You are on page 1of 10

Pamagat: anak

Buod: Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
isang domestic helper. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa kaniyang mga anak upang matustusan ang kanilang pangangailangan at mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki. Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mga anak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay. Dito nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang sya'y umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil sya ay kinulong ng kanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang sila'y lumipad saEstados Unidos ng isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya. Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahil itigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlo ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsa-pwera lamang. Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita ni Josie ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya. Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi. Basic Information Direction: Rory B. Quintos Adapted screenplay: Raymond Lee, Ricardo Lee Original screenplay: Raymond Lee, Ricardo Lee

Cast: Vilma Santos, Claudine Barretto, Joel Torre, Amy Austria, Cherry Pie Picache, Baron Geisler, Leandro Muoz, Gino Paul Guzman, Sheila Mae Alvero, Tess Dumpit, Jodi Sta. Maria, Cris Michelena, Hazel Ann Mendoza, Daniel Morial, Odette Khan, Troy Martino, John Lapuz, Jojo Saguin, Archie Adamos, Jiro Manio, Don Laurel, Nellie Sy, Andrew Chua, Jet Filipino, Manny Mendoza, Ron Christopher Flores, Mark Anthony Madronio, Aida Espiritu, Macy Masucol, Me-an Vargas, Girlie Alcantara, Jessette Prospero, Lawrence A. Roxas, Lui Villaruz, Sarji Ruiz, Mark De Guzman, Yiu Pong Lau, Zott Vincent Cailipan, Renan Giljang, Butch Jarlos, Aimee Marasigan, Ailyngail Mary Navarro Original Music: Jessie Lasaten Cinematography: Joe Batac Editing: George Jarlego Production Design Danny Santiago, Nuel C. Naval Sound: Ramon Reyes Theme Song: "Anak" written and composed by Freddie Aguilar, sung by Sharon Cuneta Producer: Charo Santos Concio, Malou N. Santos

Pamagat: caregiver
MGA TAUHAN / PAGLALARAWAN SA MGA TAUHAN A. PANGUNAHING TAUHAN Sharon Cuneta Bilang si Sarah Gonzales pangunahing tauhan ng pelikula. Siya ang butihing maybahay ni Ted (John Estrada) at Ina ni Paulo (John Manalo) John Estrada Bilang si Teddy Gonzales ang asawa ni Sarah na unang nakatuntong ng ibang bansa (London,England) sa kanilang pamilya. John Manalo Bilang si Paulo Gonzales, nagiisang anak nila Sarah at Ted. Makisig Morales Bilang si Sean, ang batang Pilipino na napadpad sa London kasama ang mga magulang ngunit nang una ay namumuhay bilang suwail na anak, na hindi pumapasok sa paaralan at laging sinasaktan ng mga kapwa kabataang Briton sa London.

Category: Genre:

Movies Drama

Maganda ang pagkakalagay ng pamagat ng pelikula sapagkat dito mismo nagpapatungkol ang halos pitumpung porsyento ng palabas. Tagapag-alaga, ito ang pinakamalapit na ibig sabhin sa Filipino ang katagang ito na naging pamagat ng pelikula, isang propesyon na nag nag-bibigay ng isang mataas na kaledad ng pag-alaga sa mga taong naghahanap ng ganitong serbisyo. Kalimitan ay matatanda ang kleyente para dito at kalimitay nag hihintay na ng kanilang kamatayan. Isang pelikula mula sa direksyon ni Chito S. Roo, umani ng parangal na Rated A mula sa Cinema Evaluation Board (CEB). Mga pangunahing Tauhan Sarah

(Sharon Cuneta) Ang pinaka pangunahing tauhan sa kwento, isang masunuring asawa na hindi marunong sumuway sa mga kagustuhan nito. Nag aral ng Caregiver para sumunod kay Ted sa London. Sa huli natauhan at piniling

tumayo sa sariling paa at gumalaw sa kanyang sariling kagustuhan. Ted

(Gary Estrada) Asawa ni Sarah, magarbo sa buhay, mahirap pakisamahan hindi lang bilang asawa kundi bilang katrabaho. Mataas ang pride at puno ng mga bisyo, makasirili at maingitin. Paulo

(John Manalo) Anak ni Sarah at Ted na naiwan sa kanyang lola sa Pampanga sa Pilipinas, naging tutol sana sa pagsunod ng kanyang ina, kayat nagkaroon ng kunting tampo dito na agad rin namang naayos. Sean (Makisig Morales) Isang batang anak ng Filipina sa London, may katigasan ang ulo at mahilig sa basag ulo. Madalas syang mapa-away at madalas mag nakaw ng mga paninda sa grocery Karen

(Rica Peralejo) Isang Caregiver rin sa London na nag rekomenda kay Sarah para makapagtrabaho sa kanyang pinapasukan, asawa ni Joseph na isa ring nurse sa hospital na pinapasukan ni Ted. Joseph (Jhong Hilario) Dating Doktor sa Pilipinas na nag trabahong nurse sa London, asawa ni Karen. Mr. Morgan Isang matandang mayaman na resident sa home for the aged na pinapasukan ni Sarah, naka assigned kay Sarah at naging kaibigan nya sa huli David Anak ni Mr. Morgan, na syang nakipagusap kay Sarah para alagaan ang kanyang Ama Paganap ng Mga Tauhan: Kapansin pansin ang galling ng pag-arte ng gumanap sa pelikulang ito maliban sa iba na hindi naging epektibo at naging bagay sa karakter na kanilang ginanpan. Isang halimbawa dito ay ay si Jhong Hilario na hindi mo mahalatang dating isang doctor bagkus ay mapagkakamalan mong dating tambay lang sa pilipinas lalo na pag iyong babasehan ang kanyang pananalita. Hindi rin naging bagay kay makisig morales ang pagigiing isang batang London dahil sa halatang halata ang pagenglish nito na malayo sa aksento o tono ng isang Briton. Ang eksenang ng pagdalaw ng mag-ina ni Sarah at Paulo sa manila ay hindi naging makatotohanan sa pag arte ng Megastar nang hindi ito mag-mukhang kapatid ng mga kaanak bagkus ay mas mukha itong ibang tao na hiyang hiyang gumalaw at pasulyap sulyap lamang habang ina-asikasu ng kanyang ina at kapatid ang kanyang lola. Ang mga kagilagilas na pagarte ng mga karakter ay makikita mo lamang sa mga iilan, katulad ni Lot Lot De Leon na naging makatotohanan ang pag-arte bilang isang bungangerang ina. Si Gary Estrada na naibigay ang kanyang galig sa pag arte sa eksena nang sya ay mag wala at makipag-away. Bagamat maikli lang ang eksena, naging maganda rin ang pag-arte ng ina ni Sean bilang Norma Felding at Ditas ang boarder na nakuha ni Sarah para umupa sa kanilang bakanteng kwarto. Higit dito ang mga Briton na kasama sa mga pangunahing tauhan ang nagbigay ng malaking ambag sa pagiging maganda makatotohanan ng pelikula. Buod ng Kuwento Ang Caregiver ay isang kwento ng pelikula na kung saan ang asawang lalaking si Ted ( John Estrada) ay naunang mag-trabaho sa London bilang isang nurse. Ipinasya nito ang pagsunod ng kanyang asawang si Sarah ( Sharon Cuneta ) na nooy nagtratrabaho bilang guro sa English sa isang paaralan. Bagamat labag sa kalooban nito ang pagsunod sa asawa, pumayag rin ito kahit na masama ang loob ng kanilang nag iisang anak na Paulo (John Manalo) na kanyang ihinabilin sa kanyang beyenan upang syang tumingin sa bata at dahil narin sa nabenta na ang kanilang bahay at lupa. Naging ma-emosyon ang pag hihiwalay ng mag-ina ng lalo na ng si sarah ay malapit ng umalis na bagamat nahirapan syang kumbinsihin ang binatilyo ay agad rin namang natangap nito ang paglisan ng ina para rin sa kanilang pamilya. Naging maganda ang mga unang araw ni sarah sa London pagsapit nya doon. Agad nilang ginugol ang mga sandali ni Ted sa pagtubos ng mga araw na sila ay magkahiwalay. Pamamamasyal agad ang kanilang inatupag upang maging bihasa ito sa lugar. Nagawa ring mapansin ni sarah ang malaking bahay na tinutulayan nilang mag-asawa kung kayat naitanong nya ito kay Ted, pwedi naman nga silang kumuha ng mas maliit na uupahan kung tutuusin, subalit hindi rin sya lumusot sa kagustuhang iyon ng asawa na kitang kita ang pagiging luksuryoso nito. Si Sean (Makisig Morales) isang anak ng Pilipinang naninirahan doon ( Monique Wilson), ang unang Filipinong nakilala ni Sarah, pangit ang kanilang naging pagtatagpo ng batang ito nang mahuli nya nag nanakaw ng mga

paninda sa isang grocery store. HInabol nya ito upang pagsabihan ngunit agad itong nakahulagpos ng tapakan ang kanyang paa at sigawan sya ng BAGGER OFF na hindi naman naintindihan ng bagong salta sa London kahit na isa itong English Teacher sa Pilipinas, huli na ng malaman nito sa asawa na get lost lang naman pala ang ibig sabihin ng katagang iyon. Hindi nagging mahirap para kay Sarah ang paghahanap ng trabaho, sa tulong ng kanilang kaibigan si Karen (Rica Peralejo) at asawa nitong si Joseph ( Jhong Hilario) ay agad naman syang naipasok nito sa kanyang pinagtratrabahohan. Bagamat nag-aral si Sarah ng kursong Caregiver sa Pilipinas, hindi parin naging madali sa kanyang ang pinasok na trabaho. Halos masuka sya sa pag linis ng dumi ng matanda na naka talaga sa kanya, mabuti nalang at kasama nya mismo si Karen sa trabaho kaya napapalakas nito ang kanyang loob. May mga beses na pinang hihinaan ng loob si Sarah lalo na ng mamatay sa kanyang pangangalaga ang matanda ng Makita nalang nya itong nakatirik ang mata at hindi na gumagalaw sa kanyang pagkakahiga. Sa pakiramadam ni Sarah ay hindi na nya matatagalan ang ganitong trabaho lalo nat ang kanilang mga alagang matanda ay nangaghihintay na lamang ng kanilang kamatayan, kung kayat isinanguni nya kay Ted ang iniisip nyang pag-reresign. Ikinagalit ito ni ted lalo na ng sabihin nya dito na kasya naman sa kanila kahit ang sweldo lang nito ang aasahan, kayat wala na naman syang nagawa sa gusto ng asawa. Maganda ang naging performance ni Sarah sa kanyang panapasukan kung kayat inilipat sya ng manager sa mas class na room kung saan mayayaman lang ang kleyente. Dito nya nakilala si Mr. Morgan isang mayamang matanda na naging masungit ang ugali dahil narin sa kanyang problemang pangkalusugan. Dumanas sya ng mga paninigaw at mga paghawi sa matanda sa tuwing tutulungan nya ito. Umabot sa sukdulan ang pasensya ni Sarah sa matanda ng itapon nito ang pagkain na kanyang idinulog at sigawan sya nito. Madiin at matigas ang mga sumunod na pananalita na kanyang binitiwan na umantig sa damdamin ng matanda With all due respect Mr. Morgan.. If you are not happy with my services, you are free to have replaced all the time, if you want to just lay and be miserable here all the time you are free to do so. But please dont make me look bad or inefficient because I am not. how dare you speak to me this way? I dare because this job mean so much to me, you have know idea what I had to give up jut to get this. Tedious job, do you know that I have to leave my son back home? but I am doing this for him because I want him to be somebody.. I want him to have better chances in life I care about my job sir, I care about you. Sa ganitong pananalita sya inabutan ng anak na babae ni Mr. Morgan kung kayat galit nag alit sa kanya ang dalaga. Ipinagutos kaadad nito sa manager na sya ay palitan. Ganun nalamang ang pagtataka ng manager at ng dalaga ng mismong si Mr. Morgan ang tumutol na palitan ito at sabihing ok lang ang nangyari. Pauwi na si sarah ng mamataan nito ang isang batang binubugbug ng tatlong kabataan, si sean, agad nya itong nilapitan at sinaway ang mga nambubugbog, duguan si Sean dahil sa pagkahampas nito sa pader kung kayat agad nya itong itinakbo sa sa hospital na pinapasukan ni Ted. Doon rin nya nakilala ang ina ng batang si Sean na laking pasasalamat sa kanya. Narito narin sya sa hospital na pinapasukan ng kanyang asawa kayat naisipan nyang dalawin ito. Hindi nya alam kung saan ito pupuntahan kayat dumeritso sya sa information. Laking gulat niya ng sabihin ng frontliner na wala sa listahan ng nurse ang hinahanap nyang pangalan kundi nasa utility ito nakasama. Naguguluhan nitong pinuntahan ang lugar na itinuro ng babaing Briton. Laking pagkamangha ni Sarah ng sa daan pa lang ay mamataan na nito ang asawang nagtutulak ng basura, sinundan nya ito hangang sa loob ng ipunan ng basura habang pinagmamasdan nya ito awa ang naramdaman para dito. Maya maya napa angat ang ulo ni ted, namataan sya nito. Nagusap sila sa canteen at inamin nito ang lahat lahat. Hinawakan nya ang kamay ng asawa ngunit iniurong naman ni ted ang sa kanya, at sinabing wag mo akong kaawaan, ireserba mo nalang iyan sa mga alaga mo halata ang pagka irita ni Sarah kay ted hanagang ngayon kasi pinaiiral parin ito ang sobrang taas ng pride. Ito rin talaga ang dahilan kung bakit kahit qualified na nurse si ted ay hindi matangap tangap dahil sa taas ng pride at katigasan ng ulo, ang totoo eh dalawang beses na syang bumagsak sa evaluation kaya lagging health care assistant lang ang bagsak nya. Isinama si Sarah ni Mr. Morgan at ng anak nitong si David sa pagbakasyon sa kanilang bahay na malayo sa lungsod. Tuwang tuwa sya dito sa unang pagkakataon na nakarating sya sa parting ito ng U.K. masayang masaya ang mag ama ng kanyang alagang matanda at laking pasasalamat naman sa kanya ng anak nitong sa Dave dahil sa pagbalik ng sigla sa mukha ng kanyang ama mula ng si Sarah ang mag-alaga dito. Naging kaibigan na kasi nya ang matanda at naging palagay na ang loob nito sa kanya. Biglaang umuwi si Sarah mula sa bakasyon ng wala ng paalam sa mag-ama, halos maiyak kasi sya sa mga paratang sa kanya ng anak ni Mr. Morgan na babae na kadarating lang at gulat na gulat sa pagkakakita nito sa kanya. Dinig na dinig nya ang paguusap ng magkapatid na sinasabi nitong mayroon syang masamang motibo sa pag alaga ni Sarah sa kanilang ama, at itoy likas na sa mga Pilipina ayon pa sa babaing anak ni Mr. Morgan. Bagamat healt care assistant lang ang trabaho ni Ted ay magarbo ito at maraming bisyo. Ang biglang pagbili nito na mamahaling Flat TV ay labag sa kalooban ni Sarah kayat minsan nya itong kinausap tungkol sa kanyang mga bisyo na agad namang ikinagalit ni Ted. Halos sa renta lang kasi ng bahay napupunta ang kalahati ng kanilang sueldo kayat nang huli na isipan na nyang parentahan ang isang bakanteng kwarto na inihahanda sana nila para sa kanilang anak ni si Paulo. Bumalik si Sarah sa bahay ni Mr. Morgan dahil na rin sa pakiusap ng anak nitong si David at sa biglang pagbasak muli ng kalosugan nito dahil sa biglang pag alis nya dito nung una. Bakas ang tuwa sa mukha ni Mr. Morgan ng magising ang itong nasa harap nya si Sarah ang kanyang tagapaalaga na itinuring nyang mabuting kaibigan. Madamdamin ang mga binitiwang salita ni Mr. Morgan sa kanyang caregiver na ikinaluha nito. is that you Sarah?

yes sir its me, thank you for coming, I long for you because I have a good much time with you I want to tell you something, rember you said to me you have a tedious job? Sometimes, when you least expected someone will come to your life and make you feel less lonely and less alone, for me you are that person, you care for people you gave them what theyve lost for life for many years, you gave them dignity, hope , joy and even fun, there are not many jobs in the world that can top that, so sarah Gonzales, I thank you, Job well done, its so nice to see you. Bahagyang sumigla si Mr. Morgan, muli itong nakalabas ng bahay upang makapaglaro ng lumang sarangola na ayon sa kanya madalas nilang gawin nung bata pa si Dave. Masayang masaya ito habang pinapanood ang sarongola na pinapalipad ni Dave. Isang tawag sa telepono ang kailanangang sagutin ni Dave kaya iniwan nito kay Mr. Morgan ang sarangola, lalong natuwa si Mr. Morgan, nilulusan nito ng nilulusan ang tali ng sarangola hangang ito tumaas ng tumaas at mapatid. Pumunta si Sarah sa lugar na binagsakan ng sarangola, nakita naman nya ito agad. Danampot nya ito upang muling dalhin sa matanda, laking gulat nya ng sa pagbabalik nya nakahandusay na ito at wala ng buhay habang hawak ni Dave. Pag-uwi ni Sarah sa Bahay, naka handusay nanaman si Ted katulad ng dati, noon lang rin nya nalaman na ilang araw na pala itong hindi pumapasok sa trabaho kung kayat na AWOL. hon, umuwi na tayo ng Pilipinas, wala dito ang swerte ko, ani ni Ted, o kung gusto mo lumipat tayo ng ibang bansa, maski saan basta wag lang dito. Wala ng magawa si Sarah, desidido na si Ted sa naging Pasya, wala na syang magawa kundi magpaalam na sa lahat ng kakilala sa London. Handang handa na sina Ted at Sarah papunta sa Airport, pag baba pa lamang ng taxi ni Sarah mabigat na ang bawat hakbang nito. Biglang natumba ang malitang hila hila nya kung kayat naiinis si Ted ano ba yan Sarah bilisan na natin sa pagkakataong ito iba ang naging tugon ni Sarah. hindi na ako sa sama sayo ano? ayoko ko na sumama say , ano nanaman pumasok sa isip mo? ted bakit ba babalik pa tayo sa pilipinas, ano bang naghihintay sa atin dun? wala tayong naipon wala pa tayo trabaho, wala na tayo babalikan dun? anong mukhang ihaharap ko sa anak ko kapag tinanong nya ako, ma, ano pong ginawa nyo sa London? ano sasabihin ko nagpa piktyur? ano nanaman bang pumasok sa isip mo? Ted kung nabigo ka bakit ba kailangan hilahin mo ako pababa kasama mo? Pwedi ba malaman un? Dahil asawa mo ako , kung nasaan ako dun Karin hindi na ngayon ted, dito pa lang naman wala na akong aswang inuuwian eh, kasi wala ka namang pakilaalm sa akin, dios ko , Ted pagod na pagod na ako sa kakaalalay sa iyo. Sa ayaw mo sa gusto mo aalis tayo, wag na, kaya ko na to, pabayaan mo na ako Ted Sarah please mag simula tayo ulit, nagsimula na ako ulit Ted kahit di na kita kasama, di naman pwedi puro nalang plano, ako, may naabot ako dito, may naabot ako noon pa , pero di mo nakita , bakit d mo napansin? Hindi mo ako pweding iwan, pwedi Ted, tapos na ako eh, tapos na ako sa pagiging asawa mo. Diyalogo Maraming sabit at pangit sa pagkakagwa ng script sa pelikulang ito, ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng exaherasyon na hindi nag aakma sa kwento. Isa dito ay ang paghihiwalay ng mag-ina ni Sarah at ng kanyang kaisaisang anak na animoy hindi na magkikita ulit sa mga binitiwang salita. Isa na dito ang pag wika ni Sarah sa anak ng na wag kang magagalit sa akin kahit tumanda kana ha? wag mo akong susumbatan sa huli kung bakit kita iniwan samantalang kasama naman sa plano nila ang pag-sunod ng kanilang anak. Subalit naging maganda naman ang karamihang diyalogo dito na aantig sa damdamin ng manonood. Direksyon Naging maganda ang kabuuan ng pagkakagawa ng batikang direktor na si Chito S. Roo, ang kanyang abilidad sa pag haplos sa puso ng manunuod ay gamit na gamit sa pelikulang ito. Tema/Paksang Diwa Ang tema ng pelikula ay patungkol sa mga bagong bayani o OFW na patuloy na nakikipag sapalaran sa hirap ng buhay at tinitiis ang mga araw at taon na malayo sa pamilya upang mabigyan ng magandang pagkakataon ang mga ito ng sa buhay lalo na mga anak. Dito naka sentro ang kwento ng pelikula na nagpapakita ng realidad ng buhay ng mga nagtratrabaho sa malayong bayan at nakakaranas ng pag mamaltrato at diskriminasyon. Meron rin itong temang pampamilya na naglalarawan ng mga problema sa asawa at anak, kapitbahay, kamag-anak at mga kababayan. Sinimatografi Naging maganda ang bawat senaryo ng pelikula lalo pa malaking porsiento nito ay kinuha pa sa London. Ang bawat angolo dito ay nagpadagdag sa pagiging makatotohonan ng pilikula gawa ng batikang Director of Photography na si Eli Balce. Ang pagkaka-edit ng bawat senaryo ni Manet Dayrit ay tamang tama kung kaya wala kang makikitang pagkakamali dito. Ang bawat paglipat ng senaryo mula sa isang lugar patungo sa iba ay naging isang magandang obra, katulad na lamang ng pagsuot ng jacket ni Sarah sa Pilipinas na biglang nalipat ang senaryo sa London paglayo ng camera. Musika Ang batikang musical director na si Carmina Rubles-Cuya ay naging malikhain sa pagdugsong dugsuong mga musika na naging akma sa bawat senaryo nito, ang kantang may pamagat na Saranggola sa Ulan naging maganda ang dating habang inaawit ng live ni Gary Granada ay bumagay sa palipat lipat na sinaryo ng pagwawala ni

Ted habang inaawat ng asawa. Kabuuang Mensahe Maraming maaring iugnay na mensahe sa pelikula, isa dito ang tungkol sa pagpupunyagi ng isang tao sa isang mababang trabaho na nabigyan ng diginidad dahil sa ito ay napabuti nya ng husto. Hindi lamang pera ang kanyang inani kundi pagmamahal at pagrespeto sa kanyang pinagsisilbihan. Kabaligtaraan naman nitoy pinakita rin ng pelikula ang isang klase ng tao na may mataas na pride, mapaghanap at hindi marunong magmahal sa kanyang trabaho na naging dahilan ng kanyang pagbagsak. Pumapatungkol rin ito sa isang babaing asawa na natagpuan ang hinahanap sa buhay at natotoong makapamuhay at tumayo sa kanyang sarili. Nakapaloob rin sa mensahe ng kwento ang tungkol sa pagsasakripisyo ng isang mabuting ina na pansamantalang inihiwalay ng tadhana sa kanyang anak para sa kapakanan nito. Ipinakita rin ng pelikula ang realidad ng buhay ng mga OFW sa ibang bansa kung paaano ang mga ito minamaltrato at dinidiskrimina sa lupang kanilang dinayo. Ang bawat manonood ay medaling ma-i-uugnay ang kanilang buhay dahil ito ay angkop sa maraming klase ng takbo ng buhay. Isa na rito ang pagawa ng maruming trabaho kapalit ng malaking sueldo kasabay naman ng pagyurak sa dating propesyon nito. Isa sa mga halimbawa nito ay ang ipinakitang buhay ni Joseph sa pelikula ( Jhong Hilario) na isang doctor sa Pilipinas subalit nag aral ng nursing upang makapag abroad at maging nurse sa London, si Sarah na dating teacher ay nag aral rin ng caregiver para mag alaga ng mga matatanda sa isang home for the aged. Maraming magagandang mensahe ang ibinigay ng pelikula na naka base sa realidad ng buhay sa Pilipinas na kapupulutan ng aral at sasalamin sa mga nais maging OFW

Pamagat : a very special love

Mga Nagsipaganap
Sarah Geronimo bilang Laida Magtalas John Lloyd Cruz bilang Miggy Montenegro Dante Rivero bilang Luis Montenegro Rowell Santiago bilang Art Montenegro Johnny Revilla bilang Roger Montenegro Bing Pimentel bilang Alice Montenegro Daphne Osea-Paez bilang Anya Montenegro Al Tantay bilang Tomas Magtalas Irma Adlawan bilang Baby Magtalas Arno Morales bilang Stephen Magtalas Miles Ocampo bilang Rose Magtalas Andre Garcia bilang Lio Magtalas Matet De Leon bilang Zoila Gio Alvarez bilang Vincent Joross Gamboa bilang John Rae

A Very Special Love

Direksyon

Cathy Garcia Molina

Produksyon

Veronique Del Rosario-Corpus Vicente G. del Rosario III

Dulang pampelikula

Raz de la Torre Carmi Raymundo Rose Colindres

Mga gumanap

Sarah Geronimo John Lloyd Cruz

Musika

Jessie Lasaten

Sinematograpiya

Manuel Teehankee

Tagapag-edit

Marya Ignacio

Ipinamahagi ng

ABS-CBN Film Productions Star Cinema VIVA Films

(Mga) petsang inilabas Pilipinas: Hulyo 30, 2008 Estados Unidos: Agosto 15, 2008

Plot : Laida Magtalas is a modern-day Belle who works hard to provide for her family while hoping that
someday she will meet her prince charming and that they will live happily ever after together. That wouldbe prince charming is none other than "Miggy", the youngest member of the Montenegro clan a well established family in the business world. Moony Laida's desire to finally meet Miggy leads her to apply as an Editorial Assistant at his newly launched mens magazine, "Bachelor". In spite of the fact that a relationship with Miggy may prove to be a long shot, Laida revels working in such close proximity with the man of her dreams. he film opens with Laida starting out her day for a job interview with Flippage, owned and manage by her crush Miguel " Miggy " Montenegro. a son of a wealthy and prominent business family ( later revealed in the sequel that the family mains business is in the airline and trade industry). Unbeknownst to her , on the day of her interview, Miggy was having a heated meeting with his creative team on the issue of the Bachelor, Flippages mens magazine. Miggys mean demeanor and undermining of both his friend and editors cause a walkout of half of the team. In the middle of the chaos laida was hired of the spot after

she presented Miggy with coffee left by an attendant who also walked out after being screamed at. The coffee will be a symbolic part throughout the film as Laida would often put post it messages on the coffee cups that she serves Miggy. By some stroke of luck, Laida lands the job. Overwhelmed by being in the presence of her longtime crush and by her recently acquired career, Laida remains blinded to the fact that the Miggy of her dreams is very different from the real one. In reality, he is an unapologetic, hothead who always thinks he's in the right and obsesses about nothing making his magazine number one. Everyone is scared of him with the exception of the love-stuck Laida, who adamantly defends him. Imperceptively, she caters to his every whim, even sending her in his absence on a date with his girlfriend, breaking her heart a little. Her colleagues question her unrelenting devotion to such a monster and when Laida continues to proves her loyalty to Miggy, gossip regarding her feelings for the boss starts to circulate. However the moment was short lived, as the next day after Laida made a suggestion in regards to an article content that Miggy should put for the magazine, Miggy publicly humiliates her and her knowledge of sex and questioned her virtue (virginity) in front of the staff by making her say the word Sex. Miggy was later embarrassed himself after he realized that it was Laida who made the last minute call and effort to find a printing press to do a rush job on their magazines overhaul. After being chastised by the despotic Miggy, Laidas finally opens her eyes and sees him for the tyrant he truly is. The confrontation with Laida was a rude awakening for Miggy as well and he realizes why people are so put-off by him. Miggy then tries with much difficulty on his part of apologize in his own way to Laida. First by ordering pizza for the team and serving a slice himself to her. Which Laida ignores. Laida, now disenchanted with Miggy was called in by her officemates to go to Miggys condo to deliver the article drafts for approval much to her dismay. As well it was her mothers birthday. However upon arriving in Miggys apartment, she found Miggy high with fever with very little food or necessities in his apartment, with no househelp or family to care for him. Laida took care of Miggy, missing her own mothers birthday. Miggy woke up during a break in fever and saw the exhausted Laida next to him patting his back as a mother would to a sick child. This prompted Miggy to realize his feelings to Laida igniting a change in him and wishing Laida to be more closer to him as well as being more friendly with the rest of his team. The productivity and atmosphere of the company thus also changed in a positive note. Miggy also became comfortable enough to tell laida the truth behind his past, that he was an illegitimate child of his father later adopted to the main family after his mothers death. Thus his strong desire to prove himself to his father and brother. For the first time in his life, Miggy garners the gumption to apologize and this newfound humility opens up a whole new world of firsts for Miggy. With Laida's help, Miggy slowly learns to be more of a team player and the true value of loyalty.

Nirerekomenda ko ito sa mga kabataan na panoorin nila ang Anak dahilito ay kapupulutan ng aral pero dapat meron itong gabayan ng kanilangmga magulang dahil sa mga masasamang salita sa pelikula. Sanatinanggal na lang yung mga masasamang salita sa pelikula dahil bakagayahin ito ng mga batang manonood at sana hindi na ipinakita yungscene na lumaban ang anak sa ina dahil baka gayahin din ito ng mgamanonood na kabataan.

Simple lang ang istorya. Pinatingkad lang ang pelikula ng matitindingdialogues. Tamang-tama ang pasok ng flashback scenes nanagpapaliwanag sa ugali ng mga tauhan.Kung tutuusi hindi na iba angtema ng pelikula, pero ang pagkakaiba nito ay ang mga artistangnagbibigay buhay sa papel na kanilang ginagampanan. Damangdamanamin ang panonood, naluluha-luha na kami sa mga eksenangnapapanood. Grabeng mga linya, nanggagaling sa puso kaya tumatagossa puso.Maganda ang pelikula tungkol ito sa ugnayan ng isang ina atkanyang mga anak na iniwan niya sa Pilipinas Sa tingin ko ang Anak aymagandang pamagat akmang akma ito sa palabas. Pinapalabas dito angtunay na karanasan ng isang tao, kapupulutan ito ng aral maganda angpagkakaayos ng direktor sa pelikula magagaling ang mga gumanap naartista. Maganda ang sinematograpiya nakatulong ang pag-iilaw sapagtatampok ng mga mahahalagang eksena at malikhain ay maylayunin din ang galaw ng camera. Maganda ang iskrip ito ay tungkol saisang ina na nag abroad para matustusan ang kanyang tatlong anak.Maganda ang musika ay orihinalidad ang pag lapat ng tunog nakatulongang awitin upang maunawaan ang tema ng pelikula. Magagaling angmga nagsipagganap Sa pelikula magaling umarte si Vilma Santos

nagampanan niya ng maayos ang role niya bilang nanay sa pelikulanaging pinakamahusay na aktres si Vilma Santos noong ika-17 StarAwards. Magaling din si Claudine Baretto nagampanan din niya ngmaayos ang role niya bilang isang anak na nagrerebelde. Nagingpinakamahusay na pelikula ang Anak sa Catholic Mass Media Awards.

Baler TAUHAN: Anne Curtis - Feliza Reyes Jericho Rosales - Celso Ressurecion Phillip Salvador - Daniel Reyes Baron Geisler - Capt. Enrique Fossi de las Morenas Bernard Palanca -Lt. Juan Alonzo Zayas Carlo Aquino -Gabriel reyes Nikki Bacolod -Luming DJ Durano -Pablo Joel Torre -Commandante Teodorico Luna Novicio Mark Bautista -Lope Michael de Mesa -Fr. Candido Gomez Carreno Leo Martinez -Col. Calixto Villacorte Mikel Campos -Flag Bearer Allen Dizon -Lt. Col. Simon Tecson Ryan Eigenman -2nd Lt. Saturnino Martin Cerezo Rio Locsin -Azon Reyes Jao Mapa Mauro (Pilipino/Rebelde) Arvee Quizon -Diego (Pilipino/Rebelde) Andrew Shimmer -Lt. Jose Mota Pj Valerio -sundalong espanyol (Pilipino/Rebelde) Alvin Anson -Gregorio Catalan Valero

William Herrera -Onofre Zialcita Joaquin Casado -Dr. Rogelio Vigil de Quinones Edward Perez -tagaluto Martin Joseph -tiga-hatid ng sulat

Joo Godall -amerikanong Sundalo IV. KONKLUSYON Sa kabuuang larawan, masasabi kong isang obra ang pagkakalikha ng pelikula ito. Hindi dahil lang sa director, sa mga aktor na nagbigay buhay, at sa inilaang budget para sa produksyon kundi itoy dahil sa isang magandang istorya. Isang istorya na minsan narinig na natin sa ating mga nuno. Isang kwento ng wagas na pag-ibig ngunit nang dahil sa pagkakaiba, nasa-alang-alang ang pag-ibig na ito. REKOMENDASYON Bilang guro sa sekundarya, ipinapayo kong panoorin ito ng mga mag-aaral. Hayaan silang kilatisin ang pelikula. Hindi kung paano ito ginawa kundi ang kwento mismo. Maari itong iugnay sa kanilang talakayan sa Asignaturang Araling Panlipunan, Filipino, at Edukasyong Pagpapahalaga. Maaari ring magsulat ng isang liham ang mga mag-aaral para na nagpapa-abot ng mensahe sa pamahalaan para isulong ang peace talk sa mga rebeldeng mamamayan ng ating bansa para matigil ang digmaan.

You might also like