You are on page 1of 2

Ikaapat na Lagumang Pagsusulit sa HEALTH 2

Ikalawang Markahan ( Modyul 7 at 8 )

Pangalan:_________________________________________________________________________ Iskor:_________
I.Basahin at unawain ang mga sumusunod na wastong pangangalaga ng sa mga organong pandama.Isulat ang Mabuti
kung ito ay wastong pangangalaga at Hindi Mabuti naman kung hindi tamang pangangalaga.
_______________1. Ang pagkamot sa iyong mata kung makati ito ay makapagdulot ng
impeksiyon lalo na kung ang kamay mo ay marumi.
_______________2. Makasisira sa balat sa ilalim ng iyong ilong ang pangungulangot.
Maraming dumi at germs na sanhi ng sakit ang mapupunta sa iyong
ilong mula sa mahaba mong kuko.
_______________3. Magandang paraan upang makaiwas sa sakit ang pagiging malinis.
Pinoprotektahan ng pagligo ang iyong pandama (balat) sa panunuyo
at mga sakit sa balat. Pinapanatiling malinis ng pagsesepilyo ang iyong
bibig. Mas napapasarap nito ang lasa ng pagkain.
_______________4. Makasasama sa iyong tainga ang pakikinig sa napakaingay na
tugtugin.
_______________5. Nakakapagpagaling ng sakit sa balat ang mga ointment na iniriseta
ng doktor. Mag-ingat sa paglagay ng mga ointment na hindi inireseta
ng doktor dahil maaari kang ma-allergy sa balat dahil dito.
II.Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at Mali naman kung hindi wasto.
___________6. Pagpahingahin mo iyong mga mata paminsan-minsan.
___________7. Iwasang manood nang napakalapit sa telebisyon.
___________8. Takpan mo ang iyong mga mata at ilong mula sa alikabok.
___________9. Huwag magpasok ng anumang bagay sa loob ng iyong tainga at ilong.
___________10. Iwasan ang pakikinig sa napakalakas na tugtugin.

III. Basahin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
_______11. Anong kagamitan ang ginagamit sa paglilinis ng buhok?
a. Sabon b. gugo c. shampoo d. tuwalya
_______12. Anong sakit sa buhok ang makukuha dulot ng pagbibilad sa araw?
a. Dadami ang kuto c. gaganda ang buhok
c. kukulot ang buhok d. kikintab ang buhok
_______13. Para maayos, kaaya-aya at malinis tignan ang ang balat pagkatapos maligo, ano ang iyong gagamitin?
a. oil b. lotion c. sabon d. conditioner

_______14. Si luisa ay taos ng maligo, ano ang kanyang gagamitin pagkatapos maligo para matuyo ang kanyang balat?
a. tuwalya b. labahan c. damit d. face towel
______15. Ang sobrang init at sikat ng araw ay maaaring makasira ng ating balat.
a. Tama b. mali c. siguro d. lahat ng nabanggit
IV. Isulat ang tsek (/) kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at ekis (X) naman kung hindi.
_______16. Naliligo dalawang beses sa isang araw.
_______17. Gumagamit ng sabon sa paliligo.
_______18. Nanghihiram ng suklay, sombrero at iba pang gamit sa ulo.
_______19. Naglalaro sa ilalim ng init ng araw.
_______20. Kumain ng masustansiyang pagkain upang mapanatiling malusog ang buhok at balat.

You might also like