You are on page 1of 3

Name: Date:

EsP 4
Summative Tests
Quarter 4

ST#1 (W1)
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa papel ang napiling sagot.
_____1. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng tamang pangangalaga sa sarili?
A. Pag-eehersisyo minsan sa isang linggo.
B. Kumain ng sapat at masustansyang pagkain
C. Natutulog nang apat hanggang limang oras bawat araw
D. Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil nakasisira ito ng tiyan.
_____2. Si Lian ay laging kumakain ng tocino, fried chicken at hotdog. Ano ang maaaring mangyari
sa kanyang kalusugan?
A. Magiging mahina C. Magiging maliksi
B. Magiging masigla D. Magiging maganda
_____3 . Alam mong masustansya ang gulay ngunit ayaw mong kumain nito. Inimbitahan ka ng
kaibigan mo ngunit ang ulam nila ay gulay. Ano ang iyong gagawin?
A. Susubukan kong kainin ang gulay.
B. Itatabi ko sa gilid ng plato ko ang gulay.
C. Uuwi na lang ako sa amin at doon ako kakain.
D. Ipapakain ko sa aso ang gulay na hindi nila nakikita.
_____4. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapamalas ng pagpapahalaga sa kapwa?
A. Pagbabahagi ng pagkain sa walang makain.
B. Umaakay sa mga matatandang tumatawid sa lansangan.
C. Hindi pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
D. Pinakikitunguhan ang mga taong may kapansanan tulad ng pakikitungo ko sa iba.
_____5. Alin sa sumusunod ang hindi tamang gawi sa pakikipag-kapwa?
A. Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati ang pagsisimba.
B. Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati sa pagliban sa klase.
C. Pagsunod sa lahat ng nais niyang gawin pati sa pagagawa ng takdang aralin.
D. Pagsunod sa lahat ng nais gawin sa bahay katulad ng paghuhugas ng plato at
pagtulong sa mga gawaing bahay.
_____6. Bakit kailangang pahalagahan natin ang ating buhay?
A. Dahil masayang mabuhay.
B. Dahil ipinanganak ka ng nanay mo.
C. Dahil kailangan tayo sa mundong ibabaw.
D. Dahil ang buhay ay kaloob ng Diyos at kailangan natin itong alaagaan.
_____7. Buuin ang kasabihang, “Nilikha ng Diyos ang kapwa upang ating ating
maging_____________”?
A. alila B. kaaway C. kaaway D. katuwang
_____8. Si Lola Amanda na 78 taong gulang ay mag-isang naninirahan sa kanyang bahay sa Brgy.
San Pedro, Vigan City at malayo sa kanyang pamilya. Napansin mong lagi siyang
malungkot. Ano ang maaari mong gawin para sa kanya?
A. Hindi papansinin at iiwasan na lang.
B. Tatanungin ko siya kung bakit siya malungkot.
C. Maglalaro sa harap ng kanyang bahay kasama ang mga kalaro.
D. Pupuntahan ko siya sa kanyang bahay at makikipagkwentuhan o di kayay aliwin siya.
_____9. Tayo ay nilikha upang ipahayag o ipakilala ang kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ng
paggawa ng______?
A. Kabutihan sa kapwa C. Kasamaan sa kapwa
B. Kamuhian sa kapwa D. Kalokohan sa kapwa.
_____10. Si Susan ay hindi naliligo araw-araw, ano kaya ang maaring mangyari sa kanya?
A. Magkakasakit C. Magiging malusog
B. Magiging aktibo D. Magiging maganda

ST EsP4 Page 1
ST#2 (W2)

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap tungkol sa pangangalaga at
pagprotekta sa hayop na ligaw at endangered animals at M naman kung mali. Isulat ang iyong sagot
sa iyong kuwaderno.

_______ 1. Panghuhuli ng baboy-ramo sa kagubatan upang patayin.


_______ 2. Pagbibigay sa tamaraw ng pagkaing damo.
_______ 3. Pagsangguni sa Animal Welfare Committee para sa wastong pangangalaga sa mga
hayop.
_______ 4. Pagtirador sa ibong agila na nakikitang nakadapo sa punong kahoy.
_______ 5. Panghuhuli sa usa upang kunin ang sungay at ibenta ito.
_______ 6. Pagdadala ng sawa sa Manila Zoo upang doon alagaan.
_______ 7. Panggugulat sa mga tarsier habang natutulog ang mga ito.
_______ 8. Pagtatanim ng mga kahoy upang maging tirahan ng mga hayop.
_______ 9.Pagsumbong sa may kapangyarihan tungkol sa anumang panggigipit sa mga endangered
animals.
_______ 10. Panghuhuli ng pond turtle upang ibenta.

ST#3 (W3)

Panuto: Isulat ang (√) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pangangalaga
sa ating mga halaman at kapaligiran at ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
______1. Pagdidilig ng halaman araw-araw.
______2. Pag-aayos ng mga nabuwal na halaman na aking nadaanan sa hardin ng aming
kapitbahay.
______3. Hahayaan ko ang mga alaga naming aso na ibinubuwal ang mga tanim ni nanay sa paso.
______4. Paglalagay ng mga tuyong dahon ng mga halaman sa compost pit upang maging
organikong pataba.
______5. Pinipitas ko ang mga bulaklak na aking nakikita.
______6. Gumagawa ng kampanyang humihikayat sa pagpapalago ng mga tanim at halaman.
______7. Ibinubuwal ng mga mag-aaral ang mga halaman sa paaralan.
______8. Hinahayaang matuyuan anag lupa ng mga halaman.
______9. Pinipitas na ang mga maliliit pang gulay sa bakuran.
_____10. Pinapasikatan sa araw ang mga nakapasong bulaklak ng nasa tamang oras lamang.

ST#4 (W4)

A. Panuto: Isulat ang W kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at nagpapakita ng


pangangalaga sa mga gamit o kagamitan at HW naman kung hindi wasto ang ipinapakita.
Isulat ang sagot sa iyong papel.

_____1. Ginagamit ko nang may wastong pag-iingat ang mga gamit o kagamitan sa aming bahay
upang hindi masira.
_____2.Itinatago ko sa kahong matibay ang mga gamit o kasangkapang hindi ko na ginagamit.
_____3.Gumagamit ako ng baso kung ako ay nagsesepilyo upang hindi masayang ang tubig.
_____4.Iniiwan ko sa mesa ang mga baso, pinggan, kutsara, at tinidor na ginamit ko sa pagkain.
_____5.Hinihikayat ko ang aking mga kamag-aral na gamiting muli ang likod ng mga papel at
kuwaderno na wala pang sulat.

B. Panuto: Isula ang K kung ang mga tinutukoy ay galing sa ating kapaligiran at T kung ito
naman ay ginawa ng tao. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

_____1. Puno
_____2. Mesa
_____3. Prutas
_____4. Aklat
_____5. aso

ST EsP4 Page 2
ST#5 (W5)
A. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______1. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng Pilipinas. Ang mga
mamamayan ng ating bansa ang may angking talino, kasanayan, kakayahan, at lakas
upang makagawa ng iba’t ibang bagay o produkto at ang mga serbisyong tutugon sa mga
pangangailangan natin.
A. Yamang Likas B. Yamang Gawa ng Tao C. Yamang Mineral
______2. Ito ay ang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng kaunlarang
pangkabuhayan. Ito ang yamang biyaya ng kalikasan.
A. Yamang Likas B. Yamang Gawa ng Tao C. Yamang Mineral
______3. Ayon sa batas na ito mas kailangang bigyang pansin ang pagpapahinto ng mga gawaing
nagpaparumi ng hangin.
A. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code
B. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
C. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act
______4. Noong Marso 2004 ipinatupad ang batas na ito bilang sa kahalagahan ng proteksyon ng
mga yamang-tubig at ng katubigan sa Pilipinas.
A. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code
B. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
C. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act
______5. Ito ay batas na naglalayong protektahan ang kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas.
A. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code
B. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
C. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act

B. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang mungkahing paraan ng pangangasiwa ng likas
na yaman ng bansa ay wasto at ekis (X) kung hindi wasto.

______1. Hayaang nakabukas ang gripo kahit na umaapaw na ang tubig sa balde.

______2. Buksan ang telebisyon kahit walang manoonod dahil hindi naman ikaw ang nagbabayad
ng bayaran sa kuryente.

______3. Gawin ang programang 3Rs (Reuse, Reduce, Recycle).

______4. Ipagwalang bahala ang mga batas pangkalikasan.

______5. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga bakanteng lote.

djb2021

ST EsP4 Page 3

You might also like