You are on page 1of 4

Gawain 4.

3 – Pagsasaayos ng Datos

Pangalan: VICTORINO, Andrea Mae S. Petsa: Sept. 11, 2020

Strand at Seksyon: STEM191 Mood: Nagbibigay-impormasyon

I. Sinopsis/Lagom

Mula sa dokumentaryong “143 Covid Free” na sinimulan ni Howie Severino, nabigyang-


pansin ang kalagayan sa lugar ng Bambang, Nueva Vizcaya na kung saan nakalipas lamang ng 5
buwan at 143 na araw, ang lugar ay nagkaroon lamang ng unang kaso ng COVID-19. Napanatili
ng Bambang ang ganitong kalagayan sa pagsasagawa ng self-quarantine sa loob ng 14 na araw,
pagtatala ng mga taong tagalabas bilang pagkontrol sa mga pagpasok sa Bambang mula
Disyembre hanggang Agosto at pagiging aktibo ng komunidad ng “Chismis Brigade” sa
pagkakalat ng balita ukol sa mga mamamayang possibleng apektado ng sakit. Ang mga paraang
ito ay halos nasa kontrol ng isang RHU facility physician at facility manager na si Dr. Anthony
Cortez. Isang photojournalist na si Xyza Cruz Bacani ay nailahad din ang sitwasyon ng Bambang
sa kanyang artikulo mula sa National Geographic. Naging sentro rin sa artikulo ang mga aksyon
na isinagawa ni Dr. Anthony Cortez sa komunidad upang masiguro kung maayos ang mga
kalusugan ng bawat mamamayan.

II. Presi

Ang lugar ng Bambang, Nueva Vizcaya ay nagkaroon lamang ng unang kaso ng COVID-19
matapos ng 5 buwan sa eksaktong 143 na araw. Ang naging hakbang o paraan ng komunidad
upang makaiwas sa nasabing sakit ay ang maagang pagdiskubre ng sakit at paglilista ng mga
tagalabas na mamamayan simula ng buwan ng Disyembre, pagsunod sa nasabing protocol gaya
ng pagsasagawa ng self-quarantine sa loob ng 14 na araw at ang pagbuo ng samahan ng
“Chismis Brigade” upang makakalap ng impormasyon sa mga mamamayang dumarating sa
Bambang.
III. Sintesis

Mahigit umabot sa 5 buwan at 143 na araw ang pagiging ligtas ng Bambang, Nueva
Vizcaya mula sa lumalaganap na pandemya ng COVID-19. Ito ay napanatili dahil sa aksyon na
isinagawa ng komunidad ng Bambang at lalo na sa pagkilos ng isang doctor na si Dr. Anthony
Cortez bilang sentro ng mga isinagawang aksyon sa lugar.

Simula noong buwan ng Disyembre, nang malaman ni Dr. Anthony Cortez ang balita ukol
sa pandemya ng COVID-19 mula sa bansang China, nagsagawa agad siya ng pagtatala ukol sa
mga mamamayang pumapasok sa lugar ng Bambang. Kinakailangang sumailalim ang mga tao sa
proseso ng self-quarantine sa loob ng 14 na araw kahit na ang resulta ay lumabas na negatibo.
Karamihan sa mga binabantayan ay ang mga LSI o “Locally Stranded Individuals” at ROF o
“Returning Overseas Filipinos” na galing mula ibang bansa.

“Ang kahalagahan po nun, is na alam nila na hindi sila pinapabayaan, na sila po ay


inaalagaan and bilang doktor, na ako yung RHU facility physician at facility manager, obligasyon
ko po na tingnan ang kalusugan nila kahit minsan sa isang araw or minsang every other day or
kung may problema, open ang aking communication, phone man o radyo, 24 hours" (Cortez,
2020).

Kasama rin sa pagkokontrol ng seguridad ng lugar ay ang pagiging aktibo ng “Chismis


Brigade” na binubuo ng komunidad at mga kasapi ng barangay na tumatayo bilang tagakalap ng
impormasyon ukol sa mga dumarating sa kanilang lugar na hindi taga-Bambang. Sa paraang ito,
nagkakaroon ng pagpapanayam kung ang pasyente ba ay nakaranas ng exposure sa COVID-19 at
kung ito ba ay lumalabag sa protocol na itinaguyod sa lugar ng Bambang.
Dahil sa tuloy-tuloy ang paglaganap ng sakit na COVID-19, maigi na ito ay iwasan dulot
ng ito ay isa sa mga ikinokonsiderang pinakamalalalang sakit na maaaring maranasan ng bawat
komunidad, hindi lamang sa lugar ng Bambang pati na sa ibang lugar ng bansa. Dapat
panatilihin ang pagsunod sa mga protocol na ipinapatupad ng bawat siyudad na ikinalalagyan
upang manatiling ligtas sa nasabing sakit.

IV. Reaksyong Papel

143 Covid Free

Mula sa dokumentaryo na nilikha ni Howie Severino, naipahayag niya ang laganap na


pandemya ng COVID-19 sa ating bansa lalo na sa lugar ng Bambang, Nueva Vizcaya. Kasama din
sa mga nagpahayag ng sitwasyon ng lugar ay isang photojournalist na nagngangalang Xyza Cruz
Bacani at ang kilalang doktor sa lugar na si Anthony Cortez.

Ayon sa kalagayan ng Bambang mula sa dokumentaryo, masasabi ko na maayos ang


kanilang progreso tungo sa pagsasagawa ng paraan upang maiwasan o mabawasan ang may
mga sakit sa kanilang lugar. Isa sa kinokonsidera nilang importanteng tao na si Dr. Anthony
Cortez, ay halos ibigay ang kanyang makakaya sa pagtulong sa kanilang komunidad. Naipahayag
ni Xyza na si Dr. Cortez noon pa lamang ay mayroon ng inihandang listahan noong Disyembre
na kanyang nakalap sa balita. Sa gawaing ito, naipamukha ni Dr. Cortez na mas maaagapan ang
mga may sakit kung sa simula pa lamang ay ginagawan na ng paraan at naghahanda ng plano
upang maresolba ang magiging problema lalo na sa pandemya. Ayon kay Dr. Cortez (2020), “As
a doctor, ang unang trabaho is maiintindihan ng tao kung ano yung sakit, kasi kung hindi
naiintindihan ng tao yung sakit, hindi nila gagawin yung part nila. If a patient can understand
the diagnosis, 50% of my job is done”. Isa ito sa mga nakapukaw ng atensyon para sa akin kasi
nabanggit din niya na hindi niya magagawa ng maayos ang trabaho niya bilang doktor kung
walang pagtutulungan ang komunindad lalo na ang mga taong ginagamot niya, simpleng
pagtutulungan lamang sa isa’t isa ay sapat na. Karagdagan din na ang lugar ng Bambang ay
sobra sa ayuda, ito din ang nakatulong sa mga tao upang hindi sila makaranas ng gutom sa
panahon ng pandemya.
Kung ikukumpara ang lugar na aking kinalalagyan sa Bambang, Nueva Vizcaya, mas
maganda ang nagiging progreso ng Bambang kaysa sa aking lugar. Marami pa rin ang apektado
ng sakit at kung tutuusin, dahil sa mas matao ang urban na lugar, mabilis din ang pagkalat ng
sakit at minsa’y walang maayos na plano para ito’y maiwasan, pati na rin ang mga pasaway na
dumadagdag sa mga naaapektuhan ng sakit at ang kakulangan pa sa mga ayuda.

You might also like