You are on page 1of 30

Magandang

Buhay
Kumusta Kayo?

😂😉😋😒😭
REFRESHING ACTIVITY
Mula sa mga larawang ipapakita,
tukuyin kung ang mga ito ay dahilan o
epekto ng climate change. Thumbs Up
kung ang larawan ay tumutukoy sa
dahilan at Thumbs Down naman kung
ito ay epekto ng climate change.
2
Pagsusunog ng mga Fossil Fuel
Matinding Tagtuyot
Parami nang parami ang mga sunog sa
kagubatan
Paghahawan sa kagubatan o deforestation
VIDEO ANALYSIS
Panuorin at suriin ang video clip
kaugnay sa Bagyong Ondoy,
taong 2009 at sagutin ang mga
pamprosesong tanong kaugnay
rito.
Pamprosesong Tanong
1. Paano mo haharapin ang mga ganitong
sitwasyon?
2. Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda para
sa mga banta ng iba’t ibang hamong
pangkapaligiran na ating nararanasan?
3. Sa kontemporaryong perspektibo, paano mo
maiuugnay ang nakapaloob sa video clip sa
paksang tatalakayin ngayon?
ARALIN 1: Paghahandang
Nararapat Gawin sa
Harap ng Panganib na Dulot
ng
Suliraning Pangkapaligiran

Paksa 1: DISASTER
MANAGEMENT
Kasanayang Pampagkatuto
▸ Natutukoy ang mga paghahandang nararapat
gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga
suliraning pangkapaligiran. (MELC3)
• Bibigyang kahulugan kung ano ang
Disaster Management.
• Iisa-isahin ang mga konsepto o termino na
may kaugnayan sa Disaster Management.
Kung sakaling magkakaroon ng kalamidad sa
inyong lugar, alam mo ba iyong gagawin? Kung
saang ligtas na lugar ka maaaring lumikas?
kung kanino ka hihingi ng tulong? Ang sagot sa
mga tanong na ito ay ilan lamang sa mga dapat
mong malaman upang maging ligtas ka sa
panahon ng kalamidad. Ang pagiging ligtas ng
isang komunidad sa mga sakuna ay
nakasalalay sa pagkakaroon ng isang mahusay
na disaster management.
“Ano ang Disaster
Management?
DISASTER
MANAGEMENT
▸ Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na
sumasakop sa pamamahala, pagpaplano, pag-oorganisa,
pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
▸ Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ito ay tumutukoy sa
iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang
kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
▸ Ito ay tumutukoy sa organisasyon at pamamahala ng mga
resources at ang responsibilidad sa pagharap sa lahat ng
makataong aspeto ng emergencies, higit sa lahat ang
paghahanda, pagtugon at pagbawi upang mabawasan ang
epekto ng mga sakuna
“ Mga konsepto o
termino na may
kaugnayan sa Disaster
Management
HAZARD Panganib
Ito ay tumutukoy sa mga banta na
maaaring dulot ng kalikasan o ng
gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan,
maaari itong magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan.
Dalawang uri ng hazard
Anthropogenic o Human- Natural Hazard
induced Hazard ito naman ay tumutukoy
ito ay tumutukoy sa mga sa mga hazard na dulot
hazard na bunga ng mga ng kalikasan. Ilan sa
gawain ng tao. Ang maitim na halimbawa nito ay ang
usok na ibinubuga ng mga bagyo, lindol, tsunami,
pabrika at mga sasakyan ay thunderstorms, storm
ilan sa mga halimbawa ng surge, at landslide
anthropogenic hazard.
Ihambing mo ako
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga larawan.
DISASTER
DISASTERKalamidad
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot
ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga
gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang disaster
ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng
bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at
polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng
hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng
isang pamayanan na harapin ang mga hazard.
VULNERABILITY
Tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at
imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng
kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan.
Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na
gawa sa hindi matibay na materyales.

Kahinaan/Mahina
RISK Peligro
Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa
tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng
isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi
ng pamayanan ang kadalasang may mataas
na risk dahil wala silang kapasidad na
harapin ang panganib na dulot ng hazard o
kalamidad.
RESILIENCE-
RESILIENCE
Ang Katatagan
pagiging resilient ng isang komunidad ay
tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang
mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging
resilient ay maaaring istruktural, ibig sabihin ay
isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang
maging matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga
mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng
kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong
upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.
REMEMBER
Disaster occurs when a hazard impacts
vulnerable people. The combination of
hazards, vulnerability, and inability to
reduce the potential negative
consequences of risk results in disaster.
HAZARD Brilyante
▸ Mula sa ginawang malayang
talastasan, isulat sa pisara ang
mga halimbawa ng hazards at
disaster na maaaring natural o
gawa ng tao batay sa mga brilyante
ng mga sangre.
Paglalahat

Nalaman ko na ang disaster


management ay _________
Paglalapat
Pamprosesong Tanong:
1. Maituturing mo bang vulnerable ang inyong
komunidad sa mga hazards at disasters?
Paano mo ito nasabi?
2. Masasabi mo bang resilient ang mga
mamamayan ng inyong komunidad sa oras
ng kalamidad? Pangatwiranan ang sagot
Pagpapahalaga

Mahalaga na malaman ang


disaster management
sapagkat ______________
Pagtataya
Punan ng tamang sagot ang sumusunod na pangungusap. Ibigay
ang hinihingi ng sumusunod na pahayag. Gumamit ng sariling
sagutang papel.
1. Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot
ng kalamidad.
2. Tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na
posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
3. Ito ay isang hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
4. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at
pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
5. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Takdang Aralin
1. Ano ang RA No. 10121?
2. Ano ang 2 pangunahing layunin ng Philippine Disaster
Risk Reduction and Management Act of 2010?
3. Ano ang Community-Based Disaster and Risk
Reduction Management Approach (CBDRM)?
4. Bakit kailangan ang CBDRM Approach sa pagharap sa
mga hamon at suliraning pangkapaligiran?
5. Ano ang 2 approach na ginagamit upang tumugon sa
epekto ng mga sakuna at kalamidad?

THANKS!

You might also like