You are on page 1of 4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (EPP) V

HOME ECONOMICS

L.C. 1.5 Naipakikita ang pagkamaparaan sa pagbubuo ng proyekto


L.C. CODE: EPP5HE0g-18

Layunin: 1. Natatalakay ang mga paraan sa pagbuo ng face mask


2. Nakakagawa ng face mask sa malikhaing paraan
3. Napapahalagahan ang nagawang facemask

Sanggunian: 1. https://brainly.ph/question/1812564
2. https://www.smartparenting.com.ph/health/your-health/paano-
gumawa-ng-no-sew-face-mask-a00307-20200415

ALAMIN NATIN

Ang face mask ay isang uri ng proteksyon o pantakip sa ating ilong, bibig at kung minsan
ay tenga at leeg laban sa alikabok, init, polusyon ay virus.
Sa ating kasalukuyang panahon, marami ng bagay ang nasa paligid na maaring
makasama sa ating kalusugan. Kaya mainam na ating protektahan ang ating katawan sa anumang
bagay na maaaring makasama sa atin. Gaya ng polusyon, alikabok, init ng araw, usok, sakit,
virus at iba pa. Ang pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 o kilala sa tawag na COVID-19 ay
lubos na nakakabahala sa dami ng tao na naapektuhan nito at maaaring ikasawi pag hindi
naagapan. Kaya panatilihin natin ang kalinisan sa katawan sa pamamagitan ng paghuhugas
palagi ng mga kamay at pagsuot ng face mask. Ang face mask ay dapat ginagamit araw araw.
May iba't ibang klase ng facial mask para sa iba't ibang gamit.
1. N95 face mask ay maaaring panlaban sa alikabok at virus. Ito ay may carbon filter na
kayang magsala ng alikabok at virus.
2. Surgical mask naman ang para maprotektahan ang sarili sa sakit, virus o alikabok rin.
3. Pita mask ay isang uri ng foam absorbent mask.
4. Cloth mask ay uri ng mask na yari sa tela na washable na ginagamit upang matakpan
ang iyong ilong at bibig laban sa alikabok.

Paraan ng paggawa ng no-sew face mask na hango sa bersyong gawa ng blog na Japanese
Creations.
Mga kakailanganin mo para sa iyong no-sew face mask:
 Makapal na panyo
 Tali ng sapatos
 Gunting

Paalala: Linising mabuti ang sintas ng sapatos o shoelace kung gagamit ka ng luma. Tandaan!
Ilalagay mo ito malapit sa iyong mukha kaya kailangan malinis na malinis ito.

Mga hakbang sa paggawa:

1. Ilatag ang makapal na panyo sa isang malinis na lamesa.


2. Tiklupin ang kalahating bahagi papunta sa gitna. Gawin ito sa magkabilang
dulo.

3. Baligtarin.
4. Tiklupin ang kalahating bahagi papunta sa gitna. Gawin ito sa magkabilang
dulo.

5. Gupitin ang sintas ng sapatos ayon sa haba na kasya sa iyong mukha.


6. Itali ito para maging bilog. Gawin sa magkabilang dulo. I-adjust ang laki
ayon sa hugis ng inyong mukha.

7. Itiklop ang panyo papunta sa gitna para matakpan at maipit ang mga bilog
na tali.
8. Binatin at i-adjust ayon sa laki ng iyong mukha. Pwede mo nang isuot ang
iyong DIY no-sew face mask!

Gawain 1

Panuto: Paghambingin ang mga salita sa Hanay A sa kanilang mga larawan o kahulugan
na nasa Hanay B. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot.

Hanay A Hanay B

________1. Face mask a.


________2. N95 face mask b.

________3. Surgical mask c. proteksyon o pantakip sa ating


ilong, bibig at kung minsan ay tenga at
leeg laban sa alikabok, init, polusyon ay
virus

________4. Pitta mask d.

________5. Cloth face mask e.

Gawain 2
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga paraan ng paggawa ng DIY no-sew face mask. Isulat
ang bilang 1 – 10 sa patlang bago ang pangungusap.

_________ Baligtarin ang nakatuping tela.


_________ Binatin at i-adjust ayon sa laki ng iyong mukha.
_________ Gupitin ang sintas ng sapatos ayon sa haba na kasya sa iyong
mukha.
_________ Ilatag ang makapal na panyo sa isang malinis na lamesa.
_________ Tiklupin ang kalahating bahagi papunta sa gitna. Gawin ito sa
magkabilang dulo.
_________ Ihanda ang mga kakailanganing gamit at siguraduhing malinis na malinis ito.
_________ Pwede mo nang isuot ang iyong DIY no-sew face mask!
_________ Itali ito para maging bilog. Gawin sa magkabilang dulo. I-adjust ang laki ayon sa
hugis ng inyong mukha.
_________ Itiklop ang panyo papunta sa gitna para matakpan at maipit ang mga bilog na tali.
_________ Pagkabaliktad, tiklupin ang kalahating bahagi papunta sa gitna. Gawin ito sa
magkabilang dulo.

Gawain 3

Panuto: Gumawa ng iyong sariling DIY no-sew face mask.


Kagamitan:
o Makapal na panyo
o Tali ng sapatos
o Gunting

Rubriks ng puntos sa paggawa ng proyektong DIY no-sew face mask

Pamantayan Ganap na Puntos Puntos ng bata


Kalinisan ng mga ginamit
3
sa paggawa
Ayos ng gawa 3
Tibay ng pagkagawa 4
Kabuuan 10

You might also like