorya ay tungkol kay Josie, isang ina nagtatrabaho sa Hongkong bilang domestic worker.
Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan, ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinakabukasan ang kanyang mga
anak, na malayo sa kanya, tiniis niya ang pag mamaltrati ng kanyang amo at kanyang kagustuhang
makasama ang kanyang mga anak. Makalipas ng ilang taon at nakauwi na rin siya dahil sa
pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hongkong at siya ay magnenegosyo na lamang. Si Daday ang
kanyang bunsong anak na hindi siya kilala, Si Michael na mahiyain at walang imik at si Carla, na hindi
siya ginagalang at hindi siya ginagalang at hindi iniintindi ang kanyang ina. Lahat ng hirap ay tiniis niya
upang makuha man lamang ang atensyon ng mga anak at sa mga araw na nagdaan ay nakikilala niya
ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo,
panlalalake, at paglalalag ng bata. At Marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala
ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, iniwan siya ng isa
mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya. Si Josie ay nagkaroon ng
pagkukulang sa kanyang anak ngunit sa mga alitang nangyari naintindihan rin ni Carla ang
pagmamahal ni Josie sa kanila bagama’t malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay
bumalik ang loob ni Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakakatandang kapatid
na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

You might also like