You are on page 1of 3

NAN SING SCHOOL OF CAUAYAN CITY, INK.

Dalupang St., Cauayan City, Isabela


Telefax No. (078) 652-20-40

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


GRADE 6

PANGALAN: ____________________________________________________ ISKOR:


___________

I. MARAMIHANG PAGPIPILI. Piliin ang pinaka-angkop na sagot. (2 puntos)

_______ 1. Ito ay ginagawa araw-araw upang maiwasan ang di kanais-nais na amoy ng katawan.
A. Pag-aalaga ng buhok K. Paliligo
B. Paghuhugas ng kamay D. Pagsisipilyo

_______ 2. Ito ay ang pagsusuklay at paggamit ng shampoo upang maging maganda at malinis ang
buhok.
A. Pag-aalaga ng buhok K. Paliligo
B. Paghuhugas ng kamay D. Pagsisipilyo

_______ 3. Ito ay ang paglilinis ng mukha upang maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat.
A. Pag-aalaga ng paa K. Paghuhugas ng kamay
B. Paghihilamos D. Pagsisipilyo

_______ 4. Ito ay ang tamang pag-aalaga ng ngipin upang makaiwas sa pagkasira nito.
A. Pag-aalaga ng paa K. Paghuhugas ng kamay
B. Paghihilamos D. Pagsisipilyo

_______ 5. Isinasagawa ito upang makaiwas ang ating kamay sa mga mikrobyo at bacteria.
A. Pag-aalaga ng paa K. Paghuhugas ng kamay
B. Paghihilamos D. Pagsisipilyo

_______ 6. Ito ay isinasagawa upang mapanatiling malinis ang ating paa.


A. Pag-aalaga ng paa K. Paliligo
B. Paghuhugas ng kamay D. Pagsisipilyo

_______ 7. Ito ang tema sa naganap na Nutrition Month Celebration.


A. Balance Diet Gawing Habit for Life K. Healthy Diet Gawing Habit for Life
B. Eat Right Gawing Habit for Life D. Wastong Nutrisyon Isulong

_______ 8. Ilang oras ang regular na tulog ng isang bata?


A. 6-8 oras K. 4-5 oras
B. 8-10 oras D. 3-6 oras

_______ 9. Kailan dapat maghugas ng kamay ang isang bata?


A. Bago at pagkatapos kumain K. Pagkatapos maglaro
B. Pagkatapos gumamit ng CR D. Lahat ng nabanggit

_______ 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi pag-aalaga ng buhok?


A. Paggugugo K. Lahat ng nabanggit
B. Pagsusuklay D. Wala sa nabanggit

Page1 of 3
II. PAGHAHANAY. Ihanay sa HANAY A ang tamang sagot sa HANAY B. (2 points)

HANAY A HANAY B
_______ 1. Ibabad ang namantsahang bahagi ng damit sa _______ 9. Kuskusin ng
gaas o thinner. calamansi na may
_______ 2. Kuskusin ng bulak na may hydrogen at asin at ikula sa
peroxide araw
_______ 3. Ibabad sa malamig na tubig na may sabon,
kusutin pagkatapos banlawan A. Pintura
_______ 4. Ibabad sa malamig na tubig at buhusan naman B. Tsokolate
ng mainit na tubig K. Dugo
_______ 5. Lagyan ng asin at suka ang bahaging D. Langis
namantsahan. E. Kalawang
_______ 6. Labhan agad sa maligamgam na tubig na may G. Tinta
sabon at banlawan H. Softdrinks
_______ 7. Kusuting mabuti ng sabon at banlawan I. Kosmetiko
_______ 8. Ibabad kaagad sa tubig na may sabon at isang L. Putik
kutsaritang ammonia M. Dagta ng prutas

III. TAMA MALI. Isulat ang  kung tama, X naman kung mali sa patlang bago ang bilang.

_______ 1. Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa


isa’t isa.
_______ 2. Mahalagang ipadama mo sa bawat kasapi ng iyong pamilya ang importansya niya sa
loob ng tahanan.
_______ 3. Hindi mahalaga ang paniniwalang ispiritwal sa isang pamilya
_______ 4. Mahalagang maglaan ng tamang panahon para magkasama-sama ang isang pamiya
_______ 5. Masaya ang isang pamilya kung ang ina lang ang gumagawa ng gawaing bahay.
_______ 6. Karapatan ng isang bata ang isilang at mabuhay
_______ 7. Karapatan ng isang bata ang pumili ng kanyang pamilya at tahanan
_______ 8. Karapatan ng isang bata ang mabuhay ng payapa at manirahan sa tahimik na
pamayanan.
_______ 9. Karapatan ng isang bata ang mapaunlad ang kanyang kakayahan at talent
_______ 10.Karapatan ng isang bata ang maging sakitin
_______ 11.Karapatan ng isang bata ang maglaro
_______ 12.Karapatan ng isang bata ang mabigyan ng proteksyon
_______ 13.Karapatan ng bata ang makapag-aral
_______ 14.Karapatan ng isang bata ang sumawsaw sa usapan ng matatanda
_______ 15.Karapatan ng isang bata ang masabi ang nasa isip( freedom of speech).

IV. PAGTUKOY. Tukuyin ang tamang sagot. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
A. Ama E. Ina
B. Anak F. Matriyarkal
C. Egalitarian G. Nukleyar
D. Ekstended F. Patriyarkal

_______ 1. Siya ang tinaguriang haligi ng tahanan.


_______ 2. Siya naman ang tinaguriang ilaw ng tahanan
_______ 3. Sila ang sentro ng pagmamahal ng isang magulang.
_______ 4. Ito ang anyo ng isang pamilya na kung saan ang ama o pinakamatandang lalaki ang
kinikilalang pinakamakaangyarihan sa pamilya.
_______ 5. Ito ang anyo ng isang pamilya na kung saan ang pamumuno at pagpapasya sa pamilya
ay nakaatang sa kapwa lalaki at babae.

Page2 of 3
_______ 6. Ito ang anyo ng isang pamilya na kung saan ang babae ang kinkilalang may
kapangyarihang magpasya at mamuno sa tahanan.
_______ 7. Ito ang pamilya na binubuo lamang ng mga magulang at mga anak.
_______ 8. Ito ang pamilya na binubuo hindi lamang ng ama, ina at anak kundi ng iba pang mga
kaanak tulad ng lolo, lola o mga kapatid ng mga magulang.

V. ESSAY.
Ilarawan ang katangian ng bagong silang na sanggol. (9 puntos)

Inihanda ni: Iwinasto ni:


VRENILLE AVY P. VILLANUEVA MARLON PAUL J.
COLOMA, MAEd.
TLE Teacher Principal

Page3 of 3

You might also like