You are on page 1of 2

Patak ng Pagmamahal

Ni Marielle P. Margarito

Sa kinakaharap nating mga problema tumulong ka ba o nagpapabigat? Nagagamit mo


rin ba ang pinag-aralan mo o hanggang aral ka lang? Sa paglipas ng panahon kasabay ng
pag-unlad ng sibilisasyon patungo sa modernisasyon ay sumasabay din ang malakas na
hampas ng problemang kinahaharap ng buong mundo. Isa na rito ang paglaban natin sa
Corona Virus Disease o mas kilala sa tawag ng COVID-19. Isang nakamamatay na sakit na
nagdadala ng hinagpis sa lipunan. Na ang pinanggalingan din ay tayo, tayong mga taong
naging makasarili at pinagmamalupitan ang kalikasan. Tayo ang nagsimula kaya tayo rin ang
dapat gumawa ng paraan upang mapagtagumpayan ito. Kahit sa isang patak lang ng
pagmamahal. Pero, paano? Ano ba ang magiging ambag ko sa komunidad?
Lahat tayo ngayon ay humaharap sa digmaan na ang kalaban ay di nakikita. Ang
COVID-19 na kumitil sa buhay at kabuhayan ng maraming tao. Ipagpalagay nating na isa na
akong ganap na magaling at matagumpay na si Engr. Marielle P. Margarito.
As an employer. Sisiguraduhin kong ang mga empleyado ay ligtas sa sakit at gutom.
Hahatiin ko ang mga employee base na rin sa kani-kanilang kapasidad o kakayahan sa
paggawa para na rin salit-salit sa pagtatrabaho upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.
In terms of construction. Sa hanay naman ng konstrasyon, ay tutulong sa paggawa ng mga
health facilities para sa mga COVID-19 patient. Magpapagawa rin ng Home for Frontliners
na pansamantala nilang tuluyan mas lalo na sa mga health workers na hindi makakauwi sa
kanilang tirahan. Bukas rin sa gobyerno para sa mga OFW at homeless upang patuluyin sa
mga facilities na maaaring umukupa sa kanila.
In terms of social media. Sa mga empleyado naman na pinagkalooban ng talento sa
larangan ng sining ay magkakaroon ng Art for Cost para ang perang malilikom ay
magsilbing tulong sa mga taong lubhang nangangailangan nito. Ang mga empleyado naman
na may pontential at willingness upang magturo at magbigay ng karagdagan kaalaman sa
mga estudyante ay magkakaroon ng online class at tutorial. Ang pagkakaroon din ng online
contest para sa mga empleyado kasama ang kanilang pamilya ng sa ganun ay maiwasan ang
pagkabagot sa pamamagitan ng paggawa ng pampa-Good Vibes video. Hindi lang pera at
gift from the company ang makukuha kundi ang bonding ng pamilya na mabubuo dahil dito.
Makakapagbigay din sila ng inspirasyon at saya sa mga taong makakapanood nito.
In terms of company car. Ang mga sasakyan din ng kompanya ay pwedeng ipahiram at
ipagamit bilang lagayan ng mga goods at kung anu-ano pang mga bagay na makatutulong
para sa mabilis na distribusyon nito. Maaari ring gamitin ang mga sasakyang ito para sa
mobile market at sasakyan ng mga frontliners na tumutuloy sa Home for frontliners.
In terms of partnership. Bubuo ng grupo at makikipag-partner na susuporta sa kaligtasan at
kalusugan ng mga taong temporary na nakatira sa mga pasilidad na ipinagawa ng kompanya.
Ang mga kaibigang kapwa inhinyero, arkitekto, at iba pa na nais makiisa sa magandang
layunin ng kompanya ay bukas sa kanilang bukal sa loob na pagtulong. Ang kabuuang pera
na naiambag sa pamamagitan ng partnership na ito ay gagamitin bilang donasyon sa
paggawa ng karagdagang PPE sa mga frontliners at mask naman para sa mga taong
nangangailangan nito.
Bilang indibidwal kasama ang pamilya. Kasama ang ibang myembro ng pamilya ay
magbibigay tulong pinansyal at goods. Hindi lang sa moral at pinansyal na aspekto ang
maaaring maitutulong kundi higit sa lahat ay sa espiritwal na aspekto. Ang pagdarasal
kasama ang pamilya ang maglalapit sa atin sa Poong Maykapal na syang maghihilom sa
lahat ng sugat at pighati na nating nararanasan ngayon mas lalo na sa COVID-19 pandemic.
Lahat tayo ay may kakayahang tumulong at magpakita ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa kapwa. Tandaan natin na kahit gaano man kaliit na tulong ang maiaabag
ng bawat isa sa atin, ay napakalaking bagay na ito kung ating magawang mapagsama-sama.
Kahit isang patak ng pagmamahal ang ibigay natin sa isa’t isa ay mapagtatagumpayan natin
ang mga problemang hinahampas sa atin. Ang mga ambag ko sa komunidad bilang inhinyero
ay ang mga naibanggit ko sa itaas at pinili kong magkaloob ng buong patak ng pagmamahal.
Dalawang desisyon lang ang maisasakatuparan natin sa ngayon, ang tumulong o magpabigat
sa lipunan. Ikaw, anong klaseng pag-ambag ang pipiliin mo?

You might also like